[55]

252 6 2
                                    

Elizabeth | 08:00 AM, Tuesday

“Good luck sa inyo ni Jake, Liz.”

Nginitian ko si Kuya Nike nang sabihin niya iyon. Papunta na kami ngayon sa bahay ni Ate Jenina dahil susunduin namin siya. Nandito ako sa likod na parte ng kotse namin dahil uupo si Ate sa tabi ni Kuya.

“Thanks, Kuya.” sagot ko.

Isang buwan na ang lumipas simula nang maging kami ni Jake at ngayong araw nga ay gaganapin na ang Dance Philippines 2020. Iba't-ibang school ang kalaban namin doon kaya naman medyo kabado ako pero excited pa rin.

Nasa may terrace na ng bahay nila si Ate Jenina nang dumating kami. Kinawayan siya ni Kuya Nike at naglakad na siya papalapit sa kotse.

Napangisi ako nang napagtantong sa likod siya papasok at uupo. Nang binuksan niya ang kotse, nagulat siya nang makitang nandoon ako sa likod.

“Ate, sa tabi ka na ni Kuya umupo.” nakangisi kong sambit.

Nalilito pa niya akong tinignan. “Okay lang?”

Tumango ako. “Oo naman. Sige na umupo ka na roon para makaalis na tayo.”

10 am pa ang simula ng contest pero papunta na kami ngayon sa venue kahit na 8 am pa lang. May meeting pa kasi ang dance club mamayang 9 kaya maaga talaga ako pinapapunta, dinamay ko lang talaga si Kuya Nike at Ate Nina.

“Good luck, Liz! Sa inyong dalawa ni Jake.” sambit ni Ate Nina.

“Thanks, Ate.”

Isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin nila alam na kami na ni Jake. Hindi rin naman sila nagtatanong dahil sinabihan sila ni Jake na ipapakilala niya ang girlfriend niya sa araw ng contest at ngayon iyon.

Ngayon pa lang, natatawa na ako sa magiging itsura nila 'pag naipakilala na ako ni Jake sa kanila. Napagplanuhan na namin ni Jake ito noong nakaraang buwan.

Pagdating ko roon, nandoon na rin ang ibang barkada pati si Hayes at Joni. Manonood si Hayes dahil may pambato rin ang school nila. Gano'n din si Joni pero sa amin pa rin ni Jake ang suporta nila.

Hinanap agad ng mga mata ko ang boyfriend ko. Nakita ko siya na nakikipag-usap kay Ate Eunice. Kung hindi ko pa alam kung anong meron sa kanila, magseselos na ako ngayon pa lang. Kaso nga lang, ako na pala 'yung girlfriend niya.

Minsan ko nang isiwalat sa lahat na ako ang girlfriend niya. Nakakalimutan ko kasi na dapat ay magkaaway kami kapag kasama 'yung mga kaibigan namin.

May isang beses na nilapag ko ang kamay ko sa kamay niya nang nagkatabi kami ngunit inalis ko rin agad 'yon bago pa makita ng isa sa barkada namin.

Meron pang isang beses na nginitian ko siya na hindi ko dapat gawin. Muntik pa nga akong mahuli ni Ate Jineiah.

Natatawa na nga lang ako 'pag naalala ko 'yon. Pero hanggang ngayon, wala pa rin naman silang alam. Natatawa talaga ako 'pag kinakamusta ako nila Ate Jenina sa t'wing nagsasabi si Jake sa gc ng tungkol sa girlfriend niya. Akala kasi nila, bitter pa rin ako. Pinapanindigan ko naman na hindi na ako bitter pero kunwari ay nasasaktan ako.

Ang hirap magpanggap lalo na kapag nasa harapan ko na si Jake. Alam kong gano'n din ang nararamdaman niya. Mabuti na nga lang at nakakahanap kami ng paraan na kaming dalawa lang ang magkasama at hindi kasama ang barkada.

“Liza!”

Nilingon ko si Ate Eunice na tinatawag na pala ako. Tinignan ko si Jake na nagpipigil ng ngiti sa akin. Nakatingin kasi 'yung barkada namin habang papalapit ako sa pwesto nila Ate Eunice.

stealerWhere stories live. Discover now