Chapter 31

799 45 18
                                    

I would rather read slowly and explore all the dungeons and secret passages than be a speed reader who bounds from parapet to parapet and thinks he has seen the castle.

-Jim Fiebig

---------------------------------------------------

Chapter 31


Operating Room

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mataray na saad ni Cristine nang makapasok ako sa O.R at bihis na bihis na.

Nagsilingunan sa direksyon ko ang mga Medical Staff at kitang kita ko rin ang pagtataka sa mga mata nila.

"Bakit? Bawal ba ako dito? Baka nakakalimutan mo na tayong dalawa ang naatasan na mag-opera sa pasyenteng 'to."

"Sinabi ko naman sa'yo na ako—"

"Do you think you'll be better if I let you operate this on your own? Laban ko rin 'to at hindi ako umiiwas sa bawat hamon. At pwede ba? Set aside mo muna 'yang problema mo? Buhay ang nakasalalay dito." Ibinaling ko ang mga tingin sa nurse na naka-assign sa machine. "Vitals?"

"Stable po ang vitals ng pasyente doktora," Saad nito. Tumango ako at lumapit kay Cristine.

Tinitigan ko muna ang pasyente bago binalingan si Cristine na kahit naka-surgical mask ay alam kong nakatiim bagang. "Be professional, show me how good doctor you are... Let's start."

Tumango ang lahat maliban sa kanya.

"Surgical loop please..." Agarang isinuot ito ng nurse sa akin at pati narin kay Cristine.

Ako ang assistant niya ngayon, kaya maghihintay lang ako sa mga sasabihin niya at kung may mangyari man na 'di maganda, papalitan ko na siya.

Huminga siya ng malalim at itinuon na ang pansin sa pasyente. Tumahimik sa loob ng O.R at tanging boses lang ng machine ang maririnig. Bumalot sa loob ang tension at pagko-contrate.

"Scalpel..." She said. I hand it to her immediately. Tinitigan ko ang paraan ng pagcut niya sa scalp ng pasyente. She made a thin incision using scalpel.

Nabuksan na niya iyon at sinunod na ang arachnoid space. Di nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kamay niya.

'Di ko alam kong normal lang ba iyon sa kanya o talagang kinakabahan siya. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang ginagawa niya.

"Clip..." Tumango ako at ibinigay sa kanya. Pokus na pokus ang lahat at purong kabado.

"Wire Retracror please..." Kumuha ako ng retractor sa surgical tray at ako na ang nagposisyon.

(Wire Retractor- used to hold an incision or a wound open, to hold the tissue or organ out of the way to see underneath.)

"Hand me the forceps..." Inabot ko iyon sa kanya at pinakiramdaman siya. I can feel her hands shaking. I glanced at her, I can clearly see how pale she is.

Ganito ba siya kapag nag-oopera? Marahan akong napailing dahil sa naisip.

"Dr. Agcala, your hands," saad ko ng makitang nanginginig na inilapat niya ang forceps sa parte na inooperahan.

"What?!" Nag-angat ang lahat ng tingin at natuon sa kanya. Di ko inakalang magtataas siya ng boses sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon.

"Are you okay?" I asked sincere. Kailangan ko paring maging mahinahon, maliban sa pasyente ay nag-aalala rin ako sa kanya.

"Ano naman sayo?!" She rolled her eyes and gaze back on the patients head. She still have that attitude kahit na nag-oopera.

Huminga ulit ako ng malalim at itinuon ang pansin sa ginagawa niya. Agad akong kinabahan ng nadulas sa kamay niya ang forcep. Napasinghap ang mga kasamahan namin sa loob dahil sa boses ng forcep na nahulog sa sahig.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon