[3]

296 5 2
                                    

Elizabeth | 11:00 AM, Friday

Napatayo ako nang makitang papasok na ng dance room si Jake. Nandito ako dahil ipinatawag din ako ng dance club president. Parehas kasi kami ni Jake na kasali sa dance club.

First year college na kami ni Jake ngayong taon. Performing Arts Major in Dancing ang kinuha ko habang Major in Music naman si Jake. Hindi ko nga alam kung bakit sa Dance club siya sumali gayong hindi niya naman major ito.

Ayokong umasa na dahil sa akin kaya siya sumali sa dance club, pero sana ganoon nga.

Natawa ako sa sariling iniisip. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Jake sa akin.

“Uy Jake...” nginitian ko siya.

“Liz.”

Matagal kaming nagkatinginan. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya ngunit siya ay nag-iwas na ng tingin nang hindi makayanan ‘yung titigan namin. Umiwas na rin ako.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampu.

Nabilang ko na ‘ata ang lahat ng tiles na meron rito sa dance room ngunit wala pa rin si Ate Eunice, ‘yung dance club president. I sighed.

Napatingin ako sa harap kung saan naroon ang salamin. Nakatingin sa akin si Jake sa pamamagitan ng salamin. Nang mapansing nakatingin din ako sa kanya ay nag-iwas ulit siya ng tingin.

“Jake...”

Nilingon niya ako, “Bakit, Liz?”

Umiling ako. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Nasabi ko naman na sa kanya ito sa chat pero sineen lang niya ako kaya gusto kong sabihin sa kanya sa personal.

“May gusto ka bang sabihin... Liz?” tanong pa niya.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang nagsasalita si Jake. It’s now or never, Liz. Magsabi ka na habang wala pa ang dance club president niyo.

“Jake about—”

Naputol ang sinasabi ko nang bumukas ang pintuan ng dance room. Dumating na si Ate Eunice.

Tumayo kaagad si Jake kaya sumunod na rin ako sa pagtayo. Lumapit siya kay Ate Eunice at malaking ngiti ang iginawad niya rito.

“Miss Eunice!” sambit ni Jake.

Miss? Miss ang tawag niya kay Ate Eunice? May tawag siya para kay Ate?

“Uy, Jake. Mabuti naman at nandito ka na. Kanina ka pa namin hinihintay ni Liza.”

Kumunot ang noo ni Jake dahil sa sinabi ni Ate Eunice.

“Bakit mo nga pala ako pinatawag?”

Ngumiti si Ate Eunice at saka may kinuha sa kanyang bulsa. Nakatuping papel iyon at nang tinanggal niya sa pagkakatupi ay nanlaki ang mga mata namin ni Jake.

“Kasali tayo sa Dance Philippines 2020!” Napatili si Ate Eunice kasabay ng kanyang sinabi.

“OMG!” napasigaw na rin ako.

Nilingon ko si Jake at nakitang sobrang laki ng ngiti niya, ngunit hindi siya sa akin nakatingin. Sa halip ay kay Ate Eunice nakatutok ang mga mata niya.

Mukhang alam ko na kung bakit dito siya sumali sa dance club.

“At dahil kasali nga tayo rito, kayo ang napili bilang representative for the partner edition!” medyo may halong kilig sa boses ni Ate Eunice nang sabihin niya iyon.

A-ano?

“I-ibig sabihin, magkapartner kami ni Jake sa contest, Ate?” tanong ko. Nabingi na ‘ata ako.

Tumango tango si Ate Eunice. “Yes, Liza! Hindi ako ang pumili ng mga representatives, si Sir Juan kaya wala tayong magagawa. Gusto lang niya na ako ang magsabi sa inyo.” nakangiti pa rin si Ate Eunice.

“P-pero Ate... Bakit kami?” tanong ko ulit.

Nilingon ko si Jake na napalingon din sa akin. Kitang kita sa mukha niya ang disappointment. Hindi ko alam kung bakit disappointed siya. Siguro mas gusto niya na si Ate Eunice ang kapartner niya. Nang mapansin na nakatingin din ako sa kanya ay pinilit niyang ngumiti.

“Kasi may chemistry kayo! At saka sumayaw na rin naman kayo dati na magkasama kaya hindi na mahirap para sa inyo ‘to, tama?”

Nilingon kong muli si Jake. Nakatingin na siya kay Ate Eunice gamit ang mapupungay niyang mga mata.

“Hindi ba, Jake? Ayos lang naman sa inyo?”

Nararamdaman ko ang pilit na galaw ni Jake. Alam kong ayaw niya na ako ang kapartner niya. Mas gusto niya si Ate Eunice kaysa sa akin.

“Oo naman, miss. Walang problema, si Liz naman ‘to e.”

“Ayun, mabuti naman! Edi wala na tayong problema?” tinignan ako ni Ate Eunice. “Kakausapin ko na lang kayo ulit ‘pag napagdesisyunan na kung ano ang sasayawin niyo para sa contest.”

Tumango kaming dalawa ni Jake. Tinignan ko siyang muli na ngayon ay sinusundan ng tingin si Ate Eunice na papalabas na ng dance room.

Sana nga Jake, ayos lang para sa’yo. Kasi ‘yung huling sayaw natin na magkasama, gusto mo pa ako no’n. Ngayon, hindi ko na alam.

—*—

Para sa mga umaasa, go lang hanggang sa kaya! Wag susuko, gayahin niyo si Elizabeth! Hahaha.

Good evening powsxzs!

stealerWhere stories live. Discover now