CHAPTER 23

8.6K 247 15
                                    

CHAPTER 23

Marcus's Point Of View

ISANG ORAS PALANG akong natutulog ng bigla akong magising dahil nagiingay ang cellphone ko.

Kuya Calling...

I answered his call.

"Mom is so mad! She's a livid she wants to see you ASAP!" Kinakabahang sabi ni Kuya sa kabilang linya.

Hindi na ako nagsalita pinatay ko na ang tawag. I need to fix this first.

Dahan-dahan akong bumangon at nagpunta sa banyo para maligo dahil tatlo lang ang damit ko dito at nasa lalabhan na yung dalawa nanghiram na lang ako ng damit ni Michael after fixing myself bumalik ako sa kama at marahang tumitig sa kaniya na mahimbing pa rin ang tulog.

Kailangang ko ng sabihin kay Mom at Dad ayaw ko ng isekreto sa kanila kapag naayos ko na babalik agad ako.

Hinalikan ko siya sa noo bago umalis ng bahay.

I used my car. Pagdating ko sa bahay namin nandoon si Tita, Mom, Dad, Carla at Kuya sa hapag-kainan mukhang ako nalang ang inaantay.

"Seat." Maauthoridad na sabi ni Daddy kaya dali-dali akong umupo.

Nagumpisa ng magkainan.

"Where's Jhanella?" I asked ng mapansing wala ang bunso kong kapatid.

Walang nagabalang sumagot sa tanong ko pero sa mukha ni Tita alam kong mayroon siyang gustong sabihin sakin.

"Paguusapan natin ang kasal ninyo ni Carla." Kapagkuwan ay sabi ni Mommy.

Napatigil ako sa pagkain.

"NO! Walang ikakasal." Matigas na sabi ko. I know it's rude but this is my life.

Tinaasan ako ng kilay ni Mom matapang kong sinalubong ang mga titig nila.

"Bakit ba pinipilit niyo ba akong ikasal sa babaeng to? Minsan niya na akong niloko tapos umaakto kayong parang mga walang alam." Masama ang loob na sabi ko.

Lahat ngayon ay nakatuon ang paningin sakin dahil sa pagtaas ko ng boses maliban kay Kuya na patuloy lang sa pagkain.

"Ikakasal kayo. Sa ayaw at sa gusto mo ikakasal kayo!" It was Dad. Parang buong-buo na ang desisyon niya. "Malaki ang utang na loob namin sa Ama ni Carla. Tinulungan ako ng Papa niya ng minsang muntikan na akong malugmok sa kahirapan. Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob. I want you to marry her daughter!" Matigas na sabi ni Dad.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naiinis ako.

"I don't want to. Hindi ako magpapakasal sa isang babae..." Pinutol ko muna ang sasabihin ko dahil kailangan ko ng lakas nang loob. "Sa babaeng hindi ko naman Mahal at alam kong hindi ko kayang Mahalin...Isa lang ang taong gusto kong makasama sa buong buhay ko! Kahit hindi niyo siya tanggapin ayos lang ang importante nagmamahalan kami." Matapang akong humarap sa mga mata nila at tumayo. "Mom, Dad you know how much I love you...but I can't marry Carla. Because...I'm a...I have a boyfriend. And I love him." Matapang na sabi ko.

Kitang kita ko ang pagbakas ng gulat at pagkadismaya sa mga mata nila kitang kita ko ang pagtatagis ng bagang ni Daddy akmang tatayo si Dad papunta sa gawi ko ng pigilan siya ni kuya na kasalukuyan pa ring ngumunguya ng almusal.

"Dad...just let him. They love each other." Nakikiusap na sabi ni Kuya kaya natigilan si Dad.

"You know? ALAM MO!" Isang malakas na tapik ang inabot ni Kuya.

Kapit Bahay  (Boy x Boy)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon