Chapter 1

2.9K 140 50
                                    


"Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo, Phemie?" Luther asked as he was eyeing her. Naniningkit ang mga mata nito at tinatansya kung nagsasabi nga ba siya ng totoo.

Kumagat siya sa mansanas na kaniyang hawak, kaniya itong nilingon bago sinagot. "Saan ako sigurado, Kuya?"

"Sa pagpasok mo sa Stery University. Hindi biro ang pag-aaral doon."

Napanguso siya. "I'm not kidneys!"

Kumunot ang noo ni Luther sa sinabi niya. "Kidding 'yon, hindi kidneys!"

"Ganoon na rin 'yon. Parehas naman silang may kid."

Napahilot sa sintido si Luther. "'Kita mo na? Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa 'yo! Hindi papasa 'yong mga gan'yang utak sa SU!"

Pumameywang siya rito at tinaasan ng kilay. "FIY, Kuya, tatalino din ako! Makikita mo, tatalino rin ako!"

"FYI 'yon, hindi FIY!"

"FIY nga!"

Hindi naka-tiis si Luther. Dumampot ito ng ubas mula sa mangkok malapit dito bago 'yon inihagis sa kaniya. Agad naman siyang ngumanga upang saluhin 'yon ng kaniyang bibig. Shoot! 3 points!

"Malapit na ang pasukan! Siguraduhin mong hindi ka male-late sa flag ceremony dahil pagsasaraduhan ka ng gate roon. Maliwanag?"

Tumango-tango naman siya na kunwari'y iniintindi ang sinabi nito. "Maliwanag pa sa right."

Luther tsked and turned his back to her. Iniwan na lang siya nitong kumakain sa kusina dahil mababaliw ito kapag kausap siya.

***

"Luther, where are you?" Nakakunot ang noo ni Primo habang kausap ang isa nilang kaibigan sa phone na hawak. Kanina pa kasi sila naghihintay ngunit hindi pa rin ito dumarating.

[I'm sorry, hindi ako makakapunta.]

"Why?"

[Nandito kasi 'yong kapatid ko. Hindi ko pwedeng iwanan lalo na't sa 'kin ibinilin ni Mama at Papa.]

"You have a brother?" Taka niyang tanong.

Ni minsan kasi ay wala itong nababanggit na may kapatid pala ito, gayong ilang taon na silang magkasama.

[A sister, to be exact. Kama-kailan ko lang din nalaman na may kapatid ako. I'll explain it to you tommorow.]

"Okay." Ibinaba na niya ang tawag at humarap sa mga kasama na nag-aabang din. "Hindi siya makakapunta."

Tumango si Macon at hindi na nagsalita. Ipinasak na lamang nito ang headset sa tainga.

Ngumiti naman si Azriel, lumabas tuloy ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi.

"Bakit daw?" Tanong ni Baxter. Nakatikim tuloy ito ng batok mula kay Dion.

"Ang chismoso mo talaga, 'no?!"

"Ulol! Parang nagtatanong lang!"

"Iingay niyo!" Tinulak naman ni Jaxon ang mukha ni Baxter at Dion papalayo sa isa't isa. Napadaing ang dalawa ngunit hindi na nagawang magreklamo.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon