Chapter 11

954 117 64
                                    

(Please do read the Author's note at the end of this chapter. Enjoy reading!💞)

Chapter 11





Jergen Cervantes POV




"May I take your order, Sir?" I smiled wide facing the two costumers in front of me.





Napatingin sa akin ang costumer na lalaki. Namilog ang mga mata ko nang mapansin kong may hawak siyang sigarilyo. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at may pagpapaumanhing ngiti.





"Sir, cigarettes is really prohibited in our restaurant —" ngunit hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahilan para mapaatras ako sa gulat.





"Magkano ba gabi mo, Miss?" sabi niya at kumindat pa.





Napangiwi ako at agarang nakaramdam ng pagka-diskomportable. Umusbong ang irita sa akin dahilan para mapabuga ako ng hangin. Wow... lakas ng sikmura nito ah. Kapal!





I twisted my lips and stand straight infront of him. I gave him a smile as a warning. Of course, I still need to be polite in front of my costumer even if my hands is itching so bad to punch him in an instant.





"Sir, pagkain po ang binebenta namin dito hindi po tao. At bawal po manigarilyo sa loob restaurant ko. Maari po kayong lumabas para tapusin muna ang ginagawa niyo bago kayo bumalik dito," I tried to be polite using my voice and facial expression.





"Ah, talaga? Pero type kita e, 5k ngayong gabi. Ano? Call?" Ang kaniyang madungis na mukha ay mas lalo lamang nagpa-init ng aking ulo. Aba namang bwisit na 'to.  Nagsimulang umusok ang ilong ko dahil sa galit. Sabayan pa nang mahinang tawa ng kasama niyang kapareho niyang madungis!





"'Wag ka pong bastos!" sigaw ko. Hindi ko naman talaga mapigilang masabi iyon. No woman can love hearing it! Anong tingin niya sa akin? Bayarang babae?! Akala mo naman kasi ke-gwapo gwapo, mukha namang shokoy!





The crowds attention went to us dahil sa sigaw ko. At akalain mo nga namang kahit isang crew ko walang lumalapit sa akin?!





"Galit ka naman agad," he laughed and blowed the cigarettes smoke in front of my fucking face! "Napakachossy mo naman, Miss. Ang laki na nga ng 5k sa isang gabi e, inaayawan mo pa," sabay iling niya at tila dismayado sa akin. I scoffed and comb my hair, feeling so annoyed right now. Ang kapal! Myghad kumukulo ang dugo ko! Humakbang ako papalapit sa kanya at akmang susuntukin na siya ng may na-una sa akin.




Napasinghap ako sa gulat ng tumilapon si shokoy sa sahig dahilan din upang mataranta ang ibang costumers.





"P*tangina! Ina-ano ba kita?!" Sigaw no'ng lalaki kay... kay... Marco?! Why is he here?!





"Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong mga taong nambabastos ng babae," sabi niya habang inilalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay.  I gulped as my heart started thumping loud inside my chest for I don't know reason. I'm sure it is jist coincidence. Damn.




"Pakialamero ka, ah!" Tumayo 'yung lalaki na siyang ikinataranta ko. Tumakbo ako sa harap ni Marco at dinuro iyong lalaki na parang nilamutak ng demonyo ang mukha.





"You should get out, Sir! I will call a Police and I will sue you for sexual harassment!"





Kailangan ko nang tuldukan ang problemang 'to. Kailangang malagay sa trono ng bilibid ang lalaking 'to. He might do this to other woman!





My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon