Protagonist 4

69 3 1
                                    

Gun P.O.V

May pasok na naman at wala ako sa mood, tinatamad talaga akong pumasok pero di naman pede.

Palabas na ako ng gate ng bahay ng makita ko si Off na naghihintay, nung ginagawa nito dito?

"Baril get in the car sabay ka na samin ni Klaire papasok sa school" sabi ni Off napatingin ako sa loob at andun nga yung girlfriend nya naiilang akong ngumiti.

"Oo nga sabay kana samin ni babe" segunda namin ni Klaire,

"Ay hindi na mag tataxi nalang ako." pilit na ngiti kong sabi, ayoko ngang sumakay dyan masasaktan lang ako.

Akmang aalis na ako nang biglang nagsalita si Off na ikinatigil ko.

"Subukan mong di sumakay F.O na talaga tayo lagi mo nalang tinatanggihan offer ko ah, nagtatampo na ako sayo bestfriend." sabi niya ng may seryosong boses.

At dahil dun wala na akong nagawa kundi sumakay na lang kahit alam ko masasaktan lamang ako, umupo ako sa backseat, kitang kita ko kung pano sila maglandian at pinipilit ko yung sarili kong di mapairap, kaya ayokong sumabay sa kanila in the first place alam kong ganto lang yung makikita ko, parang wala lang din ako dito kung maglandian nakakairita tsk.

"Hoyy tama na yan nilalanggam na ako dito" sabi ko habang pilit na ngumingiti para di nila mahalata na selos na selos na ako dito at bwiset na bwiset na din, remind me na hindi na ulit sumabay sa dalawa nato ever.

"Humanap ka na kasi ng Boyfriend baril para di kana maiingit samin." sagot naman habang natatawa ni Off, sinamaan ko lang sya ng tingin, tsk kung di ka lang sana manhid edi ako sana ang nandyan, iniwas ko nalang ang tingin ko at tumingin nalang sa labas.

Binalot naman kami ng katahimikan, bakit parang ang layo layo ng school samantalang twenty minutes drive lang naman hays ang bagal gusto ko na lumabas dito hindi ko na kaya.

"We're here." Off said napabuga naman ako ng hangin thank god!

"Thanks sa pag sabay sakin, pasok na ako kayo din tama na harutan baka ma late kayo." Pilit ang tawang sabi kosa kanila ng dalawa.

"Sabay ka sakin mamaya Baril may sasabihin ako sayo"

"Sige Off alis na ako baka malate na talaga ako"

Dali dali na akong umalis dun at naglakad papuntang room nang mag vibrate yung phone ko, tinignan ko kung sino ang nagtext pero unknown number, sino naman kaya to?

I open the message at nagtatakang binasa yung text.

"Naka balik na ako babi ko, can't wait to see you. " basa ko sa text, I raised my eyebrow who the hell is this? I only know one person na tumatawag sakin ng ganyan, pero di naman ako sure kung sya talaga baka wrong send lang.

Di ko nalang yun pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagdating ko sa classroom nakita ko na wala pa yung prof namin kaya dumiretso na ako agad  sa akin upuan nakita ko si Dale na tahimik sa isang tabi at parang malalim ang kanyang iniisip mukhang may problema, si kuya na naman ata.

"Hoy bakla anong drama namaman yan ha? Si kuya ba yan? Sabi ko naman kasi sayo tigilan mo na yun malabong kasing maging kayo nun, di ka nga pinapansin diba." Asar ko sa kanya bago umupo inirapan nya naman ako.

"Hindi bakla wag mo ko pansinin, tsaka ang hard mo ngayon ha pangalandakan mo pa na di ako magugustuhan ng kuya mo, para namang may pagasa ka dun sa manhid mong kaibigan."

FAKE PROTAGONIST Where stories live. Discover now