Chapter 14

869 112 44
                                    


Chapter 14

"Wala ka kahapon Marco. At nalaman ko na napaaway ka pa," Bulyaw ko sa kanya ng tuloy tuloy siyang pumasok sa opisina ko at seryosong seryoso ang mukha. Iyong tipong parang galing sa gyera at umuwing talunan.

"He's back, and you've met! Bakit di mo agad sinabi sakin!" Nabigla ako sa biglaang pagtaas niya ng boses sakin. Ano na namang problema nito? Siguradong si Josh ang tinutukoy nito.

"Sasabihin ko naman sayo a, kahapon ko pa gustong sabihin na nandito na si Josh pero wala ka. Easy lang okay?" Pagkakalma ko sa kanya.

"How about you?" Daglian niyang tanong.

"O-Okay lang ako," Nag-aalinlangan kong sagot. Okay lang naman talaga ako eh. Well, I'm not really good in lying.

"Ahh talaga? 'Di lang kasi yan ang nabalitaan ko eh, mas grabe pa," para talaga siyang tatay kung magalit. Kinakabahan talaga ako kapag ganyan siya.

"A-Ano?" My lips trembled.

"F*UCK! 'Di ka niya naaalala Joy!" Nabigla man ay itinago ko nalang ang totoong nararamadaman. Ang dali naman makasagap ng balita nito. Talo ako sa chismisan.

"Alam ko, hwag mo na ipaalala pa sakin." I took a deep breath and shifted on my seat.

"Joy, payong kaibigan lang, masasaktan ka lang kapag patuloy kang lalapit sakanya!"

"Marco, please kapag sa ganitong problema, ako na ang bahala, pabayaan mo na ako. Kayang kaya kong suongin yan."

Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok. Parang siya pa ang mas problemado sa aming dalawa.

"Ikaw pa yata ang mas problemado satin eh, may pasa ka parin sa labi. Sana tinawagan mo ako para may resbak ka," pag-iiba ko sa usapan. Aba'y magaling rin kaya ako sa karate. Pang self defence lang hehehe.

"Tss." Nag-iwas siya ng tingin at binalik sa bulsa ang mga kamay. Huminga siya ng malalim at mariin na pumikit. Grabe talaga 'to kung mag-alala sa akin. Ganyan naman talaga ang magkakaibigan e.

Tinitigan ko siya ng maigi at pinakiramdaman ng ilang saglit. Para kasing may malalim siyang iniisip. Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi na naging dahilan ng pagtawa ko. Nababaliw na naman ba ang isang 'to?

"May something ahh? Dati rati di ka naman tumutulong sa mga taong naargabyado, pero ngayon kahit na nasuntok na ay may ngiti pa sa labi. Galing ah! Makapagpasalamat nga kay Jergen," Pang-aasar ko sa kanya.

Dati kasi habang namamasyal kami sa mall may nagsasabunutan. Tapos sakto pa na sa harapan niya, pero dinaanan lang ng loko. Wala daw siyang time magpaka-hero.

Pero ngayon, isang Jergen ang nagpatumba sa matayog niyang pride!

"It's none of your business," Sabay tayo niya mula sa sofa at nagmartsa papunta sa pintuan nitong opisina ko palabas. Parang timang, bagay na bagay kay Jergen.

"Ikakamusta kita kay Jergen Doc!"

"Whatever!" At tuluyan na siyang umalis sa opisina ko. Ibang klase rin ehh.

Habang nagpapatuloy ako sa pagbabasa ng records ng mga pasyente ay may kumatok sa pintuan.

"Pasok." Im so damn busy checking the records at di ko na napagtuonan ng pansin ang kung sino mang pumasok.

Hinintay ko siyang magsalita, pero parang hinihintay niya akong bigyan siya ng atensyon kaya napatingin ako sa kanya, at ang taong yun ay di ko naman inaasahang pupunta dito sa lugar na pinagtatrabahuan ko.

"Dad?"

Taimtim niya akong tinitigan. Isa pa 'to sa mga namimiss kong tao. He's so damn near pero di ko maabot. At para mas mapadali, parang wala akong ama.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Where stories live. Discover now