CHAPTER 35 DEFENSE

238 3 0
                                    


Defense

Sa paglipas ng araw ay ‘di namin namalayan na ngayon na ang araw ng defense namin ni Raven. At bukas naman ang third anniversary celebration namin, hindi pa namin napag-uusapan ang gagawin namain bukas dahil sa sobrang busy kami sa paghahanda sa mangyayaring defense namin today.
“Ready for later’s defense babe!” bungad na tanong sa akin ni Raven pagkapasok ko sa kotse niya dahil bibili kami ng mga pwede naming ipakain sa manonood sa amin later during our thesis defense.
“Yeah! Ready naman pero andun pa rin ang kaba” wika ko habang siya ay pinaandar na ang kotse niya.
“We can do it babe! This is for our future!” giit naman niya kaya ngumiti ako at tumango.
Kwentuhan lang kami nang kwentuhan habang nasa daan kami papuntang mall kung saan kami bibili ng mga pagkain na ibibigay namin sa watcher mamaya.
Pagkarating namin ay bumaba agad kami ng kotse. Samantalang kinuha agad niya ang kamay ko kaya may mga mata na naman na nakamasid sa amin.
“Sabi ko sa’yo babe ‘wag ganyan ang suot mo!” sabi niya dahil sa sobarng init ng panahon ngayon ay napagpasyahn kong mag-short lang saka plain na pink shirt.
“Eh sa mainit eh kaya ito nalang ang sinuot ko!” giit ko naman.
“Tignan mo nga kung paano ka nila tignan. Para makasuntok ako nito hanggang mamaya!” nakabusangot ang mukhang singhal niya kaya lalo ako kumapit sa kanya para mabawasan ang galit niya.
Umaliwalas naman ang mukha niya sa ginawa ko “Don’t worry babe kasi hanggang tingin lang sila samantalang ikaw pagmamay-ari mo ako!” wika ko kaya natawa siya.
“That’s right babe! You’re mine only!” bulong niya sa akin habang naglalakad kami “Later, kiss ko ah!”
Hinampas ko naman siya sa balikat “I love you too babe!” sabi niya matapos ko siyang hampasin kaya nagtawanan kaming dalawa.
“Ano bang magandang ibigay sa mga panelist mamaya babe?” tanong niya sa akin kaya tinanong ko rin ang sarili ko kung ano nga ba.
“Eh lumibot nalang tayo babe saka kung may makita tayong maganda ‘yon nalang bilhin natin!” saad ko kaya tumango naman siya.
Habang nililibot namin ang grocery store ay nakita ko si Cara na ngayon ay mukhang dalaga na.
“Cara?” sigaw ko dahil nagulat akong makita siya.
Tumakbo naman siya papunta sa akin kaya niyakap ko siya “Ate Charity kumusta na po? Lalo kang gumanda ah?”
“Sus nambola kana naman na bata ka! oh sinong kasama mo?”
“Si tito Kenneth po ulit. Nasa kanya kasi ako ngayon dahil nasa out of town trip sila mommy at daddy ko!” saad niya ngumiti lang ako.
“Ikaw ate sinong kasama mo?” tanong naman niya sa akin.
“Ah” tinignan ko ang likod ko at nakita kong nakapamulsang nakatingin sa akin si Raven “Si kuya Raven mo! Siya rin ang kasama ko noon, remember?”
Tumango naman si Cara “Kayo na ba ate? Bagay na bagay kayo!” biglang tanong niya kaya nagulat ako. Kahit na sabihin kasi nating medyo dalaga na siya ay alam na niya ang ganitong mga bagay.
“Yeah she is my wife! So, to answer your question kami na nga!” biglang sabat naman ni Raven kaya tinignan ko naman siya at inirapan.
“Yehey!” sabi niya sabay lundag “sabi ko na nga po ba eh kayo rin ang magkakatuluyan”
“Ahehe! Ikaw talagang bata ka! ang dami mong alam!” sabi ko kasi tuwang tuwa takag siya.
“Cara! Saan ka ba nagsusuot na bata ka!” rinig kong saad ni Mr. Illustre habang kamot kamot ang ulo.
“Tito nakita ko po kasi si ate Charity at kuya Raven” tinuro niya kami kaya ngumiti ako “Guess what tito? Sila na po kasi ang sabi ni kuya Raven ay mag-asawa na daw sila!” wika niya kaya pansin kong gulat si Mr. Illustre saka lumapit sa amin.
Inakbayan naman ako ni Raven bago tuluyang makalapit si Mr. Illustre “Congrats sa inyong dalawa!” saad niya “Saka salamat sa pag-intindi sa pagiging makulit ng pamangkin ko!”
“Okay lang po ‘yon sir! Masaya nga po akong makita siya ulit!” sambit ko kaya ngumiti si Mr. Illustre.
“Oh paano alis na kami dahil may gagawin pa ako!” paalam ni Mr. Illustre kaya tumango nalang ako at kita kong tumango rin si Raven. Pero tumakbo ulit si Cara at yumakap sa amin ni Raven.
“Salamat po ate at kuya. Sana po magkita ulit tayo!” wika niya kaya yumakap din kami sa kanya.
“Oo naman! Ingat lagi!” sabi ko.
“Take care. See you soon.” Rinig kong sabi naman ni Raven kaya tumalikod na ang magtito papuntang counter area.
“Ikaw bakit mo sinabing mag-asawa na tayo?” singhal ko sa katabi ko habang nakaakbay pa rin siya sa akin.
“Bakit doon din naman ang takbo natin ah! Pwera nalang kung gusto mong makipag –asawa sa iba!” aniya.
“Pwede rin! Basta macho at gwapito!” saad ko kaya nakita kong sinamaan niya ako ng tingin.
Sumunod naman na nangyari ay nakita kong itinataas niya ang damit niya kaya hinampas ko siya ng malakas. “Anong ginagawa mo?”
“Sabi mo gusto kong makakita ng macho at gwapito kaya gusto kong ipakita sa’yo kung sino ‘yon!” masungit niyang ssabi kaya tinawan ko siya samantalang siya ay todo irap pa rin.
“Hindi ka talaga mabiro babe!” saad ko saka kumapit sa kanya pero inalis naman niya kamay ko saka naglakad palayo.
Alam kong hindi ako matitiis niyan kaya hindi ko siya sinundan. Naghanap nalang ako ng pwedeng ipakain sa panelist mamaya habang wala si Raven sa tabi ko. Pero base sa pagkakakilala ko sa kanya ay nariyan lang ‘yan sa tabi at binabantayan ako.
May nakita naman akong magandang klase ng mansanas kaya lumapit ako sa empleyado ng mall na ito. Nakita kong may itsura ang lalaking nag-aayos kaya agad akong nagtanong sa kanya dahil sa pang-amoy ko ay nakasunod talaga si Raven sa akin.
“Sir pogi” nilakasan ko ang pagtawag para marinig ni Raven “magkano itong mga mansanas?”
“Ah ma’am 40 pesos po isa!” nakangiting sagot naman ni kuya. Inaantay kong lumapit sa akin si Raven pero parang ‘di gumana kaya nag-isip ako ng ibang paraan.
“Masarap ba ‘to sir?” tanong ko sabay kindat sa kanya at saka siya tumingin sa likod ko at naramdaman niya siguro ang ibig kong sabihin.
“Yes ma’am!’ saad niya sabay lapit sa akin nang mabuti. Bigla namang may pumatong na kamay sa balikat ko kaya alam kong panalo na naman ako.
“Babe! Let’s go gutom na ako!” wika niya habang nakita kong nanlilisik ang mata niya kay kuya.
“Sandali kausap ko pa si kuyang pogi eh!” saad ko kaya mabilisan niya akong hinigit palayo kay kuya.
“Babe masarap ‘yong mansanas na benta ni kuya kaya gusto ko ‘yon!” sabi ko habang naglalakad kami.
“I’ll buy you apples kahit isang daan pa ‘yan wag kalang lalapit sa manyak na ‘yon!” aniya habang ang sama pa rin talaga ng tingin niya sa akin.
“Eh sa gusto ko ‘yon eh!” pagpupumilit ko pero humarap siya sa akin saka nagsalita “Try to go near him babe! Baka mapatay ko siya!” pananakot niya kaya tinawan ko siya ng malakas.
“Ang serious mo talaga babe!” saad ko “Ang bilis mo talaga maasar!” tumawa ulit ako “Hinding hindi ka talaga mananalo sa akin!”
Nag-iba naman ang mukha niya na parang mang-aakit kaya sumeryoso ako “Mananalo ako sa’yo babe! Later, try me! Three hours na kiss ang kabayaran ng pantitrip mo sa akin ngayon!’ saad niya sabay kindat kaya nag-iba ang timpla ng mukha ko. Three hour? Seriously? Ganun ba siya kaadik ka kiss!
“See salita palang talo ka na!” pang-aasar niya kaya inandahan ko siya ng batok pero hinalikan agad niya ako sa pisngi. “I love you too babe!” bulong niya kaya nagtawanan nalang kaming dalawa.
Ganito kami lagi sa loob ng higit two years. Kung hindi mo kami makikilala ay masasabi mong para talaga kaming baliw.
Naglibot kami matapos ang asarang ‘yon at bumili ng lahat ng pagkain na pwede naming ibigay sa panelist. Noong napansin namin 11am na ay agad na kaming umuwi dahil 3pm ‘yong defense namin at kailangan naming maghanda.
Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan naming nakauwi na si Patrick galling school dahil 8am ang schedule ng defense niya.
“Patrick kumusta ang defense?” tanong ko habang paupo sa sofa namin.
“Okay lang naman babe! Natapos din sa wakas at mataas ang grades namin ng impaktang kasama ko!” wika niya natawa kami ni Raven dahil si Sandy ang ka-partner niya.
“That’s great dude! Kami naman ni babe mamaya! Wish us luck!” sambit ng katabi ko.
“Kaya n’yo yan! Kung kami nga natapos namin ng maayos kayo pa kaya!” aniya habang inaalis ang sapatos.
“Doon ka mag-alis ng sapatos Patrick baka mahilo kami” pang-aasar ko sa kanya. At tama kayo hindi na babe ang tawag ko sa kanya dahil iisa lang daw ang babe ko reklamo ng katabi ko kaya wala na kong nagawa kundi sundin siya.
“Damn you babe! Kahit na gawin mo pang higaan ‘tong sapatos ko, wala kang maamoy!” giit niya habang paakyat sa kwarto niya. Baliw kasi siya lagi kong sinasabing sa kwarto niya nalang siya mag-alis ng sapatos ayaw niya.
Naging mabilis ang oras at ‘di namin namalayang nandito na kami ni Raven sa school dahil susunod na kaming sasalang. Mabilis kaming kumain kanina ng tanghalian na inihanda ni Manang saka agad kaming pumunta para kung sakaling may aberya ay pwede na daw kaming isingit sabi ni Patrick gaya nang nangyari sa kanila kanina.
“Next group” rinig naming pagtawag ng isa sa instructors namin kaya agad kaming pumasok ay inihanda ang mga gagamitin namin. Kami na ang nagdala ng sarili naming gamit para diretso na kami agad. Unlike kasi sa ibang hindi kayang maafford ang bumili ng sariling projector ay sa school lang sila umaasa. Nagbigay naman kami ni Raven sa buong klase namin ng dalawang projector na pwedeng gamitin ngg mga classmates namin sa defense nila kaya natuwa agad sila.
Nang nagumpisa kami ni Raven ay nagpakilala muna kami saka pinresent ang topic namin about sa “Business Entrepreneurship ”. Nauna muna kaming nagpakilala ni Raven sa harapan.
“I am Mr. Raven Josh Villafuerte, fourth year BSBM student” pakilala ni Raven sa kanyang sarili.
“I am Charity De Guzman, also a fourth year BSBM student” noong napakilala naman ako.
Nauna naming naipresent ang title ng aming thesis. Maraming ibinatong tanong kay Raven dahil nga isa-isa din muna kaming tatanungin bago namin tuluyang ide-defense ang thesis namin.
