21-Tour (1.0)

1.4K 73 6
                                    

(Deanna's pov)
(Next day)
Nagising ako ng 4:00 ng umaga. Agad akong bumangon, at dahan dahang lumabas ng kwarto, baka kasi magising si maam Mafe.

Pag kalabas ko ng kwarto, ay bumungad sa akin ang aking mga magulang na nag kakape.

Nag lakad ako papalapit sa kanila. Agad naman nila ako napansin. Kaya binati nila ako.

Judin: good morning anak. Kape?
Dean: good morning Deanna, anak.

Humalik naman ako sa mga pisngi nila, at umupo sa tabi ni tatay.

Deanna: nay, pwede po bang pahinging kape? Pang pagising lang.
Judin: osige. Hinatayin mo ako dito, at mag papainit lang akong tubig.

Tumango lang ako. Nag lakad naman na papalayo sa amin si nanay.

Dean: anak, gisingin mo ang mag kapatid na Galanza ng 6:00. Dapat 6:30, ay nag sisimula na kayong mag libot sa farm.
Deanna: opo tay.
Dean: ilibot mo sila sa buong farm.
Deanna : opo. Tay, pwede po bang isama ko sila Tots at Donna?

Humigop muna si tatay sa tasa niya ng kape, at saka ako hinarap.

Dean: oo naman. Pero teka, sino yung Donna? Bagong kaibigan?
Deanna: opo, bago ko pong kaibigan. Anak po siya ng mga Tuazon, yung nag aral po sa Manila.
Dean: ahh! Siya pala yon.

Bumalik na si nanay kung nasaan kami, at ibinigay sa akin ang isang tasang kape.

Deanna: thank you nay!

Masigla kong sabi. Nginitian lamang ako ni nanay, agad naman akong humigop ng kape mula sa aking tasa.

Nag patuloy lang kami sa pag uusap. Napatigil kami, ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutulugan ni maam Jema.

Lumabas ang isang babae mula sa kwarto, na ginugusot pa ang mga mata at nag hihikab.

Deanna: good morning po maam! Napaaga po yata kayo ng gising?

Tumigil siya sa pag gusot ng kanyang mga mata at tinignan ako. Tumango lang ito sa akin.

Jema: anong oras na ba?

Walang emosyon niyang tanong sa akin.

Deanna: maaga pa po, mga 4:15 pa lang. Kung gusto niyo po, matulog muna kayo, at gigisingin na lang kita mamaya.

Tumango lang ito sa akin, at bumalik na sa kwarto.

Dean: anak, ito susi ng kolong-kolong. Ito gamitin niyo mamaya pag ililibot mo na sila.
Deanna: opo tay. Puno pa po ba ng gas yon?
Dean: oo. Nag pa karga na ako kahapon.

Tumango lang ako. Inabot sa akin ni tatay ang susi ng kolong-kolong, na agad ko namang nilagay sa aking bulsa.

(6:00 AM)
Agad akong pumasok sa kwarto na tinutulugan ni maam Jema. Nakita kong natutulog pa ito.

Nilapitan ko siya. Napatigil naman ako, ng makita ang kanyang napaka inosenteng mukha.

Maganda sana, masungit nga lang. Agad ko naman tinapik si maam Jema sa balikat niya. Nakita kong gumalaw ito, kaya tinapik ko siya muli.

Jema: hmmm...5 minutes.

Sabi niya sa kanyang inosenteng boses. Ang ganda naman pala ng boses eh.

Deanna: maam, mag bihis na po kayo at aalis na tayo.

Agad naman itong napamulat.

Jema: mamaya na, tulog muna tayo.

Sabay hatak niya sa akin pahiga. Di ako kaagad naka galaw. Pag ka hila niya kasi sa akin, ay niyakap niya ako.

Nanigas ako sa aking puwesto. Ang tanging nasa isip ko lamang, ay ang kaniyang mainit na yakap.

Deanna: m...maam a...aalis na p...po t...tayo.

Nakita kong minulat niya muli ang kanyang mga mata, at tumingin sa kanyang paligid. Ng dumako ang paningin niya sa akin, ay agad niya akong tinulak.

Jema: a...anong ginagawa m...mo d...dito?!
Deanna: aray ko!

Dahil sa pag kakatulak niya sa akin, ay nahulog ako sa aming kahoy na lapag.

Agad naman siyang napatingin sa akin. Hawak ko ang aking mga braso na tumama sa kahoy.

Jema: s...sorry. D...di ko sinasadya.

Tumango lang ako.

Deanna: mag bihis na po kayo maam. Aalis na po tayo.

Tumayo na ako, at lumabas sa kwarto ni maam. Agad niya namang sinara ang pinto.

Judin: ok lang ba kayo nak? Sumigaw kasi kayo kanina eh.
Deanna: opo nay. Si maam Mafe po, nagising niyo na?
Judin: oo. Nag bibihis na din.

Tumango lang ako. Umupo naman ako sa sofa namin, malapit sa pinto. Dito ko na lang sila hihintayin.

(Fastforward)
Nandito na kami sa kolong-kolong. Nandito na rin sila Tots at Donna.

Ang una naming pupuntahan, ay ang harapan ng farm. Malaki kasi ang farm, kaya dapat mag sasakyan.

Agad kong pinaharurot ang motor papunta sa harap ng farm.

(Harap ng Farm)
Pinarada ko ang kolong-kolong sa gilid. Bumaba na kami. Nauna kaming nag lakad nila Donna at Tots, pumunta kami sa entrance ng farm, at hinintay sila maam.

Kami: welcome to Galanza's dragon fruit farm!
Deanna: kung saan matututo kang maging simple at masipag.
Tots: ang farm na puno ng mga ngiti ng mag sasaka.
Deanna: at kung saan pwede ka ding mapamahal...

Napatingin naman ako kay maam Jema. Nakatingin lang ito sa amin, habang pinipigilan ang tawa.

Donna: katulad nito! Napamahal si Deanna kay maam Jema...

Sabay turo ni Donna sa aming dalawa ni maam. Natulala na lamang ako, dahil ang ganda talaga ni maam pag masaya siya. Napangiti naman ako, ng maalala ang una niyang pag ngiti sa akin.

Deanna: nahulog na nga sa kanya, eh!

Napatakip naman ako sa bibig ko. Narinig kong natawa sila Tots at Donna.

Tinignan ko si maam Jema, nakikita kong pinipigilan niya pa din ang tawa niya.

Nadulas ako don, ah?! Napag tulungan pa!

Tinignan ko naman si maam Mafe, siya lang ang tahimik at di tumatawa.

Bakit ko ba nasabi yon?!

(Tsss! Amin din minsan D!)

Tsk! Wala ka talagang kwenta author! Di nakakatulong!

———————————————————————————
Oops! I spill the tea! Haha! Nako may nadulas😂

Si mareng jema naman kasi! May nalalaman pang yakap kah boss d! Ayan nahulog! Sapuhin mo, ah?

Ingat po kayo😁basa basa na lang munang
wattpad😅

Spend 10,000 Hours With You (The Dragon Fruit Farm Love Story)Where stories live. Discover now