Chapter 6

446 11 1
                                    

Klariz's pov

Naramdaman ko na may mabigat na naka dagan sa binti ko kaya nagising ako. Nakita ko sa tabi ko si John na mahimbing na natutulog. Di ko alam kung bakit napangiti ako nang makita ko syang naka yakap sa akin. Gigisingin ko sana sya pero naisip ko nalang na hayaan muna sya matulog, unti unti akong umalis sa pag kayap nya at pumunta nang kusina para maghanda nang umagahan. Nang matapos na ako ay agad ko na syang ginising.

"John, john gumising kana dyan" malambing kong sabi sa kanya. Nag unat muna ito bago nag salita.

"Good morning" bati nya sa akin.

"Good morning din, kain kana dun sa baba. Nag handa ako nang umagahan" aniya ko sa kanya kaya tumayo na sya at bumaba. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako bumaba. Nakita ko syang kumakain.

"Ano kamusta ang lasa?" tanong ko dito at tumabi.

"Hmm ok na din"

"Anong ok na din?"

"I mean masarap"

"Kala ko naman di mo nagustuhan, may gagawin ba tayo ngayon?"

"Hmm oo, pupunta tayo sa designer natin. At mamayang hapon mag iimpake na tayo dahil pupunta tayo sa resort"

"Weh?!" ngiting sambit ko sa kanya. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakapunta sa beach kaya excited ako.

"Oo, bakit parang excited ka pa?"

"Wala sige bihis ligo na ako" aniya ko sa kanya at bumeso at umakyat.

John's pov

"Teka? Totoo bang bineso nya ako?" di maka paniwalang sabi ko sa sarili ko. Hayst Klariz tumigil ka nga dyan sa pagiging sweet mo, pag ako pumatol baka di mo kayanin. Napailing nalang ako sa mga pinag iisip ko at umakyat nang kwarto para mag handa. Ilang minuto pa ay naligo na ako, nag bibihis nalang ako, nang matapos ako ay lumabas na din ako nang kwarto. Nakita ko si Klariz sa sala na may kausap.

"So kelan uwi mo?" tanong nito at biglang tumigil hudyat na nag sasalita yung kausap nya.

"Sige pag naka uwi kana balitaan kita kung saan ang venue, basta pumunta ka sa kasal ah" ngiting sambit nito at pinatay na ang tawag.

"Sino yun?" tanong ko dito habang pababa nang hagdanan.

"Ah kaibigan ko ini-invite ko lang sa kasal natin" ngiting sabi nito sa akin.

"Ay teka ayusin ko yung kwelyo mo" sambit nito at lumapit sa akin at tumingkayad para maabot yung kwelyo ko. Medyo 2 inch nalang lang ang layo nang mukha nito sa mukha ko.

"Yan ok na" aniya nito at tumingin sa mukha ko kaya biglang uminit ito. "Oh bat ka mamumula may sakit kaba?" dagdag pa nito at inilagay yung kamay nya sa noo ko.

"Ah wala, ok lang ako, tara na" tarantang sabi ko at pumunta na sa kotse. Nang makarating na kami sa boutique ay naming sinukat yung damit. Ako yung unang nag sukat. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas.

"So what do you think Love?" ngiting sabi ko sa kanya.

"Pogi mo ah"

"I know"

"Sige palit na ako" aniya nito at pumasok na sa dressing room.

Habang hinihintay ko sya ay biglang tumunog ang phone ko.

Rose:
Hey

Si Rose lang pala. Agad ko itong di pinansin at pinatay ang phone ko. Bigla ulit itong tumunog kaya kinuha ko ito.

That ContractWhere stories live. Discover now