Protagonist 2

92 6 0
                                    

Gun P.O.V

"Krystoffer stop bothering me please ayaw ko masira mood ko lagi mo nalang akong binabadtrip." Ewan ko ba sobra na akong naiinis sa kanya lagi nalang siya sumusulpot para sirain yung araw ko.

"Gusto ko lang naman makasama yung bestfriend ko." Paglalambing nya sakin.

Bakit di sya dun sa GF nya tsk.

"Dun ka kay Klaire wag mo ko kulitin dito."

"Lagi ko naman nakakasama yun eh ikaw nga halos di ko nanakakasama miss ko na yung best friend ko, di mo ba ko miss hmm." Pinilit nya pa akong yakapin pero pinipigilan ko sya, nakakaines napaka kulit, lalong nagiging abnormal yung heartbeat ko dahil sa kanya tsk.

Sabay kami napalingon ng may tumawag sa pangalan niya.

"KRYSTOFFER!! Babe kanina pa kita hinahanap san ka ba pumunta ayy sino siya?." Sabi nung babaeng bagong dating, oo nga pala di pa ako napapakilala ni Off sa kanya.

"Ahhh siya si gun kaibigan ko simula bata palang kami, baril si Klaire nga pala girlfriend ko." pakilala ni krystoffer sakin.

Kaagad akong umiwas ng tingin dahil ano mang oras alam kong babagsak namaman ang mga pesteng luha nato na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba.

"Off, Klaire una na ako may pupuntahan pa kasi ako nice to finally meet you pala, alagaan mo yang isang yan baliw pa naman, sige bye!"

Agad na akong naglakad ng mabilis.

Nang makaalis na ako nagtago ako sa isang malaking puno na kung saan nakikita ko parin silang dalawa hindi ko alam bakit pinili ko parin tignan silang dalawa kahit alam kong masasaktan ako na kahit alam kong madudurog nanaman itong puso ko, kelan pa ako naging martir?

Bakit pa kasi ako nag pabebe kanina nung inaaya ako lumabas ni Off eh sana ako ngayon kasama niya at hindi yang babaeng yan.

I looked at them from afar, looking so sweet and happy to with each other, perfect for each other i smiled kahit na mahirap ito yung dahilan kung bakit pilit kong nilalayuan siya, dahil kapag hindi ko ito ginawa alam ko sa sarili ko na patuloy lang ako masasaktan, pero hindi ko naman din kaya na masira nalang yung mahabang pagkakaibigan namin dahil lang sa pesteng nararamdamam ko para sa kanya.

Kaya hanggat kaya kong itago itatago ko tong feelings ko.

I dont want him to know what I really feel baka may magbabago kapag inamin ko sa kanya yung nararamdaman ko? Would destiny work in favor to me if I confess my feeling towards him?

Hindi siguro dahil kahit kailan hindi niya ako mapapansin bilang kasintahan niya at unang una sa lahat may mayari na ng puso niya ano bang laban ko dun babae yun eh ako bukod sa kaibigan niya lang ako lalaki ako isa lamang ako bakla na nagkakagusto sa kanya.

"Hoyy bakla!!" Nagulat ako at agad ko hinarap kung sino yung nanggulat sakin mga kaibigan ko lang pala.

Nakisilip din sila sa tinitignan ko at napasimangot.

"Bes yan kana naman ilang beses ko bang sinabi sayo na tigilan mo nayang nararamdaman ko kay Off, masyado mo lang sinasaktan sarili mo sa ginagawa mo eh, kung di mo keri edi mag confess ka nalang diba." sabi ni Dale sakin

"Hoy bakla ikaw den tigil tigilan mo rin yung paglalandi diyan sa kuya ni Gun hindi ka din mapapansin nun." sabi ni MJ sa kanya

"Gusto mong masampal bwiset ka! Si Gun ang kinakausap ko hindi ikaw magtigil ka."

Bago pa mauwi sa kung saan ay umawat na ako.

"Okay guys tama na yan tara samahan niyo nalang ako sa bahay dun nalang tayo gumawa ng mga reports and assignment natin." sabi ko sa kanila at ngumiti ng pilit.

Agad akong hinila ni Dale paalis dun, di naman sya nagmamadali no?!

"Hoy Dale hintayin niyo kami ni Jia ikaw talaga porket nandun yung kuya niya ganyan ka ang landi mo talaga, hoyy hintay!!" rinig kong sabi ni MJ

"Hoy bakla sinong malandi? Hindi ako malandi excited lang ako makita ang bebe ko, makapagsalita ka dyan parang hindi ka rin malandi ha sino kaya nag papansin ng papansin diyan sa crush niya?."

"Bakit ba! eh ampogi kaya ni papa Ohm ang bango bango pa, siguro pag inaya ako nun i give everything to him na kahit pagkababae ko."

"Gag* ka MJ, paalala ko lang sayo wala kang petchay hindi ka merlat." sigaw ni Dale sa kanya.

Natawa nalang ako sa mga kaibigan ko, kaya kahit na nasaktan ako kanina sa nakita ko napasaya naman ako ng mga kaibigan ko, kaya sobrang thankful ako na nakilala ko sila.

Sila yung dahilan kung bakit nakakaya ko lahat ng tao, andyan sila for me kapag na dadown ako dahil kay Off.

_________________

PS: Naedit na sya sana nagustuhan nyo salamat sa pagbabasa.

Gun is on the multimedia

Don't forget to vote and share also you can leave a comment!

End of chapter 2

© Plagiarism is a crime

FAKE PROTAGONIST Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