Chapter 2

457 6 2
                                    

John's pov

Nandito ako sa bar at umiinom mag isa dahil iniisip ko pa din ang sinabi ni Dad sa akin. Kailangan kong mag pakasal pero sino kaya ang pwede?. Tinitingnan ko isa isa ang mga tao dito nang mahagip ko si Klariz. Oh she's here at may kasama syang tatlong babae pa. Tiningnan ko lang sya buong mag damag. She is such a party goer. Parang sanay na sya dito sa bar ah. Ilang minuto pa ay tumayo na sya para umalis, medyo gegewang gewang na din sya, siguro dahil sa alak. Sinundan ko na sya dahil na fe-feel ko na hindi nya kayang umuwi mag isa. At tama nga yung hula ko dahil may humarang sa kanya na isang lalaki.

"Hi miss hatid na kita" aniya sa kanya nang isang lalaki.

"Di na kaya ko naman"

"Miss wag kanang tumanggi" aniya nang lalaki at hinawakan sya sa braso.

"Kuya bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako! Tulong! Tulongan nyo ako!" sigaw ni Klariz kaya agad ko na silang nilapitan.

"Let him go!" utos ko sa lalaki at hinawakan sa braso si Klariz.

"Wag ka ngang mangelam kung hindi uupakan kita dyan" aniya nang lalaki at pilit nyang hinatak si Klariz pero pinigilan ko sya.

"I said let him go!" utos ko parin sa lalaki kaya binitiwan nya na ito pero akala ko ay aalis na sya yun pala ay bumwelo lang sya para suntukin ako kaya natumba ako.

"The heck!" sigaw ko sa kanya at may naramdaman akong dugo sa labi ko kaya pinunasan ko ito.

"Sabi ko wag mangealam diba" aniya nya at hinatak si Klariz. Agad agad akong tumayo para sundan sila. Inagaw ko sa kanya si Klariz kaya napaharap sya sa akin at sinuntok ko sya sa mukha. May nakita akong dugo sa ilong nya. Aambahan nya sana ako pero na salaga ko ito. Pinagsusuntok ko sya sa mukha at sa tyan hanggang di na sya makatayo.

"I hope this will be lesson for you" sambit ko at umalis. Habang papunta kami sa kotse ay biglang hinimatay si Klariz kaya agad ko itong binuhat papasok sa kotse. Inihatid ko sya sa apartment nya at iniwan na sya doon.

Kinabukasan

Klariz's pov

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na pumapasok sa bintana ko. Aray! Ang sakit nang ulo ko mukhang napadami ata yung ininom ko ka gabi. Pero sino yung lalaki na nag ligtas sa akin, di ko sya matandaan dahil medyo blured yung mga pangyayari kagabi. Ipinasawalang bahala ko na lang iyon at agad nang nag ayos para pumasok sa office.

"Uy Klariz tawag ka ni Sir" aniya nang isang ka trabaho ko kaya agad akong pumunta sa office ni Sir John.

"Sir tawag nyo po ako?" aniya ko lumapit sa lamesa nya. Dahan dahan syang humarap sa akin at may pasa sya sa may labi nya. Wait a second, Sya yung guy na tumulong sa akin kagabi! Naku yare na naman ako neto.

"Yes Ahm pwede mo ba akong samahan mamayang gabi because I have a dinner to attend?" sambit nito kaya tumanggo nalang ako.

"And about last night, wag kang iinom nang sobra kung wala naman mag hahatid sayo" dagdag nya pa kaya medyo nahiya ako.

"Sorry po Sir"

"Sige pwede mo nang ituloy yung nga gagawin mo" sambit nya kaya tumango nalang ako at lumabas. Nang makarating na ako sa lamesa ko ay bigla nalang akong tumungo dahil sa nangyari kagabi. Pag katapos nun ay itinuloy ko na yung ginagawa ko. Ilang minuto pa ay lunch na namin, wala si Aira dahil bigla daw syang nilagnat, pano pa naman eh sya ata yung maraming uminom sa amin nung gabi na iyon. Papunta na sana ako sa cafeteria nang bigla akong hatakin ni Sir. Tuloy tuloy lang kaming nag lakad papunta sa parking lot at sumakay sa kotse.

"Sir saan po ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero naka tingin lang ito sa labas. Saan ba ako dadalhin netong boss ko? Ang alam ko wala naman syang schedule ngayon.

That ContractWhere stories live. Discover now