Chapter 11

785 13 3
                                    

Klariz's pov

After a few months

"Uy guys dun tayo sa may bangin oh" aya ko sa mga kasama ko at itinuro yung bangin sa ibabaw nang dagat.

Nag Road Trip kasi kami nila Jeremy, Rose at John. Ito na yung last na pupuntahan namin kasi uuwi na din kami dahil mag gagabi na.

"Oh sige tara Love" aniya ni John at hinatak ako papunta dun.

Nag picture taking kami dito hanggang lumubog ang araw. Nang medyo madilim na ay umalis na kami. Pero bago kami umalis ay hinatak ako ni Rose at itinutok ang baril sa ulo.

"Wag kang gagalaw kung hindi ipuputok ko tong baril sa ulo mo" aniya ni Rose na parang galit.

"Rose saan mo nakuha yang baril? Please wag mong iputok" pag mamakaawa ko sa kanya habang nakatutok padin sa ulo ko yung baril.

"Rose ibaba mo yan, pwede naman nating pag usapan natin toh" mahinahon na sabi ni John habang papa lapit sa amin.

"Problema? Sya ang problema ko! Kung hindi sya dumating sa buhay ko, edi sana ako yung papakasalan mo John, edi sana ako ngayon ang kasama mo at hindi sya!" sigaw nito.

"Rose ibaba mo yan pls, pwede naman pag usapan yan nang maayos eh" sambit naman ni Jeremy.

"Palibhasa sayo madali lang pero saken hindi. Alam mong mahal na mahal kita John pero bat sya pa din yung pinili mo?" nangingiyak na sabi ni Rose.

"Kasi sya na ang mahal ko at hindi na ikaw, nakapag move on na ako satin noon"

"No! Hindi yan totoo!" sigaw ni Rose kaya agad akong nag pumiglas at tumakbo papalapit kila John pero bago pa ako makalapit ay may putok nang baril akong narinig.

Agad akong tumingin sa likoran ko at nakita ko si John na may dugo sa dibdib nya. Agad itong na tumba kaya nilapitan ko toh agad.

"John lumaban ka pls, lumaban ka Love" aniya ko at agad syang niyakap.

"Love mag ingat ka lagi, tandaan mo na mahal na mahal kita at proud ako na ikaw ang naging asawa ko" aniya nito at hinawakan yung pisnge ko.

"John pls wag muna ngayon, di pa natin natutupad yung mga pangarap natin"

"Wag kang umiyak Love, mawala man lagi mo naman na tandaan na nasa tabi mo ako kahit anong mangyare" aniya nito at tuluyan na ngang nawalan nang malay.

"Love! Gumising ka! Love wag mo kong iwan" sambit ko at niyakap sya. Nilingon ko si Rose na kasalukuyang nakatulala at nanginginig yung kamay nya.

"Di pa sya patay diba?"

"Pinatay mo sya!"

"No hindi yan totoo"

May narinig kaming mga pulis na papalapit sa amin kaya naman itinutok ni Rose yung baril sa ulo nya.

"Rose wag mo yan gawin!" aniya ni Jeremy, piqpigilan na sana sya nito pero agad nyang naiputok yung baril sa ulo nya at nahulog sya sa bangin.

~~~~~~~~~~

"Mukhang busy ka ah" aniya ko at niyakap si John sa leeg nya.

After nang mangyare iyon ay himalang nabuhay pa si John kaya nag papasalamat ako. Si Rose naman ay hanggang ngayon di pa din nakikita yung katawan nya.

"Di naman Love, iilang paper works lang toh na di ko pa natatapos tingnan" sagot nito at humalik sa psinge ko.

"Di ba pwedeng ipabukas muna lang yan? Mag hahating gabi na"

"Di ka ba sanay na lagi akong nag pupuyat dahil paper works?"

"Sanay naman pero di ka ba napapagod?"

"Napapagod din naman pero wala eh"

"Geh una na ako sa kwarto, antok na ako" aniya ko sa kanya at pumasok na sa kwarto namin at humiga.

Patulog na sana ako nang may tumabi at yumakap sa bewang ko. Agad akong humarap at nakita ko si John na naka ngiti lang saken.

"Oh kala ko ba mag pupuyat ka?"

"Hmm sa susunod nalang" sagot nito at niyakap ako. Sinubsob ko nalang yung mukha ko sa dibdib nya at pumikit.

"I love you Klariz" dagdag pa nito at hinalikan ako sa ulo.

"I love you too" sagot ko sa kanya at tuluyan na ngang naka tulog.

[Guys sorry kung natapos agad pero wag kayong mag alala dahil may next story akong i pu-publish. Love Affair yung title nya and then yung mga characters nya ay sina LindsayXRichard (LinChard), JanXAra (JanAra) at pinakahuli sa lahat sina KaraXJackson (KarJack). So siguro naman familiar kayo sa tatlong couple. Again Salamat ulit sa pag babasa nyo and sana wag kayong mag sawa sa pag sosoporta saken. Yun lang😊]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That ContractWhere stories live. Discover now