CHAPTER 36 THIRD ANNIVERSARY CELEBRATION

255 4 0
                                    

Third Anniversary Celebration

Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na alingawngaw ng alarm clock na katabi ng higaan ko. Bumangon na ako dahil maaga akong aalis para maghanda ng pagkain dahil gustp kong i-surprise si Raven today.

Kahit simpleng almusal lang ay alam kong masisiyahan siya. Tinignan ko ang oras at alas kwartro ng umaga palang. Nagmadali akong bumaba para hindi ako mapansin ng mga kasamahan ko.
Pinaandar ko ang sasakyan ko at mabilis na nakarating sa palengke. Bumili ako mga gagamitin ko sa iluluto kong kare-kare at cake na bagong bake palang. Umabot ang nagastos ko ng 5k dahil ang mahal ng cake. Lagi nalang kasi siya ang nagsusurprise sa akin kaya this time ako naman.

Pagkabili ko ay umuwi agad ako sa bahay ay inumupisahang magluto. Sinandya kong kasing painumin si Raven kagabi ng masarap na pampatulog para magawa ko ang gusto kong gawin.

Iniayos ko ang mga kwarto at binigyan ng dekorasyon para kahit sa ganitong paraan ay matuwa ang babe ko. Alam ko namang may plano siya today kaya lang gusto ko ring siyang i-surprise kahit papaano.
Pagkatapos kong magluto ay iniayos ko na sa kwarto ko ang iniluto ko. Pati na ang cake ay inilagay ko na rin sa dapat kalagyan. Naligo na rin ako dahil tuwing dito matutulog sa Raven ay halik niya ang gumigisng sa akin.

Nang matapos kong mahbihis ay inayusan ko ang sarili ko saka ko pinatay ang ilaw kaya madilim sa boung kwarto ko. Pinalitan ko kasi ng itim na kurtina kagabi ang kwarto ko kahit na antok na antok na ako dahil sa kwentuhan namin ni Raven para handing handa na siya today.

Sinilip ko ang kwarto ni Raven at nakita kong binubuksan na niya ang pinto ng kwarto niya kaya nagmadali akong nagtago sa likod ng pintuan ng kwarto ko para magulat siya a ginawa ko.
Nang maramdaman kong unti-unting bumubukas ang pinto ng kwarto ko ay pinilit kong itago ang sarili ko para hindi niya ako mahalatang nasa likod niya ako.

Nakita ko naman ang pagtataka sa kanya dahil kinukusot-kusot niya ang mata niya.
Noong kakapain na niya ang swich ng ilaw sa kwarto ko ay agad koi tong pinindot saka sumigaw.

“HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY THIRD ANNIVERSARY BABE!” gulat naman siyang napatingin sa akin at mabilis na tumakbo para yakapin ako.

“Para saan ‘to babe?” tanong niya.

“Obvious ba babe? Gusto kasi kitang i-surprise ngayon para man lang makabawi ako sa mga nakaraang monthsary at anniversary natin pati na rin sa birthday mo!” saad ko kaya mas lalo niya akong niyakap at binigyan ng mariing halik.

“Thank you babe! Dahil dito alam kong mahal na mahal mo ako!” anya

“Anything for you babe!” wika ko naman.

“HAPPY ANNIVERSARY BABE!” bulong naman niya sa tenga ko at binigayan ulit ako ng halik.

“Mister ‘di porket anniversary natin at birthday mo ay namumuro kana sa halik” pang-aasar ko naman sa kanya kahit gusto ko ang amoy ng toothpaste niya.
“Whatever babe! Akin ka kaya kahit kelan ko gusto ay pwede kong tikman ang pagmamay-ari ko!” biro niya.

“Manyak!” sambit ko naman kaya natawa siya.
Hinila ko naman siya sa mesa kung saan ko inilagay ang iniluto kong almusal at nakatabi ang cake dito.

“Wait paano ka nakagawa nitong kare-kare babe?
Wala naman tayong ingredients dito sa bahay ah!” usisa niya.

Sinalinan ko naman siya ng kanin sa plato niya “Gumising ako ng maaga para makapunta ng palengke at mabili lahat ng ‘to!” paliwanag ko.

“You mean mag-isa ka?” tanong niya at alam kong galit na siya.

Nginitian ko naman siya at saka sumagot “Yes babe! Sorry na dahil maaga akong umalis. Ang sarap kasi ng tulog mo eh kaya ‘di na kita ginising!”

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARWhere stories live. Discover now