Wala kong naramdamang kaba kay Raven habang tinatanong siya. Maayos niyang nasagot lahat ng tanong kahit tuloy-tuloy ito at mahirap ang tanong na iba.
Pinaupo naman siya noong tapos na siya kaya sign na ‘yon na ako na ang susunod. Hinawakan naman ni Raven ang kamay ko. Hindi na nagulat ang mga professors and instructors sa loob na nanonood dahil sa pagiging possessive n’ya ay lagi nila kaming inaasar.
Ang dami ding tanong sa akin at kahit na mahihirap ang iba ay hindi ako nagpatinag dahil pangako namin sa isa’t isa ni Raven ay kakayanin namin ‘to ng sabay.
Noong natapos na akong tanungin ay nag-umpisa na talaga ang pinakamalalang mga tanungan. Nagsama ang opinions namin ni Raven kaya natuwa ang lahat ng panelist.
Pagkatapos ng malalang mga tanungan ay binate kami ng lahat ng panelist sa loob.
“Congrats Mr. Villafuerte and Ms. De Guzman for a job well done! See you in your graduation!” saad nila kaya nagtinginan kami ni Raven saka nagpasalamat sa kanila at isa-isa nila kaming kinamayan.
Pagkalabas namin ay tumili ako habang si Raven ay niyakap ako na naging sanhi ng pagkakuha namin ng atensyon ng lahat ng students na nag-aantay ng kanilang turn para magdefense. Kung dati ay hinahampas ko si Raven dahil sa pagyakap niya sa akin kahit na maramaing tao ay hindi ko magawa ngayon dahil sa lubos na kaligayahan ko.
Dali-dali kaming tumakbo sa sasakyan dahil gusto naming magcelebrate na dalawa today dahil sa success ng aming thesis defense. Pagkapasok namin ay hindi mawala agad sa isip ko ang saya ko.
Ikakabit ko sana ang belt ng kotse sa sasakyan ni Raven ng agad niyang kinuha ang mukha ko saka marahang hinalikan ng ilang sigundo sa palagay ko.
“Baliw ka talaga babe! Sa sobrang saya mo ay labi ko ang pinagtripan ko!” mariin kong singhal sa kanya kahit gustong gusto ko ang ginawa niya.
“Bakit ayaw mo ba?” sabi niya habang nakatitig pa rin sa labi ko.
“Gusto……” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na naman niya ako.
“Ang sarap ng labi mo…….” this time siya ang hindi na nakatapos ng sasabihin niya dahil hinalikan ko siya ng todo.
Parehas kaming natawa matapos ang halikang ‘yon. Pinaandar naman na niya ang kotse niya patungo sa bahay namin. Doon daw kasi siya matutulog ngayon dahil may kaunting celebration kami.
“Kulang pa ‘yon babe! Remember? Three hours ang parusa mo!” sabi niya habang nagmamaneho kaya hinampas ko na naman ang balikat niya “I love you too!” ganti naman niya sa hampas ko kaya natawa ako.
Nang makarating kami sa bahay ay medyo madilim na dahil nagbabaya ang malakas na ulan. Naabutan naming nakahigang naglalaro ng tablet si Patrick kaya ginulat siya ni Raven at muntik ng maitapon ang kanyang tablet.
“Pambihira naman tol! Kung makagulat ka ay wagas! Kung may sakit lang ako sa puso!” reklamo niya.
“Bakit meron ba?” tanong ko naman.
“Wala! Diyan na nga kayong magsyota” sabay akyat niya sa taas “Istorbo kayo!” sigaw niya kaya nag-apir kami ni Raven.
Nagluto si Raven ng maraming pagkain. Nagtanong nga si manang kung anong meron pero sinagot lang siya ni Raven na successful ang defense namin today kaya natuwa din si manang.
Nanood kami ng movie sa sala kasama si Patrick. Todo ang pang-aasar sa akin ng dalawa kaya parehas ko silang binatukan. Sa huli ay nakatulog kami ng hatinggabi na dahil sa asaran at lambingan namin ni Raven. Nagalit naman si Patrick at sinabing tigilan na namin ang ginagawa namin dahil wala daw forever. Natawa nalang kami sa sinabi niya.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARWhere stories live. Discover now