Chapter 11

1.1K 65 4
                                    


Kakaupo lang ni Phemie sa kaniyang upuan. Ang katabi niya namang si Lyncoln ay tulog kung kaya't nagmuni-muni na muna siya.

Maya-maya pa ay may pumasok na isang lalaki. Malinis tignan, maganda ang tindig ng pangangatawan, matangkad at maputi. Kumaway ito sa kanila, tumayo sa harapan at ngumiti ng malaki.

Hindi naman magkamayaw sa pagbubulungan ang mga kaklase niya. May impit pa nga kung tumili habang pinagmamasdan ang lalaking pumasok.

"Hi, I'm Kylo Jastin Grayson. Just call me Kylo." Pagpapakilala nito sa kanila. Inilibot nito ang tingin at dumapo iyon sa kaniya.

Napaiwas si Phemie ng tingin dito. Ramdam niya kasi ang pag-iinit ng pisngi. Ang gwapo kasi nitong tignan at parang kinikilig siya nang makita ito. Hindi na siya nalalayo sa mga kaklase niyang kinikilig dito.

Naghanap ito ng mauupuan. Ikinasimangot niya nang makitang malayo ang upuang napili nito. Kung sabagay, wala na rin kasing mauupuan malapit sa pwesto niya. Hindi niya lang maiwasang manghinayang sa sitwasyon.

Dumating na rin ang kanilang guro kung kaya't ginising niya ang katabing si Lyncoln. Nakapangalumbaba lang din siya habang nag-uumpisang magturo ang kanilang guro sa asignaturang iyon.

"Phemie, kanina ko pa napapansing tingin nang tingin dito 'yong singkit na 'yon." Bulong sa kaniya ni Lyncoln sabay ngumuso upang ituro ang bago nilang kaklaseng si Kylo.

Tinignan niya rin ang ininguso nito at nagtama ang mata nila ni Kylo. Biglang namula ang magkabila niyang pisngi nang ngitian siya nito. Lumabas kasi ang maputi at pantay nitong ngipin na nagpalundag sa puso niya. Muli siyang nag-iwas ng tingin.

"Okay." Wala sa sariling sagot niya kay Lyncoln.

"Okay?" Tanong nito sa kaniya.

Napalingon siya rito. "Ha?"

Napabuga ito ng hangin bago siya inirapan. Hindi niya tuloy maiwasang magtaka sa ginawa nito.

'Baliw na kwago.'

Habang inaalala niya ang mukha ni Kylo ay biglang pumasok sa kaniyang isipan si Primo... Noong ipinasyal siya nito sa Paradise raw kuno nito.

Matapos kasi niyang maglaro ng saranggola, hinatid agad siya nito sa bahay nila. Sinalubong sila ni Luther na bagama't kunot-noo ay panatag naman ang kalooban. Nag-usap lang saglit ang dalawa bago umuwi si Primo. Siya naman ay sinasariwa sa kaniyang alaala ang magandang tanawin na kaniyang napuntahan.

"Hi." Mula sa pagkakatulala ay napa-angat siya ng tingin. "I'm Kylo, may I know your name?"

Napatingin siya sa kamay nito nang maglahad ito sa harap niya. Agad niya iyong inabot at ngumiti rin dito. "I'm name Phemie."

Nagtaka ito sa sinagot niya ngunit tumawa rin kalaunan. "Nice to meet you, Phemie. Sabay tayo mag-lunch?"

Tumayo siya ng mabilis. "Oo naman! Tara!"

Siya na rin mismo ang kumapit sa braso nito at hinila ito palabas ng silid. Masaya lang talaga siya kaya't nagawa niya iyon. Isa pa, hindi uso sa kaniya ang hiya-hiya. Grab the chance kaagad!

Habang naglalakad, nakasalubong nila si Primo kasama ang Kuya niya pati ang mga kaibigan nito. Marahil ay susunduin si Lycoln upang mag-lunch din.

Nangunot ang noo ni Luther. "Phemie, sino 'yan?"

"Classmate ko, Kuya." Sagot niya habang nakangiti ng malaki.

"Bakit gan'yan ka kumapit kung classmate lang 'yan?" Si Primo ang nagtanong niyon. Nakakunot din ang noo nito at nakatingin ng masama kay Kylo... lalo na sa kamay at braso nila.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now