Chapter 18

747 45 0
                                    


Bumukas ang elevator na sinasakyan ni Kylo. Agad siyang lumabas at tinahak ang daan patungo sa condo-ng tinutuluyan niya.

Akmang pipindutin niya pa ang passcode nang mapansin niyang bukas ang pinto niyon.

Inihanda niya ang sarili at dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya ng marahan. Nang walang makita ay tuluyan na siyang pumasok, maingat niya ring isinara ang pinto upang hindi maglikha ng ingay.

Tinahak niya ang daan patungong sala, kusina at banyo. Nailibot at natignan na niya ang mga gamit, ngunit walang nakuha sa mga gamit niya.

Binatukan niya ang sarili. Baka nga nakaligtaan niyang isara ang pinto ng condo niya. Nagmamadali kasi siya kaninang puntahan ang Central Pole nang malamang doon nakatira si Phemie.

Hindi niya alam ngunit mukhang tinamaan na nga siya sa dalaga dahil maganda ito, magandang-maganda. Mukhang busilak din ang pusong meron nito. Iyon ang hinahanap niya sa isang babae.

Wala sa sariling siya ay napangiti papasok sa kaniyang silid, ngunit agad nawala ang ngiting nakapinta doon nang mabungaran ang isang babaeng nakaupo sa kama niya.

"Oh? Bakit nawala agad ang ngiti mo?" Tumayo ito at nagpakembot-kembot na lumapit sa kaniya, inilapit pa nito ang bibig sa kaniyang tainga. "Aren't you happy to see me?"

Napakuyom ang kaniyang kamao at napapikit ng mariin. "What are you doing here, Coleen?"

Nakangising lumayo ang dalaga. "Dapat masaya ka 'diba? Sinundan kita dito! Let's celebrate!"

May kinuha malapit sa side table. Isang wine. Nilagyan nito ang dalawang baso ng wine. Binigay nito sa kaniya ang isa na hindi niya tinanggap.

"Leave." Malamig na aniya.

Kitang-kita niya ang sakit na bumalot sa mukha nito. "H-hindi ka ba talaga masaya na nandito ako? Jastin naman!"

"Sisirain mo lang ang plano ko!" Singhal niya.

"Plano? Bakit hindi mo ako isali? I can help you, Jastin." Lumambing ang boses nito at lumamlam ang mata.

"No, you can't. Sisirain mo lang lahat." Matigas na aniya.

"I can help! Kahit ano pa 'yan, basta tutulungan kita!"

Dahil sa inis, hinawakan niya ito sa magkabilang braso ng mariin. "Kahit ano?" Mapanuya siyang tumawa. "Wala pa akong plano noon pero nasira mo na agad kami, ngayong may plano ako mas masisira mo kami."

Tinulak niya ang babae palabas ng kaniyang silid. Hindi ganoon kalakas ang pagtulak niya dahil kahit papaano, may respeto pa rin naman siya para sa mga babae.

"No! Jastin! Jastin!" Pana'y ang katok ng babae, ngunit hindi na niya iyon pinagbuksan at kinandado ang pinto.

Umiling siya at napahawaks a sintido. 'No. Not this time, Coleen. Not this time.'

***

Pupungas-pungas na lumabas si Phemie sa silid niya. Doon pa lang ay rinig na rinig na niya ang ingay sa labas. Tila ang mga ito'y naglalaro ng kung ano.

Nang dumating siya sa sala, nakita niya ang isang maliit na lamesang bilog na nasa gitna. Sa gitna ng lamesa, mayroong malaking babasaging mangkok na may lamang marshmallow. Sa ibaba naman ng lamesa ay may speaker na maliit.

Dalawang panig ng grupo ang naroon. Sa kabila ang mga babae, sa kabila naman ay mga lalaki at tila nagre-ready na sa papaumpisa ng laro.

"Anong nangyayari?" Tanong niya sabay hikab.

Ngumiti naman sa kaniya ang mga babae at binati siya ng 'good aftenoon'. Hindi niya akalaing tanghali na pala. Napuyat kasi siya kakaligo sa dagat kagabi.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon