Protagonist 12

60 4 0
                                    

Jia's POV

Its been a week since Dale and Gun started to act weird, when I say weird its like they're being so distant lately. And not to mention how Dale is not in his usual self.

Nung nakaraan lang nakasalubong namin si Win pero ang bakla deadma lang ni hindi nya nga ata nakita si Papa Win dahil nakatutok sya sa phone nya katulad nalang ngayon, buti hindi sya nahuhuli ni ma'am na mukhang tangang nakangiti ngayon at nakatitig sa phone nya.

Nagkatinginan kami ni MJ parehas na nagtatanong kung anong meron sa dalawang to, si Gun naman ayun mas may interes pa ata syang tignan yung puno sa labas kesa sa lecture namin eh!

Napapansin ko din na hindi na sila naguusap ni Off at hindi nya na nababanggit yung lalaking yun, hindi ko alam kung anong nangyari pero may nagbago talaga eh!

"Ako naiintriga na talaga ako ah, kung hindi mo tatanungin ako magtatanong dyan." Medyo malakas na pagkakasabi ni MJ kaya sinamaan ko sya nang tingin.

"Shhh wag ka nga maingay marinig ka nang mga yan." Bulong ko sa kanya habang kunwaring busy sa pagsusulat

"Hay nako girl ah, isang linggo na tayong nagaantay nang chismis mula sa mga yan tanungin na kasi natin." Napaka chismosa talaga nito!

Pero ako din naman na curios ako kung ano bang nangyari, hinayaan lang talaga namin silang maging ready sabihin samin pero mukhang wala silang balak kaya dapat na talagang mag tanong.

"Oo mamaya, manahimik ka na dyan makita pa tayo ni Miss."

Hindi na sya umapela pa at nakinig nalang kami, matapos ang mahabang lesson ay sa wakas natapos din.

Nagsisilabasan na mga classmate namin pero sinadya naming mag pahuli ni MJ.

"Guys let's go na." Aya ni Dale pero nagkatinginan lang kami ni MJ at nagtuturuan kung sino magtatanong, at dahil no choice ako nalang.

"Let's all talk first Dale." Napa English pa nga!

Nagtataka naman silang tumingin saming dalawa na hanggang ngayon nakaupo padin. Naupo na rin sila sa harap namin dahil siguro na sense nila na seryoso tong paguusapan.

"About what?" Gun asked he looks genuinely confuse.

"About  what's going on with you two."

Napapa English na talaga kami kapag serious talk na eh kahit si MJ na allergic sa language na yan nag English na!

"Oo nga ano bang nangyayari sa inyo, you seems odd. Lately napapansin namin parang may Mali eh." Sabi ko at parang natigilan naman sila, yung ngiti sa labi ni Dale biglang nawala.

"Ikaw Gun ewan ko lang ah pero kasi napapansin kong parang lagi ka nalang nakatingin sa kawalan may problema ka ba?" Nagbaba sya nang tingin matapos kong magsalita kaya binaling ko kay Dale ang atensyon. "Dale ikaw may problema ka ba? Lagi ka nalang nakangiti dyan sa phone mo si Win ba yan? Kayo na ba?"

Ang dami ko pa sanang gustong itanong kaso nakita kong ansama na nang tingin ni Dale sakin eh.

"Wag mo ngang binabanggit yung pangalan nang siraulong yun!" Inis nyang sabi kaya nagulat kami pati na si Gun.

"Bakit Dale anong nangyari? Nung nakaraan lang hinatak ka nya diba? Saan kayo pumunta nun?" Nagaalalang tanong ni Gun.

"OMG! Hinatak ka ni Fafa Win? Anong nangyari masakit ba? Masarap ba? What?- Aray ko naman!" Hinampas ko si MJ dahil sa kung ano anong lumalabas sa bibig nya nakita nang seryosong usapan to eh!

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jul 22, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

FAKE PROTAGONIST Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz