Chapter 9

613 9 1
                                    

Klariz's pov

"Maam upo na po kayo dito, aayusan na po namin kayo" aniya sa akin nang make up artist at hair stylist.

Kasalukuyan kaming nag aayos dahil mamayang hapon na ang kasal namin ni John kaya naman sobrang abala nang mga tao dito. Nasa loob ako nang isang kwarto at may iilang tao lang ang laman nito. Tumingin ako sa paligid para hanapin ang phone ko, nang mahanap ko na iyon ay agad ko na itong pinakuha. Pag bukas ko palang nang phone ko ay puro notif nang mga pabati ang nakita ko. Agad kong binasa isa isa at nag pasalamat. Sa pag babasa ko doon ay biglang may lumitaw na bouquet nang white roses sa harapan ko.

"Oh pinabibigay nang asawa mo" aniya ni Aira at ibinigay yung bouquet. Agad ko itong kinuha at tiningnan yung letter na kasama nito.

~For me you are the most beautiful woman I ever met. See you later Love~

-John-

"Asaan sila Colleen?"

"Andun sa labas nag pi-picture taking, ang ganda kasi nang back ground eh. Ganda naman natin." bati nito at lumapit sa akin dahil natapos na akong ayusan. Waterfall braid ang style nang buhok ko at light na makeup lang .

"Grabe ka naman"

"Sure ka na ba?"

"Na ano?"

"Magpakasal sa kanya?"

"Oo bakit mo na tanong?"

"Naniniguro lang, noh ka ba alam ko naman na madali kang masaktan eh"

"Wow ang sweet naman"

"Basta tandaan mo, andito lang kami kung kailangan mo nang tulong. Una na ako teh" aniya nito at bumeso sa akin.

"Sige bye" aniya ko sa kanya at tuluyan syang naka alis. Agad na kaming nag handa dahil malapit na mag start ang kasal.

~~~~~~~~~~

Onti onting binuksan ang kurtina at nakita ko si John andun sa dulo katabi nya ang pare, naka ngiti lang ito sa akin ganun din ako. Dahan dahan na akong nag lakad pa punta sa kanya, tiningnan ko isa isa ang mga tao na naka tingin lang sa akin na nakangiti. Nang makalapit na ako sa kanya, agad nyang kinuha ang kanang kamay ko at hinalikan iyon. Tumapat na kami sa pare at nag simula na ang ceremonya.

~~~~~~~~~~

"Ikaw lalake, tinatanggap mo ba ang babaeng nasa tabi mo na makabiyak at makasama habang buhay sa hirap man o ginhawa?"

"Opo father"

"Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba ang lalaking nasa tabi mo na makabiyak at makasama habang buhay sa hirap man o ginahawa?"

"Opo father"

"Isuot nyo na ang singsing sa isat isa" utos nang father kaya lumapit ang isang lalaki sa amin at ibinigay ang dalawang singsing. Ilalagay nya sana sa kanang kamay ko yung singsing kaya agad ko itong sinaway.

"Huy sa kaliwa" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ay sorry, ano bayan minsan na nga lang ako ikasal nag kamali pa ako" sambit niyo at tumawa.

"So Mr. Gemperle, you may now kiss the bride" aniya nang pare kaya dahan dahang itinaas ni John ang veil at ini-smack ako.

~~~~~~~~~~

"Congrats sa inyo" bati nang mga tao pag dating namin sa reception. All white din ang design nang reception namin, karamihan sa mga tao dito ay mga kilala ni John kaya hindi ko sila kilala.

Lahat kami dito ay nag kasayahan dahil si Richard pala ang host namin. Andaming kalokohan nitong pinagawa sa mga guest namin. Nakita ko din yung mga kaibigan ko na nag kakasayahan din, biglang lumapit sa amin ang tatay ni John kaya inayos ko yung sarili ko.

"Congrats sa inyo, alam nyo ba naaalala ko tuloy nang kinasal kami nang asawa ko" malungkot na sabi nito.

"Hayst Dad naman eh, wag na kayong malungkot. Andito naman kami ni Klariz di ka namin pababayaan" aniya ni John kaya napatango ako.

"Salamat naman kung ganon, oh sya alis na ako. Pero bago ako umalis may gusto sana akong sabihin sa inyo"

"Ano po yon?"

"Sana mabigyan nyo ako nang apo" sambit nito at umalis, kaya nasamid ako kahit wala akong kinakain.

"Oh Love ok ka lang?" nag aalalang tanong ni John sa akin kaya tumango ako.

"Parehas pala kayo nang papa mo, pala biro"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Nang alin?"

"Nang mag ka anak tayo"

"Gusto naman"

"So pano ba yan, mamaya?" tanong nito at kinindatan ako.

"Tumigil ka nga dyan"

"Bakit anong problema?" tanong nito kaya na pailing nalang ako.

Mga hating gabi na tapos ang celebration namin kaya lahat kami ay pagod. Sobrang tahimik nang paligid nakaka panibago. Tinitingnan ko yung mga social media account ko nang biglang lumapit sa akin si John.

"Ok ka lang? Tanong nya at niyakap ako sa bewang. Naka night gown lang ako samantalang naka t shirt at shorts lang sya.

Tumango lang ako at pinatuloy yung ginagawa ko. Mamaya maya pa ay nararamdaman ko yung mga labi nya na humahalik sa leeg ko.

"John" I sensually moan his name and he slowly layed my body on our bed.

He continue kissing my neck and lips. I responed every kiss he made. Unti unting gumapang ang kamay nya pataas sa hita ko at ipinasok iyon sa loob nang night gown ko.

[So guys, alam nyo naman kung anong next na mangyayare. Sana magawa ko nang maayos ang bed scene neto dahil first time ko lang gagawa nang ganoon na scene. Sana lang talaga maiayos ko hahahahaha]

That Contractحيث تعيش القصص. اكتشف الآن