CHAPTER 50- WEDDING

316 5 0
                                    

Wedding

Halos hindi rin kami nakatulog sa bahay nina Christian dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.
“Ito na ang araw nang paghuhusga mga bes!” sigaw ni Sandy dahil kagigising lang namin sa halos isang oras na tulog namin.
“Sinabihan niya akong lumayo kaya ‘yon ang gagawin ko!” sambit ko nalang dahil wala ako sa mood.
“Sinabi ng ugok kong pinsan ‘yon!” tanong ni Kiel kaya tumango lang ako dahil wala talaga ako sa mood.
“Tama ‘yan bes! Dapat gawin mo kung ano ang sinabi niya!” singhal naman ni Weng
“Anong plano mo? Paano ka lalayo?”- usisa ni Weng
“Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sungitan at itaboy siya. ‘Yon ang gusto niya kaya gagawin ko!”
“Yan ang bes namin! Balik sa pagiging maldita!”-Sandy. Baliw talaga ‘tong babaeng to!
“Anong oras ulit ang wedding babe?”- Patrick
“11 am babe!”
Nang bumangon na kaming lahat dahil 6am na ay agad naming tinawagan ang katulong nila Christian upang bigyan kami ng pagkain sa kwarto kung saan kami nagstay para naman may laman ang sikmura namin.

Nang matapos naman kaming kumain ay kani-kaniya na kaming nagbihis. Humiwalay ang mga boys dahil kahit na magkakaibigan kami ay babae at lalaki pa rin kami. Okay lang na magkasama kami matulog sa kwarto wag lang sa tuwing magbibihis kami.

“Siguraduhin lang ng Kiel na ‘yon na walang babae sa kwarto nila bka mapatay ko siya!” biglang sambit ni Weng kaya nagulat kaming dalawa ni Sandy.

“Tanga lang teh? Magkakasama silang magkakaibigan tapos may babae?” sarkastikong wika ni Sandy
“Palibhasa wala kang love life!”- Weng
“Meron teh! Kasama ko bukas sa bakasyo ko sa Italy!” proud na sabi ni Sandy kaya tinignan ko siya ng diretso at nagtanong
“Paano si Patrick?”
Tumalikod naman siya at nagsalita “Wala na akong pakialam sa kanya. At saka love story mo to teh, hindi namin, kaya wag na nating pag-usapan!” eh kung batukan ko kaya ito?
Akmang isusuot ko na sana ang gown ko pero napansin kong wala ang make-up ko dahil inilagay koi to sa bag ni Patrick kaya nagpaalam ako saglit sa dalawa.

“Labas lang ako girls para kunin ang make-up ko kay Patrick. Nasa bag niya kasi!”
“Weh? Gusto mo lang yatang makakita ng manoy eh?” matapos niyang sabihin ‘yon ay nilapitan ko siya ng hindi niya nararadaman dahil nakatalikod siya mabilis ko siyang nabatukan.
“Aray bakit ka nambabatok diyan?” singhal niya
“Para ka kasing tanga! Pinsan ko at kaibigan ko ang nasa loob tapos manoy ang nasa isip mo! Baliw uso ang kumatok!” saad ko sabay labas ng kwarto.

Maraming tao na ang nasa bahay nila Christian kaya ngumingiti lang ako ‘pag nakikita ko sila. May mga nagugulat at may mga gustong magpapicture din pero tinanggihan ko dahil baka maubos na ang oras ko ay hindi pa ako nakakapagbihis.

Napansin kong lumabas si Kiel sa isang kwarto kaya dali-dali akong pumasok. Ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ang anak araw na ‘to ang nakita ko kaya nagulat din siya.
“Dito ba ang kwarto ni Kiel?” tanong ko

Hindi naman siya agad nakasagot sa halip sinamaan niya ako ng tingin. Napansin ko sa mukha niya ang balbas niya kaya nang may makita akong pang-ahit ay agad ko ‘yon kinuha.
“What are you doing?” singhal niya sa akin pero wala akong pakialam at lumapit sa kanya.

“Don’t worry hindi kita papatayin! Aahitan ko lang ‘yang balbas mo dahil hindi bagay sa’yo!” singhal ko rin sa kanya pero lumayo siya
“I said stay away…….”
“Last na ‘to! Aahitin ko lang ‘yang balbas mo!” wika ko pero lumalayo pa rin siya sa akin.
“Christian might get jealous!” aniya kaya umiling lang ako
“Hindi siya seloso kaya nagustuhan ko siya!” mas lalo namang sumama ang tingin niya sa akin.

Lalapit sana ako para tuluyang ahitin ang balbas niya pero lumalayo ulit siya. Hindi ka madaan sa santong pakiusapan ah! Tignan natin?
“Fine hahanap nalang ako ng lalaking aahitan ko!” sigaw ko at lalabas na sana pero pinigilan niya ako. I won again!

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARWhere stories live. Discover now