6-Box...

1.4K 56 1
                                    

Jema: hmm sarap talaga dito! Balik tayo ah?
Jia: sure! Why not? So shopping na?
Kami: g!

(Deanna's pov)

Deanna: ate punta lang akong kwarto ah?
Nicole: sige bunso!

Pumunta na ako sa kwarto ko at tiyaka sinara ang pinto.

(Kwarto ni deanna)

Naisip ko kasing mag drawing na lang dahil wala naman akong magawa.

Nag pinta ako sa drawer ko at tiyaka hinanap dito ang sketch pad ko.

1st drawer: wala!
2nd drawer: wala!
3rd drawer: ...

Deanna: ayon!

Kinuha ko ito. Madali ko itong nakuha dahil din sa ito'y nakaibabaw. Pag kakuha ko dito ay may nakita akong mga papel, pictures at isang box.

Hmm. Nag kaintirisa naman ako sa laman ng box. Kinuha ko ito at tiyaka ako umupo sa higaan.

Bubuksan ko na sana ang box ng may kumatok sa pinto. Inilagay ko muna ito sa ilalim ng aking higaan at tiyaka inayos ang drawer.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si nanay.

Deanna: bakit ho nay?
Judin: uutusan lang sana kitang pumitas ng malunggay diyan sa bukirin anak. Eh mukhang busy ka naman kaya si...
Deanna: ahh hindi ho nay! Wala naman ho akong ginagawa eh. Ok lang ho.
Judin: ahh sige nak. Mag iingat ha? Pag uwing pag uwi mo mag luluto ako ng paborito mong munggo.
Deanna: yes naman! Sige nay! Bye!

Tumakbo na ako paalis ng bahay at papunta sa bukirin.

(Bukirin)

Pagdating ko sa tapat ng puno ng malunggay, dahan dahan akong umakyat dito at pumitas ng mga dahon nito.

Nang makakuha na ako, ay dahan dahan akong bumaba mula sa puno at tiyaka sinuot ang aking tsinelas.

Nag lakad na ako pabalik sa bahay namin.

(Bahay)

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa silid lutuan.

(Silid lutuan)

Deanna: nay ito na ho.

Sabay abot ko ng mga dahon ng malunggay.

Judin: salamat anak!
Deanna: walang anuman ho!

Bumalik na ako sa aking kwarto.

(Kwarto ni deanna)

Umupo ako sa aking higaan at tiyaka dali daling kinuha ang box.

Binuksan ko ito ng dahan dahan. Pagkabukas ko dito ay bumungad sa akin ang isang bracelet na gawa yata sa dahon? Ilang parte nito ay nabulok na habang ang iba ay hindi pa. Kinuha ko ito at di naman ito nag hiwa hiwalay. Sinuot ko ito at tiyaka pinagpatuloy ang pag tingin sa kung ano ang laman ng box.

May nakita akong mga lumang litrato. Tinignan ko ito, at may nakita akong dalawang babae. Ang isa ay nakaluhod habang ang isa ay nakatayo. Pinagmasdan ko ng mabuti ang litrato. Nakita kong ako ang nakaluhod sa litrato. Ngunit sino ang kasama ko? Ako'y nakaluhod sa harapan ng babae habang binibigyan ko siya ng isang tangkay ng bulaklak.

Hmm. Nilapag ko ang litrato at kinalkal pa lalo ang box. May nakita akong dalawang piraso ng papel na nakafold. Binuksan ko ang isa at nakita kong may tula dito habang ang isa ay may nakasulat na talata.

Tinignan ko muli ang box at wala ng laman ito.

Bibuklat ko ang unang papel at akmang babasahin ito ng may kumatok muli sa pintuan ng aking kwarto.

Deanna: pasok po!

Binuksan nito ang pinto ng unti at ipinasok ang ulo.

Nicole: bunso! Punta ka daw kila diana, sabi ni nanay at bigyan mo daw ng ulam.
Deanna: tots, ate! Tots!
Nicole: wag galit!
Deanna: ehehe.

Napakamot na lang ako sa batok ko. Sakto pala! Pupunta ako kila tol! Kinuha ko yung picture na nakita ko kanina sa box at tiyaka dumiretso sa hapag kainan.

(Hapa kainan)

Judin: oh anak dalin mo ito kila diana.

Sabay abot sa akin ng nanay ko ng mangkok ng munggo.

Deanna: sige po nay.

Umalis na ako ng bahay at tiyaka nag lakad na papunta sa bahay nila tol.

(Bahay nila tots)

Deanna: tol!

May lumabas mula sa pintuan ng isang maliit na kubo.

Tito: oh anak deanna!

Nag mano ako kay tito at tiyaka binigay ang isang mangkok ng munggo.

Deanna: tito si tol po?
Tito: ahh eh andon sa bukirin. Sabi niya tatambay daw siya doon sa puno ng mangga. Uuwi din agad pag hapunan na.
Deanna: nga po pala tito pinapabigay po yan ni nanay. Munggo po.
Tito: pasabi na lang salamat. Pakamusta na din sa mga kapatid mo at sa tatay mo.
Deanna: kay tita din po tito. Pupuntahan ko lang po si tol.
Tito: osige mag iingat.

To be continue...

Wazzup guys! Kamusta? Mag iingat kayo sa covid ah? Wash you hands and always bring your alcohol and mask. Ingat kayo guys! Sabah sabay po tayong mag dasal! We can do this people!

Spend 10,000 Hours With You (The Dragon Fruit Farm Love Story)Where stories live. Discover now