22-Cook

1.5K 79 3
                                    

(Deanna's pov)

Tots: ito na ang farm!

Sa laki ng farm, farm pa lang yon, ah? Tinanghali na kami. Di pa namin nalilibot ang bukirin o kahit ano. Ang mismong farm pa lang.

Pauwi na kami ngayon, dahil manananghalian muna kami, bago ituloy ang pag iikot dito sa farm.

(Bahay)
Agad kong pinarada ang sasakyan sa tabi ng puno ng mangga. Bumaba na kaming labat, at agad na pumasok sa bahay.

Sila maam pala mag luluto ngayon. Marunong kaya sila?

Judin: oh, andyan na pala kayo. Maam Jema, nandoon na po ang manok na lulutuin niyo. Mag titinola po kayo. May papaya na din po doon at ibang sangkap.

Tumango lang si maam Jema.

Deanna: marunong po ba kayo mag luto?

Tinignan naman ako nito ng makahulugan at umiling.

Tots: yun lang!
Judin: ah, tuturuan na lang po kayo ni Deanna. Oh anak, mag luto na kayo, at kayo na lang ang di kumakain. Kumain na kami ng tatay mo.
Deanna: sige po nay.

Nag lakad na kami ni maam papunta sa kusina.

(Kusina)
Nakita kong nakahanda na ang lahat ng ingredients.

Deanna: maam babalatan niyo ho muna yung papaya.

Lumapit naman ako kay maam. Kinuha ko ang kutsilyo at papaya.

Deanna: ganito po mag balat ng papaya.

Sabay pakita ko kay maam kung paano. Binigay ko naman kay maam ang papaya at kutsilyo, pag katapos ko sa kanya ipakita.

(Fastforward)
(Sala)
Andito kami sa sala. Napag usapan naming mag pahinga muna kami saglit, bago ipagpatuloy ang pag iikot sa farm.

Tots: sarap mo naman pala mag luto maam! Pwede na mag asawa!
Mafe: oo nga ate! Di ko alam marunong ka pala mag luto.
Jema: t...thank you.

Nahihiyang sabi ni maam. Pwede na, pwede na akong maging asawa ni maam. Joke! Hihi!

Donna: uy! Ano ito?!

Nakita kong may kinuha si Donna sa ilalim ng inuupuan niya.

Tots: Deans! Diba yan yung dati mong gitara?! Tara jam! Dating gawi!

Napatingin naman ako kay Donna na binubuksan ang lalagyanan ng gitara ko.

Mafe: marunong ka pala mag gitara.

Napatingin naman ako kay maam mafe. Tumango lang ako sa kanya.

Tumabi naman ako kay Donna, na ngayon ay hawak ang aking gitara.

Donna: grabe! Bamboo guitar? Unique ito, ah! Meron lang ako yung spruce version, eh.

Napatingin naman ako kay maam Jema na kanina pa nakatitig sa akin. Tinignan ko ito sa mata, pero agad siyang umiwas.

Mafe: parinig naman isa.
Donna: tss! Edi ikaw tumugtog!
Mafe: ikaw ba kausap ko?
Donna: hshshs, kala mo naman maganda.
Mafe: bakit? Maganda naman talaga, ah?

Sabay hair flip ni maam Mafe.

Kanina pa away ng away yang dalawang yan. Kakairita na din, hays.

Tots: isa naman jan tol!
Mafe: oo nga, isa naman jan.

Agad namang binigay sa akin ni Donna yung gitara ko.

Spend 10,000 Hours With You (The Dragon Fruit Farm Love Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz