PROLOGUE

58.8K 725 57
                                    

PROLOGUE

D I S C L A I M E R

Hey there, just like the title suggests, this story revolves, between two guys.

This would or might contains THEMES and SCENES not suitable for sensitive readers. If you are one of them leave.

This story is just a product of my wild imagination. Any RESEMBLANCE to real entities is purely UNINTENDED and COINCIDENTAL.

Enjoy Reading.

Michael's Point of View

"ANAK, dalian mo buhatin mo na yan sa loob. Para maumpisahan na natin ang pag-aayos ng mga gamit" utos sakin ni Mama.

It's irritating me.

Nandito kami ngayon sa bago naming nilipatang bahay, kung ikukumpara ito sa dati namin bahay sa Probinsiya mas dihamak na mas malaki ito ng kaunti.

Ako nga pala si Michael, Michael Santos. Mike for short, I'm 23 years old. Ako ang namamahala ngayon sa negosyong iniwan sakin ni Papa.

Ang pagakamatay ni Papa ang rason kung bakit kami lumipat ng bagong bahay dahil, ayaw na ni Mama na nakikisiksik kami sa mga kapatid ni Papa sa probinsiya, kaya napadpad kami dito sa Maynila.

Even though Papa brought that Rest House para saming Pamilya. Nakikisiksik doon ang ibang kapatid ni Papa. That's why Mom decided na bumili ng bagong bahay dito sa lungsod.

Lumaki akong nabibigay lahat ng pangangailangan ko, hindi nagkulang ang mga magulang ko sakin dahil siguro sa nagiisang anak lamang ako.
My Dad worked hard to provide all the things that I and my Mom's need.

May malaking negosyo si Papa, kompaniya niya ang nangunguna pagdating sa iba't ibang klase ng wine.

Si Mama naman ay isang Guro, ngunit ng maging mag-asawa na sila ni Papa ay huminto na siya sa pagtuturo at tinulungan si Papa sa pagpapalago ng negosyo nito.
Untill our Company reached the top.

Habang abala ako sa pagbubuhat ng mga karton hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa katabing bahay namin, halos parepareho lang ang disenyo ng mga bahay dito. Because this is a subdivision, not an exclusive one.

Hanggang sa may lumabas na lalaki sa pintuan ng kabilang bahay, maputi, matangkad, makisig, siguro mga halos ka-edad ko lang.

Nagtagpo ang mga mata naming dalawa, nagtitigan kami.

Hanggang sa nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Nabubuhayan ako ng dugo.

Bakit ganito? Bakit iba ang pakiradam ko sa titig niya?

Nararamdaman kong unti-unting tumutulo ang pawis ko.

Wala pa ring pumuputol sa titigan namin dalawa.

Ang ganda ng mga mata niya.

Tila ba may kakaibang pinapahiwatig ang kaniyang mga titig. Nanunuyo ang lalamunan ko.

"HOY!, Anak nakikinig kaba?"

Hanggang sa narinig ko ang boses ni Mama, kaya ako na ang unang nagbaba ng tingin.

Kapit Bahay  (Boy x Boy)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon