Chapter 20: Chasing

1.2K 34 2
                                    

Lianne's POV

Nasa daan na kami ng makatanggap ako ng tawag mula kay mom. Mabuti nalang ay may cellphone holder ako na nakasabit sa rearview mirror ng sasakyan na ‘to. It’s my vehicle, sadyang nagagamit lang ni Conan 'to kapag may ganito kalayong pupuntahan.

Hindi kasi siya nagdadala ng sasakyan kapag malayo. Ayaw niyang magasgasan ang kotse niya. Sarap bangasan ng isang ‘yon. Sobrang arte sa mga bagay-bagay.

“Hey, mom. What's up?” I greeted her.

“We’re now going to Manila. May emergency kasi ang daddy mo, same with your kuyas. Sorry kung hindi agad nasabi. Can you drop Pi-el at the house?" She said straight to the point.

Pi-el is short for Peeta Louis. My mom was so lazy on calling names. Tsaka siya lang ang tumatawag ng ganoon kay Peeta.

“It’s okay, mom. I'll drop him tsaka bukas nalang ako babalik ng Tagaytay for my photoshoot.”

“Okay, Lianne. Take care. Ingat sa pag-d-drive. Kasama mo si Pi-el.”

“Sorry, ‘nak. Kailangan na kailangan ako sa office. Ingat kayo.” Man voice came from the other line’s background.

“I will, dad. Same with you. Ingat sa pag-uwi. We'll be home by around ten.”



Habang nasa daan kami pauwi sa Manila. Nakita kong mahimbing na natutulog si Peeta sa shot gun seat. Naka-seatbelt siya para hindi siya masubsob kapag prumeno ako.

Nagbabalak ako na mag-stop over kung saan mang convenience store or stop over na malapit sa pwesto namin ngayon. I'm kinda starving kanina pang mga alas-tres ang kain namin ng miryenda.

Mabuti nalang may nakita akong 7/11 na convenience store along the highway of Cavite. Sobrang gutom ko bumaba na ako at ni-lock ko yung kotse ko. Nandoon si Peeta at natutulog. Hindi pwedeng padalos-dalos ngayon may bata akong kasama.

Bumili ako ng tinapay, chocolates, at ice cream including the water. Hindi dala ni Conan yung tumbler ko. Wala sa loob ng sasakyan.

Bumalik na ako sa kotse ko, nakita kong magkukusot ng mata ang batang kasama ko. Mukhang nagising nung binuksan ko ang pinto.

“Mommy, where are we?” he ask while his eyes are half open.

“We're now going home.”

“I though you can't come.” humarap na siya sa ‘kin ngayon. “Did you change your mind now?”

“Nope. There is an emergency. Lolo and lola are already home. They are now waiting for you.” Masuyo kong sagot sa bata.

“Wanna eat?” Alok ko sa kaniya. Nilabas ko yung noodles na dala ko. Mayroon na ‘yon na mainit tubig. More minutes ay pwede na iyong kainin.

“Yes po. Peeta is already hungry. My pets are growling inside my tummy.” Hinimas-himas pa niya ang t‘yan niya para ipakita na nagugutom na siya.

“Okay. We'll eat inside the store. Mas magandang kumain doon may tables.” Tinanguan kang niya ako. May kinuha ako sa cabin compartment ng kotse ko na matatagpuan sa harap ng shotgun seat.

Kinuha ko ang stainless steel utensils ko. Mayroong spoon, fork, straw, and chopsticks. Laging nasa kotse ‘yon in case of emergency na kakain ako sa ganitong lugar. Para hindi na rin dagdag sa kalat.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon