[41]

188 5 1
                                    

Elizabeth | 12:10 PM, Tuesday

“Oh.”

Kinuha ko ang binibigay na lunch box ni Jake sa akin. Kumunot ang noo ko para mapigilan ang pagngiti. Tinapik niya ang bakanteng space ng inuupuan niyang bench kaya umupo ako roon.

Pinasadahan ko pa ng tingin ang paligid, baka kasi may tao pala rito.

“Huwag ka mag-alala, walang pumupunta rito 'pag tanghali kasi ang sabi may mga maligno raw na gumagala 'pag ganitong oras.”

Tumango ako. Oo nga pala, iyon ang kwento tungkol dito sa likod ng Performing Arts building. Marami kasing puno. May tatlong benches na pwedeng upuan at kami nga lang talaga ang tao rito.

“Hindi ka ba natakot? Ikaw lang mag-isa rito kanina habang hinihintay mo ko.” sambit ko.

Umiling siya. “Hindi naman totoo 'yung mga maligno, Liz.”

Tumango ulit ako. Ako rin naman, hindi matatakutin at hindi naniniwala sa ganoon.

Ramdam ko pa rin 'yung ilangan sa'ming dalawa. Syempre, ngayon na lang kami ulit naging okay after 2 years. Ngayon lang naging kalmado ang isip ko ngayong magkasama kami.

“Hindi ba tayo pupunta sa caf?” tanong ko nang mapansing binubuksan niya na 'yung lunch box niya.

Umiling naman siya. Medyo natawa pa ako kasi ang cute ng lunch box niya. May sticker na bunny sa takip ng lunch box.

“Ba't ka tumatawa riyan?” tanong niya.

Tinuro ko ang takip ng lunch box habang tumatawa pa rin. “Hanggang ngayon, bunny pa rin? First year college ka na.”

Ngumisi siya at tinuro ang lunch box na ibinigay niya sa'kin. “Tignan mo 'yung iyo.”

Nilingon ko ang lunch box at nakita ang unicorn sticker na nakadikit doon. Sinimangutan ko siya at hinampas ang braso niya.

“Aray ko naman! Hanggang ngayon brutal ka pa rin sa'kin.” sambit niya habang hinahaplos ang braso niyang hinampas ko.

“Ginawa ko 'yan.”

Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Binuksan ko ang lunch box at nakita roon ang isang putahe ng ulam at saka kanin. Napangiti ako at tinanguan siya.

“Thank you.” sambit ko.

“Masanay ka na. Kapag parehas schedule natin sabay tayo mag lunch.”

“Eh paano 'pag nagduda sa'tin 'yung barkada?”

“Eh 'di magduda sila. Pwede naman tayo gumawa ng alibi. Madali lang 'yon, akong bahala.”

Tumahimik na lang ako pagkatapos no'n. Tahimik kaming kumakain nang may maalala ako.

“Jake, tama bang nag-iingay na naman tayo sa gc? Parang mali 'ata 'yon, baka maghinala sila na okay na tayo ulit.” sambit ko.

Totoo naman kasi. Gano'n din kami ni Jake dati kaya baka akalain nilang okay na kami ngayon.

“Hindi naman tayo palaging gano'n dati. Saka mas okay na 'yon para hindi na sila mag-alala sa'tin. Alam kong gusto nilang magkaayos tayo.”

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita ulit at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Tapos na si Jake. Napansin ko na nakatingin siya sa akin kaya na conscious ako sa pagnguya ko.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago magsalita.

“Bakit ka nakatingin?” kunwari ay nagtatakang tanong ko.

stealerWhere stories live. Discover now