CHAPTER 1

33.5K 542 27
                                    

CHAPTER 1

Michael's Point of View

MAAGA akong gumising kinabukasan.

"Goodmorning, Ma" bati ko kay Mama pagbaba ko sa baba.

"Kumain kana" yun ang bungad sakin ni Mama.

Oo nga pala may bago kaming kasama sa bahay, si Manang Ester at Yaya Yoli sila ang mga kinuhang kasambahay ni Mama. Because she's always busy at wala naman akong alam sa gawaing bahay.

At dahil plano daw niyang magbakasyon sa Australia upang bisitahin sila Lolo at Lola. Kasabay ng pagpunta niya roon ay ang pag-asikaso na rin niya sa mga properties ni Papa doon.

Napagdesisyunan namin ni Mama, na siya nalang muna ang mamahala sa kumpaniya habang hindi pa ko handa.

"O anak, alagaan mo ang sarili mo habang wala ako mga tatlong buwan lang naman akong mawawala, huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo sila Manang hah?" Habilin sakin si Mama habang inaayos niya ang mga bagahe niya.

I want to say that I'm used to it.

Ngayon ang alis ni Mama, papuntang Australia may parte sa isipan ko na nalulungkot pero mas nangingibabaw ang excitement. First time kong maiiwan mag-isa. Not literally mag-isa dahil may kasama pa rin ako sa bahay.

But still...Yes! I can do whatever I want.

Masayang bulong ko sa isipan ko.

Marcus's Point Of View

"TITA aalis po kayo?" Tanong ko kay Tita. Dahil bihis na bihis siya ngayon.

Liban sa pagaalaga sakin ni Tita siya rin ang namamahala sa mga Lupa na pagaari ni Mommy dito sa Pilipinas. As far as i know they do buy and sell.

"Oo aasikasuhin ko ang lupang ipinapabenta ng Mommy mo, hindi ako magtatagal doon pinuno ko na yung Ref ng pagkain mo sapat sa ilang linggo..." marami pang hinabilin si Tita.

Na kung ano-ano.

Dahil ako lang mag isa ngayon sa bahay mag seset ako ng inuman session kasama ang barkada. This is gotta be fun.

Pagkatapos mag impake ni Tita umalis na siya, hindi an daw siya magpapahatid sakin para hindi na daw ako maabala.

Papasok ako sa bahay ng mapalingon ako sa kapit bahay namin.

Ano nga kasing pangalan niya?

Hanggang sa bumukas ang pintuan nila, lumabas ang isang ginang, maputi at sophisticada ang dating Mama niya siguro na may dalang bag at maleta.

Bihis na bihis sila. Aalis kaya sila?

San naman sila pupunta?

Ano bang pakielam mo kung saan? Kapit Bahay mo lang naman sila. Argumento ng diwa ko.

Napansin niya siguro ang aking presensiya kaya lumingon siya at nginisian ako. Ngumiti na lamang ako pabalik. At pumasok na sa loob ng bahay.

Kapit Bahay  (Boy x Boy)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon