CHAPTER 45- THANK YOU, GOODBYE!

297 5 0
                                    


Thank you, Goodbye!

Isang araw matapos mangyari ang lahat ay parang sariwa pa ang lahat nang nangyari. Ngayon ang alis naming lahat papuntang Canada para doon na mamuhay. Hindi ko masasabing 'di na ako babalik sa bansang ito dahil alam kong may maiiwan sa akin na babalik balikan ko.
Nalaman ng mga kaibigan ko ang desisyon ko kaya narito silang lahat para makita ako.
"Bes naman kasi bakit ka pa aalis? Para akong baliw sa kakaisip na wala ka sa tabi naming lahat!" sabi ni Sandy habang umiiyak. Actually, hindi lang siya kundi lahat sila, maging si Kiel at Patrick nandito kasi.
"Wag ka nang umalis bes please!" wika naman ni Weng kaya pinunasan ko ang luha niya.
"Bes alam mo namang pangarap kong maging isang sikat na modelo di ba?" tumango naman siya bilang sagot "mahal ko kayo pero kailangan kong gawin 'to para na rin sa sarili ko at para makalimot"
"Eh di lumabas din ang totoo" sabat naman ni Kiel "aalis ka dahil sa gago kong pinsan!"
Umiling naman ako saka yumakap sa kaniya "Hindi Kiel! Ginagawa ko ito dahil ito ang gusto ko at hindi dahil sa nangyari. Sana maintindihan mong masisiyahan ako 'pag nagawa ko na ang matagal ko ng pangarap" ngumiti naman siya at saka yumakap din sa akin.
Sunod namang lumapit sa akin ay si Patrick "Babe please take care of your self okay?" habang umiiyak din. Natawa ako dahil kahit na gwapo ang dalawang 'to 'di kinakahiyang umiyak
"Don't worry Pat! Aalagaan ko ang sarili ko. At saka papasyal ka naman di ba?"
"Syempre lagi akong papasyal sa inyo. Ang mamimiss ko lang ay ang business partner kong mas magaling pa sa akin!" aniya kaya hinampas ko siya.
"Kung makabola ka wagas! Wala akong pera!" tinawanan lang niya ako saka ulit niyakap.
"Tama na 'yang dramahang 'yan halina kayo't mag-almusal na tayo" pagtawg ni manang na halatang umiiyak din.
Ang aga kasi nilang pumunta sa bahay para daw makasama pa ako ng matagal kahit pagod sila galling trabaho.
Sabay-sabay kaming umupo sa mesa. Nadatnan naman namin doon sina daddy at mommy ko na nagtatawanan kasama ang kapatid ko.
"Come on let's eat ladies and gentlemen!" bungag ni daddy pero narinig namin ang isa pang katitigil lang na sasakyan sa labas ng aming bahay.
"May bisita pa ba tayo dad?" tanong ko kay daddy ko kasi nagtataka ako kung sino ang parating. Nakangiti naman sa akin ang mga kaibigan ko nang banggitin ko ang salitang dad. Alam kasi nilang matagal akong nangulila kay daddy ko.
"Wala naman akong sinabihan anak!" sagot naman ni dad kaya nag-antay kami kung may papasok ba o wala.
"Sir pasok po kayo!" rinig naming sabi ni manang. So may bisita nga? "nasa kusina po sila at kumakain"
Nang marinig ko ang bawat hakbang ay nagtatanong ako kung sino ng aba ang bisita.
"Good Morning po!" bati ng bisita kaya lumaki ang mata ko. So, narito nga siya at hindi ako namamalikmata noon? Tinignan ko naman si Weng at nakita kong nakangiti na siya unlike before na awkward sa kanya 'pag nariyan si Christian. "Hay guys!"
Dali-dali naman kaming tumayo at yumakap sa kanya maliban sa dalawang boys na 'di siya kilala.
"Hoy musta na? mas lalo kang gumwapo ah" puri ni Weng pero rinig kong bumulong si Kiel. Seloso! Haha
"Okay lang naman ako! At ito sa wakas nakapasyal sa pinas!" ani Christian
"Libre naman diyan! Kelan ba balik mo sa Canada?"- Sandy
"Actually, aalis na rin ako mamaya. Sasabay na ako kina Cha!" nagulat naman ang tatlo sa sinabi niya.
"You mean aalis kana rin later?"sabi ni Mel kaya tumango si Christian.
Nang turn ko na ay niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss ko na siya.
"Kumusta na? Ang tagal mong hindi nagparamdam ah! Kelan ka pa ba nandito?"
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti "Two weeks na akong nandito Cha! Pero paalis na rin ako later dahil kailangan kong bumalik sa trabaho ko sa sususnod na araw!"
"Ano bang work mo doon?"
"Model ako doon, kaya narito ako para sunduin ang future partner ko!" saad niya sabay kindat sa akin kaya namilog ang mata ko.
"You mean magiging partner kita?" ngumiti siya at tumango kaya niyakap ko ulit siya ng mahigpit.
"Ahem! Tama na 'yan at kailangan na nating kumain! Ligaw muna bago kung ano-ano pa!" rinig naming wika ni daddy ko kaya nagtawan silang lahat sa kusina. Over protective ang peg dad?
Binigyan ng upuan si Christian kaya sabay-sabay kaming kumain. Nang matapos na kami ay kailangan na naming magbihis para maaga kaming makaratingsa airport dahil 11am ang flight namin. Mga 8 o'clock palang ay ayos na lahat ng gamit namin kaya kailangan na naming umalis. Pero bago 'yon kailangan muna naming gawin ang last wish ko kay daddy.
"Paano ba 'yan guys? See you I see you?' wika ko kaya nagsiiyakan na naman sila. when
"Wag ka namang ganyan bes! Babalik kapa naman 'di ba?"- Weng
"Oo naman! Don't worry babalik ako!"
"Siguraduhin mo lang kung hindi babalatan ko ng buhay ang babe mo!"- Sandy
Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Kung makasampal ka sa kanya wagas bes ah?"
Lumukot naman ang mukha niya "Basta hanggang sa hindi ka bumabalik sa amin hinding hindi ko siya kakausapin kahit anong mangyari?"
"Bahala ka!" kako nalang
"Basta bes aantayin namin ang pagbabalik mo okay?" Mel sabay yakap sa akin kaya yumakap na rin ang tatlo. Nakiyakap na rin ang dalawang boys pero hindi si Christian dahil siguro nahihiya siya.
"Diretso ka na ba ng airport bes?"- Mel
Umiling at sinabi sa kanila kung saan muna kami pupunta kaya nagdecide silang sasama sila sa akin. Ayaw ko noong una pero mapilit sila kaya wala na akong nagawa.
Sama-sama kaming family sa isang sasakyan maliban kay daddy ko na nauna nang umalis kanina dahil nagpatawag siya ng meeting.
"Ate are you sure about this?" tanong ng kapatid kong katabi ko.
"Yes sis! I need to do this para buuin saglit ang sarili ko. I'm not saying hindi ako buo pero gusto kong makasama kayo at mangyayari lang 'yon 'pag umalis tayo ng bansa. Don't worry masaya ako sa desisyon ko" alam kong selfish decision 'to para sa kanya pero kailangan ko 'tong gawin. Kung may babalikan pa ako pagkatapo nito magiging masaya ako pero kung wala na, siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.
"But how about...."
"Sis please this time kayo muna okay?" tumango naman siya at niyakap ako.
Nang makarating kami sa opisina nila Raven ay hindi agad ako bumaba. "This is it! Kailangan ko munang gawin 'to para sa sarili ko at para na rin sa family ko. Mahal kita babe pero mahal ko rin ang sarili ko. Sana may babalikan pa ako after nito" saad ko sa isip ko.
Nang makababa na ako sa sasakyan ko ay nakababa na rin ang mga kaibigan ko kaya sinabayan nila kaming umakyat sa taas. Pinakilala ko naman ang kapatid ko sa kanila dahil kaninang umaga ay hindi ko 'yon nagawa. May mga ngumiti sa kanya except kay Sandy kaya tinignan ko ng masama at ngumiti din.
"Sure ka ba dito bes?"- Mel
"Yes bes. Para sa family ko at sa pangarap ko!"
"Paano siya?"
"Siguro may reason kung bakit nangyayari ito! Tsaka kung kami, kami talaga kahit gaano pa ako katagal mawala!" tumango naman siya at ngumiti.
"Papasok pa ba kayo sa loob?" tanong ko sa kanila dahil kung hindi papasok na kami ng kapatid ko kasi nauna nang pumasok kanina ang mommy namin.
"Hindi na babe! Baka makasuntok pa ulit ako!" ani Patrick kaya binatukan siya ng lahat.
Masaya naman akong tinignan sila.
"Ang swerte mo ate kasi ang daming nagmamahal sa'yo" rinig kong sambit ng kapatid ko kaya hinalikan ko siya sa pisngi.
"I love you sis okay?" niyakap naman niya ako nag-thank you!
"Ready ate?" tumango ako kaya pumasok na kami. Naunang pumasok ang kapatid kaya hindi agad ako kita.
"Just like what I told you, tuloy pa rin ang partnership natin kasi 'yon ang wish ng mga anak ko. Pero hiindi na matutuloy ang kasalan nila dahil naging selfish ako at this time gusto kong bumawi sa mga anak at asawa ko." Iyon ang bungad ni daddy. Hindi siguro kami napansin na dumating dahil sa sobrang busy nila. Nasa likod pa rin ako ng kapatid ko kaya nakikinig lang ako. Naintindihan siguro ng kapatid ko ang pagtago kaya hindi niya ako kinulit.
"Pero bakit mo pa naisipan ang engagement na 'yan Mr. Illustre? Alam mo bang pati future daughter in law ko ay nasaktan! Kung nandito lang kami ng asawa ko ay hinding hindi ko papayagan na mangyari 'yon?" alam kong ang mommy ni Raven 'yon kaya bigla nalang pumatak ang luha ko.
"Alam ko Mrs. Villafuerte pero alam n'yo namang matagal na silang naka-arrange di ba?" -Dad
"Yes we know but you didn't consult us first before you push that engagement night. We love our future daughter in law. Para na talaga namin siyang anak pero nasira dahil sa kagagawan n'yo!" this time ang daddy niya ang sumagot. Lalo tuloy akong naiyak sa malasakit nila.
"Bakit nagbago ngayon ang isip mo Mr. Illustre?"- mommy ni Raven
"Dahil 'yon sa hiling ng anak ko!" -dad
"Who is she?" this time ang boses ng mahal ko ang narinig ko kaya lumabas na ako.
"Me" bungad ko kaya napatayo ang parents ni Raven. Maging siya ay nagulat.
"Cha my daughter?" biglang sabi ng mommy ni Raven kaya napakbo ako sa kanila at napayakap.
"Balik ka na sa amin anak please!" sambit ng mommy niya pero umiling ako kaya nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"I'll leave the Philippines mommy!" wika ko nalang saka yumuko.
Iniangat niya ang ulo ko pero akala ko ang mommy ni Raven pero ang daddy pala niya.
"Stay daughter please!" pero umiling ako at saka niyakap ang ang daddy ni Raven na minahal ko at itinuring kong daddy. Madalas ko kasi silang inaalagaan kapag may sakit sila kaya ang sabi nila mas anak daw ako sa kanila compared kay Raven.
"Sorry dad and mom, but I need to do this para buuin ulit ang sarili ko. I need to do this....." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap nila ako saka sila nagiiyak. Maging ang buong tao sa room ay nag-iiyak napansin ko. Nang humiwalay sila nakita kong pumasok pala ang mga kaibigan ko saka umiiyak.
Hinarap ko naman ang parents ni Raven saka nagsalita "I love you dad and mom, but just like what I told you, kailangan kong gawin 'to para sa sarili ko!"
"But how about you ma...."hindi ko na pinatapos ang sasabihi ng mommy ni Raven dahil yumuko at umiling.
"Promise us, you will return!" -Dad ni Raven
Tumingin naman ako sa kanila at saka ngumiti "Promise dad and mom!"
This time humarap ako sa lalaking minahal ko mahal na mahal ko pa rin pero dapat ko munang buuin ang sarili kong nawala dahil sa nangyari. Nilapitan ko siya at nniyakap. Gumanti naman siya sa yakap "Babe please" bulong niya pero humarap ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.
"Please take care of your self okay? Aalis ako saglit para buuin sandal ang sarili ko" saka ko tinanggal ang singsing na nasa kamay ko kaya rinig kong ang lakas ulit ng iyak ang mommy ni Raven "ibabalik ko sa'yo 'to dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mawawala. Malay ko ba kung makahanap ka ng higit sa akin" umiiling naman siya at patuloy ang luha sa kanyang pisngi. Magsasalita sana siya pero pinigilan ko siya "kaya sa ngayon I'm officially breaking up with you para makapagmove on ka habang nasa malayo ako. Mahal na mahal kita pero may mga bagay na kailangang mangyari at siguro may reason kung bakit 'to nangyari. Kapag nakabalik ako sana ikaw pa rin ang lalaking minahal ko, kung may mahanap ka man na iba, tatanggapin ko. I love you babe. Hopefully you can find your star. Thank you and good bye!" saad ko sabay talikod pero tinatawag niya ang pansin ko.
Pinupusan ko nalang ang luha ko habang bumababa at diretso ng sasakyan namin. Bago ako pumasok kung saan ang family ko ay lumingon muna ako at nakita kong naroon ang mga kaibigan ko. Tumango sila habang umiiyak. Pumasok naman ako sa sasakyan na umiiyak pero ay 'di ko kayang makita ay ang umiiyakk na humahabol sa sasakyan namin ang lalaking mahal ko.
"Are you sure about this Cha?" umiiyak na tanong sa akin ng mommy ko.
"Yeah my."
"He lo...."
"Please my" pinutol ko na ang sasabihin ni mommy ko dahil nasasaktan ako sa nakikitang kong napaluhod si Raven nang hindi na niya maabutan ang sasakyan namin.
Let our destiny decide babe. I guess Chaven love team is officially off.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARWhere stories live. Discover now