Chapter 8

540 8 1
                                    

John's pov

"Uy bro wala pa ba sila?" tanong ni Richard sa akin. 

Nasa tabing dagat kami. Mag swi-swimming kasi kami tutal bukas na ang kasal namin. Naka board short lang ako samantalang si Richard naman ay naka hawaiian polo na nakabukas, naka shades at short.

"Ampogi natin ah" sambit ko sa kanya kaya natawa nalang sya. Mistiso kasi sya, parehas lang kami nang height    5'2, at medyo maskulado ang katawan.

"Syempre Idol kita eh"

"Binobola mo na naman ako" sambit ko sa kanya kaya tanawa sya. Biglang may tumawag sa akin kaya napalingon kaming dalawa.

"John!" sigaw ni Rose sa amin at tumakbo.  Naka two piece sya na black at naka bun up ang buhok nya. Mistisa sya, payat at medyo mababa sa akin ang height.

"Oh Hi Richard kasama ka din pala. Sino hinihintay nyo?"

"Ah si Klariz"

"Ganun ba, sige una na ako sa inyo ah"sambit nito at agad nag dive, dahan dahan itong umahon kaya kitang kita mo yung curve nang katawan nya. May narinig kaming nag tatawanan kaya agad kaming lumingon para tingnan kung sino iyon. 
Sila Klariz lang pala, naka suot silang lahat nang swimsuit pero nakakuha nang pansin ko ay si Klariz. Naka blue sya na one piece swimsuit, naka lugay ang buhok at naka shades. Aaminin mistisa din sya, medyo payat, medyo mababa yung height nya at mas maganda sya kay Rose, mala barbie doll kasi ang look nito.

"Huy baka matunaw naman yang tinitingnan mo" sambit sa akin ni Richard kaya natauhan ako.

"Sira ka talaga"

"Wag mong sabihin na nahuhulog kana sa kanya. Oh wait a minute, bro nabibiro ka lang diba" aniya nya kaya tumango ako. "Woh! Di nga?"

"Nahalikan ko na nga sya eh. It means mahal ko na sya. Tsaka since nag simula itong pag papanggap namin ay unti unti ko na syang nagustuhan" aniya ko sa kanya at ngumiti.

"Edi wow, sanaol hahahaha" natatawa nyang sabi sa akin. Wala pa kasi tong girl friend kaya ganyan.

"Love" tawag ko kay Klariz kaya medyo binilisan nya yung lakad nya. Nang malapit na ito sa akin ay agad ko itong niyakap

"Baket? Noh na naman kailangan mo ha?"

"Ito naman ang sungit umagang umaga" lambing ko sa kanya at hinalikan sya sa noo. Sa ngayon ay nakatingin sa aming dalawa si Rose.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?"

"Ang ganda mo" sagot ko sa kanya. Kaya bahagyang ngumiti ito pero bumalik din yung ekspresyon nya na masungit.

"Sus nambobola ka na naman"  sambit nito sa akin at pinisil yung ilong ko.

"Aray ko! Masaket ah" aniya ko sa kanya kaya tumawa sya.

"Oh sya mga love birds, lumanggoy na kayo dun bago pa mandilim yung paningin ko sa inyo" pabirong sabi sa amin ni Richard. Kaya napatawa kaming lahat.

"Noh kaba Richard wag kanang maging bitter dyan. Hayaan mo may dadating din sayo hintayin mo lang" sabi sa kanya ni Klariz.

"Ano pa nga ba? Eh mahiyain kasi yan si Richard" asar ko pa kay Richard.

"Lumangoy na nga kayo dun naiinis na ako eh" aniya sa amin ni Richard kaya sinunod nalang namin.

Buong hapon kaming nag tampisaw sa dagat. Lahat kam ay nag saya, nakilala na din nang lubusan ni Klariz si Rose and honestly nag kapalagayan na din sila nang loob. Humabol din sa amin si Jeremy, nung una ayaw ko syang makasama pero nung nakilala ko sya ay mabait din naman pala toh. Sa ngayon ay nandito kami sa cottage namin at umiinom, nasa tabi ako ni Klariz para pag nalasing ito ay may maghahatid sa kanya.

"Laro naman tayo" sabi sa amin ni Aira kaya na patingin kaming lahat sa kanya.

"Nang ano?"

"Truth or Dare, kung kanino matapat yung bunganga nang bote sya yung tatanungin" sabi ni Aira at ibinababa yung bote nang san mig light tsaka pinaikot.

Ilang minuto pa ay tumapat sa akin ang bote kaya bigla akong kinabahan. Tumingin ako kay Klariz na naka ngiti lang sa akin.

"Sino mag tatanong?" tanong ko sa kanila. Magsasalita na sana si Klariz nang unahan sya ni Rose.

"May gusto ka pa ba saken?" tanong nito kaya medyo naging awkward kami.

"Wala na" deretsong sabi ko sa kanya kaya napatango ito.

"Ok" kipit balikat nyang sabi at pinaikot ang bote, tumapat ito kay Klariz kaya medyo nagulat ito.

"Ano yung nagustuhan mo sa akin?" biglang sabi ni Jeremy kaya nagulat kaming lahat. "I mean ano yung nagustuhan mo sa akin bilang kaibigan mo?" bawi nito sa kaninang nasabi nya.

"Ah kala ko naman kung ano, mabait ka, makulet at masayahin" sagot sa kanya ni Klariz kaya napatango ito.

Ang aw-awkward nang mga tanong nila ha. Nililigpit ko nalang yung pinag inuman namin nang biglang may nagsalita sa likoran ko.

"John" tawag sa akin kaya napalingon ako, si Aira.

"Oh bat nandito ka pa? Matulog kana dun maaga pa kayo mag aayos bukas" sagot ko sa kanya kaya umupo ito sa tabi ko.

"Gusto lang kita na makausap"

"Sige ano yun?"

"About kay Klariz, alam kong kontrata lang ang relasyon nyo at ayokong masaktan ang kaibigan namin"

"Don't worry di ko sya sasaktan at walng makakapanakit sa kanya habang nasa tabi ko sya. And about the contract, wala na yun dahil nag decide na kami na totohanin iyon" aniya ko sa kanya kaya na pa tango nalang ito.

"Kung ganon edi mabuti, ako na mag tatapos nyan asikasuhin mo na dun yung magiging asawa mo baka hinihintay kana" pag ka sabi nya nun ay napangiti nalang ako. Akalain mo bukas na pala ang kasal namin ambilis nang oras. Agad akong nag paalam at pumunta sa kwarto namin nang makita ko silang dalawa ni Jeremy na nag uusap, kaya nag tago ako sa poste. Medyo malapit ito pero di naman nila ako makikita dahil malapad ito.

"So pano ba yan ikakasal kana, sana nasabi ko sayo yung nararamdaman ko bago pa naging kayo ni John"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Klariz mahal kita simula nong naging mag kaibigan tayo" sabi sa kanya ni Jeremy kaya biglang napatihimik si Klariz.

"Pero I guess can we just friends, para sa inyo ni John"

"Oh sige, friends?"

"Friends" aniya ni Jeremy at niyakap sya ni Klariz.

"Hayaan mo dadating din yung para sayo" aniya ni Klariz at humiwalay na sa pag kayakap at umalis, kaya agad akong umalis sa tinataguan ko at pumunta na sa kanya.

"Mukhang masaya ka ata" masungit kong sabi sa kanya kaya nagulat ito.

"Kanina ka pa dyan?" tanong nito kaya umiling ako. "Nag usap lang kami" dagdag pa nito.

"Usap lang ba talaga"

"Oo"

"Eh bakit kung maka ngiti ka wagas?"

"Nag seselos kaba?" pagtaray nito at itinaas yung isang kilay nya.

"Sagutin mo ako"

"Sagutin mo din ako"

"Fine oo nag seselos ako, masaya kana" sagot ko sa kanya at bigla nya akong niyakap.

"Aw! Nag seselos ka pa pala, hayaan mo Love sayo lang naman ako eh. Wag kana mag tampo" pag lambing ito kaya napangiti ako at hinalikan sya sa ulo.

"Alam ko yun, tara tulog na tayo. Mag hahanda pa tayo bukas eh" aniya ko sa kanya at binuhat sya papasok at niyakap nung naka higa na kami sa kama.

That ContractWhere stories live. Discover now