[31]

200 6 1
                                    

Elizabeth | 03:00 PM, Monday (1 week later)

Naglalakad na ako ngayon papunta sa dance room dahil may practice kami ni Jake. Sa isang linggo na hindi ko siya nakita, halos sumabog naman ang notifications ko dahil sa kaka mention nila sa akin tungkol do'n sa post ni Jake.
Aba, ano namang malay ko roon?

Pero pakiramdam ko rin, para sa akin 'yung post niya ang kas nga lang, ayaw kong maging amfee kagaya ng sabi ni Michael. Amfee raw ako masyado.

Pagpasok ko ng dance room ay nagulat ako nang si Jake lang ang nakita ko. Ang sabi kasi ay sabay-sabay kami magpra-practice ngayon dahil gustong makita ni Sir Juan ang progress ng sayaw namin. Pero wala naman sila rito.

Nilapag ko ang gym bag sa tabi ng kay Jake bago lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa pinakasulok at nakayuko lang.

“Nasaan 'yung iba?” tanong ko.

Sumagot siya nang nakayuko pa rin. “Wala.”

Kumunot ang noo ko. Napansin ko ang buhok niyang basa dahil tumutulo pa ang tubig galing doon. Nag shower ba siya rito?

“Huh? Bakit wala?”

Nagpapasalamat ako ngayon sa sarili ko dahil hindi ako nauutal kahit na sobrang kabado ako ngayon. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Isang linggo rin kaming walang practice at isang linggo rin siyang hindi sumasama 'pag may alis ang barkada. Si Hayes din ang laging kasama ko. Syempre, kailangan ko siyang isama para makapag-usap sila ni Yuan.

Hindi ko na tinatanong si Ate Jineiah kung bakit hindi sumasama si Jake. Ayaw kong malaman nila na interesado pa rin ako sa kapatid niya. Ang alam kasi nilang lahat ay okay na ako dahil nandito na si Hayes.

“Jake, bakit wala nga?” ulit ko nang hindi siya sumagot.

Umatras ang isang paa ko nang tumingin siya sa akin. Parang mahihimatay ako dahil sa tindi nang titig niya. Grabe naman 'to, wala pa ring pinagbago ang nararamdaman ko sa kanya!

“Kasi wala.” sagot niya at saka tumayo.

Napaatras na talaga ako nang mabilis siyang lumapit sa akin. Halos idikit niya ang sarili niya sa akin nang tumama sa malamig na pader ang likod ko. Halos maubos ang dugo sa mukha ko dahil sa kabang nararamdaman.

Ano bang gusto niya? Anong ginagawa niya? Bakit sobrang lapit niya sa akin?

Tumigil ang paghinga ko nang ilapat sa pader  ang isang kamay niya sa may gilid ko. Tingin ko ay ikamamatay ko 'yung ginagawa niya, jusko naman po.

“J-Jake anong ginagawa m-mo—”

“Liz, gusto mo pa ba ko?”

Pakiramdam ko, tumigil ang oras dahil sa sinabi niya. Paano ko iyon sasagutin? Sasagutin ko ba siya ng totoo o hindi ko na siya sasagutin? Tititigan ko na lang siya?

Kasi, sobrang gwapo niya. Minura ko ang isip ko dahil ganito na nga ang sitwasyon ay nagawa ko pa rin siyang purihin. Jusko po, ulit.

Paano 'pag may nakakita sa amin? Kapag may biglang pumasok at naabutan kami sa ganitong pwesto! Nag panic ang utak ko dahil sa naisip.

Gumalaw ako para makaalis ngunit hinawakan naman ng isang kamay niya ang palapulsuhan ko. Totoo bang nangyayari 'to? Ano bang nangyayari kay Jake?

stealerWhere stories live. Discover now