14-Hands

1.3K 65 6
                                    

(Deanna's pov)
(Bahay)

Dean: pasok kayo!

Pumasok na sila maam jema, habang bitbit namin ni tots ang mga bag nila.

(Living room)
Nilapag na namin ang mga bag nila maam. Si tatay naman ay pumuntang kusina.

Deanna: upo po kayo maam.

Umupo naman sila sa sofa. Bumalik naman na si tatay.

Dean: maam jema, mafe. Kain na po tayo?
Mafe: sige po manong dean.

Tumango lang naman yung isang babae. Ang sungit yata ng isang to.

Tots: tol! Uuwi na ako. Baka kumakain na din kasi sila tatay.
Deanna: tol! Dito ka na kumain. Masarap ulam, adobo!
Tots: eh, kung ganon...makakatanggi pa ba ko?

Tumawa lang kami, at nag lakad na papunta sa hapag kainan.

(Dining room)
Isa-isa kaming umupo sa upuan. Lumabas naman si nanay, na may hawak na mangkok ng adobo at kanin.

Nilapag niya ito sa harapan namin. Meron naman ng nakahandang plato sa kada upuan, kaya wala kaming problema.

Nag simula na kaming kumuha ng ulam namin at kanin. Tahimik lang kaming kumakain. Nag pabalik balik naman ang tingin ko sa dalawa naming bisita, na hindi pa kumakain.

Judin: di niyo po ba gusto ang ulam maam jema at maam mafe?

Napatingin ang dalawa kay nanay.

Mafe: sorry po pero, di ko po kasi alam mag kamay eh.

Sabay kamot niya sa batok niya. Napangiti naman kami ni tots.

Judin: eh kayo po maam jema?
Jema: hindi ko din po alam eh. Do you have spoon and fork po ba?

Tinignan ako ni nanay.

Deanna: nako maam! Sorry po, pero hindi po kasi kami gumagamit ng mga kubyertos dito. Pero kung gusto niyo po eh, turuan na lang po namin kayo.

Napatingin ang dalawang babae sa akin. Tumango lang si maam jema.

Mafe: kung ok lang po deanna.

Napangiti naman ako. Agad akong lumapit sa kanila at tinuruan silang mag kamay. Mabilis itong natutunan ni mafe, kaya nag patuloy na ito sa pag kain. Pero si jema ay nahihirapan.

Deanna: maam ganito po kasi yan...

Hinawakan ko ang kanang kamay ni maam jema. Agad kong naalis ang kamay ko mula sa kamay niya, dahil sa libo libong boltahe ang dumaloy sa mga kamay namin.

Deanna: sorry po maam.

Tinignan niya lang ako at tumango. Hinawakan ko muli ang kamay niya, at inalalayan kung paano mag kamay. Nakuha niya na ito, kaya bumalik na ako sa upuan ko, at pinag patuloy ang pag kain.

Tapos na sila nanay at tatay. Kami na lang nila tots ang natira ditong kumakain.

Natapos na si tots, kaya sumunod na siya kila tatay. Pati na din si maam mafe. Sumunod naman ako at si maam jema.

Hinugasan na ni nanay ang mga pinggan.

Dean: maam jema, mafe. Mag pahinga na po kayo. Bukas po ay ililibot kayo dito nila deanna. Alam ko pong pagod na kayo. Mafe, kung ok lang po, ay kasama niyo si deanna sa kwarto. Pero wag po kayo mag alala, kayo na po sa higaan, at sa lapag na lamang siya.
Mafe: ok lang po manong dean. Salamat po.

Sabay ngit ni maam mafe kay tatay.

Dean: maam jema, doon na lang po kayo sa kwarto ng isa kong anak. Sa bayan naman na ho siya nakatira, kaya di niya na ito magagamit.

Tumango lang muli si maam jema.

Dean: tots, deanna dali niyo na ang mga gamit nila sa kwarto.

Sinunod naman namin si tatay. Dinala ni tots ang gamit ni maam jema sa kwarto ni ate nicole, at dinala ko naman ang gamit ni maam mafe sa kwarto ko.

(Kwarto)
Nilapag ko na ang bag ni maam mafe, malapit sa higaan.

Mafe: wow! Drawing mo po lahat ito deanna?
Deanna: opo maam.

Nahihiya kong sabi.

Mafe: ang ganda po! Tapos ang ganda pa ng view dito sa kwarto mo! Wow!

Ngumiti pang ako.

Tots: deans! Tara na! Pumunta na si tito sa farm.
Deanna: sige!

Lumingon naman ako kay maam mafe.

Deanna: maam! Diyan po kayo sa katre mag papahinga. Kailangan ko na po umalis.
Mafe: thank you po deanna!

Umalis naman na ako. Sinuot ko na muli ang aking balanggot at panyo.

Tots: mahaba habang araw pa ito deans!
Deanna: oo nga eh.
Tots: tara mamaya, tambay sa puno.

Tumango lang ako.

Tots: si maam jema ka na ba?!

Natatawa niyang sabi.

Deanna: baliw!
Tots: puro tangi lang kasi alam isagot eh!

Natatawa niya muling sabi.

Deanna: oy si ced, oh!
Tots: saan?!

Napalingon naman siya sa paligid niya.

Tots: deanna wong!!!!

Tumakbo naman na ako. Haha!

———————————————————————————
Stay safe guys! Wag masyado lalabas! Ingat po tayo.

Happy birth day po pala sa ating nag iisang Celine Domingo! Enjoy your day po!

Spend 10,000 Hours With You (The Dragon Fruit Farm Love Story)Where stories live. Discover now