V

21 0 0
                                    

Tumungo ako sa sinasabing bahay nila Lolo at Lola, may kalapitan sa Sandungan Beach, malaki ang bahay ng pamilya ni Toby parang sa amin pero mas malawak ang sa kanila. Pinapasok ako ng katulong nila pagkatapos sabihing nasa Library si Toby, wala raw ang mga magulang nito at kapatid lang ang kasama.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang umaakyat ng hagdanan. Bumabalik din ang kung ano sa tiyan kong hindi ko maipaliwanag. Para akong mababaliw na hindi ko alam. Gusto ko namang makita siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Mahina akong kumatok. Hindi ata ako narinig dahil walang sumagot kaya nilakasan ko. "Bukas po 'yan!"

Palihim akong napangiti, magalang pala siya. Binuksan ko ito at pumasok. He's sitting on the sofa with his feet up while reading a book. Nakatalikod ito sa akin kaya siguro akala niyang kasamahan nila ako sa bahay.

Pinagpapawisan na ako kahit sobrang lakas ng aircon nila. Ano ba? Paano ko ba siya tatawagin. Ang awkward naman kapag pangalan gayong hindi kami close, masyado namang formal kapag last name basis kami.

Maingat akong naglakad papunta sa likod ng sofa at mahina siyang tinapik. Lumingon ito na may ngiti sa labi na para bang alam niyang ako ang pumunta. Tumayo siya at inayos ang damit niya, he's wearing a black sando and gray sweat shorts.

"H-hi..."

He smirked. "Hey, Lia."

Hindi naman iyon ang pangalan ko pero ang sarap sa damdamin nang tawagin niya ako noon.

"Is there something I can do for you?" Nakangiti niyang tanong.

Nahihiya kong kinamot ang buhok ko at yumuko. Inabot ko sa kanya ang sobreng bitbit ko.

"What's this?" nagtataka pero binuksan niya ang sobre.

"Para sa painting."

"To?"

"To pay you because you bought it pero binigay mo? There's no reason for you to buy me one expensive painting."

He placed the check back to the envelope then handed it back. "I don't accept checks," humalukipkip siya. "But I accept dates."

D-Date? Hindi ata ako papayagan. "H-ha?"

"Pwede ring kiss," he raised his brows and smirked.

Nanlaki ang mata ko at namula ako. Grabe naman siya mag-isip, hindi pa nga kami pero magkikiss na kami. Teka! Iniimagine ko palang parang mababaliw na ako.

"Ganto nalang," he said. He cleared his throat. "There's 25 thousand here, right?"

Tumango ako.

"We'll spend a thousand on every date. Is that a deal?"

"H-hindi papayag sila Daddy," Malungkot na sabi ko at yumuko. As much as I wanna try I don't think na pwede.

"I'll do whatever it takes para pumayag sila," he smiled, hindi yung nakakapogi pero nakakalambot ng puso. "Pumayag ka lang na makasama ako haharapin ko ang lahat."

My breath hitches everytime he smiles. Kung ice cream lang ang puso ko, malamang lusaw na lusaw na ito. Hindi ako sigurado sa kalalabasan pero tumango ako, pakiramdam ko kasing mabait na tao si Toby at may tiwala ako sa kanya. He has charm that makes me feel safe.

"Is that a yes?"

"Hindi naman ako umiling diba?"

"Naninigurado lang," tumawa siya na nagpakabog sa puso ko. Kailangan ko na atang magpa-doctor. "So... I'll take you out tomorrow?"

"M-May pasok ako bukas."

"Uwian? Hindi ka ba nauwi?" asar niya.

I pouted. "Nauwi naman kaso baka gabihin ako eh."

Love, The CoastWhere stories live. Discover now