INTG (Chapter Three)

155 15 26
                                    


“I wanna say thank you to all of you na dumalo dito ngayon para samahan akong i-celebrate ang birthday ko. Sana mag-enjoy kayong lahat. 'Yon lang po. Again, thank you,” litanya ni Frank sa stage bago ngumiti ng ubod ng tamis. Pasimple pa siyang sumulyap kay Kyla na katabi ko.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita sa party'ng 'to na hineld sa labas ng isang hotel.

Nang bumaba na si Frank ay niyakap siya ng Papa niya na kanina'y kasama niya sa stage. May yumakap ding babae sa kanya na satingin ko'y Mama niya.

Umalingawngaw sa paligid ang isang party music. Nagsitayuan na ang mga bisita para kumuha ng pagkain na naka-buffet.

Walang ganang sumandal ako sa upuan ko. Mali nga talaga na sumama ako sa Kyla na'to. Boring para sa'kin itong party na 'to. Tsaka feeling ko hindi ako belong.

Hindi naman talaga ako belong. Ano o sino ba ang pinuntahan ko dito? Wala naman akong dahilan eh.

Pinaglaruan ko nalang sa kamay ko ang phone ko. This is gonna be a looong night.

Nakaupo kami ni Kyla sa table na panglimahan. Pagkarating namin dito, basta't pinaupo nalang kami dito no'ng organizer ng event.

And 'yang boyfriend ni Kyla na si Frank, hindi man lang kami hinarap o inasikaso kanina. Ngayon lang siya lumabas sa pinagtataguan niya.

Bakit ba kasi ako nagpapilit sa pinsan kong 'to?

Ayoko na talaga rito.

Six palang ng gabi pero inaantok na ako sa party na'to, eh. I wanna go home already.

Sinundot ako bigla ni Kyla. Bored ko siyang binalingan.

“Ate, nagugutom ka na ba?” tanong niya sa'kin.

“Malamang. Umalis kaya tayo sa bahay nang hindi pa naghahapunan,” balewala kong sagot.

Pero totoong nakakaramdam na ako ng gutom.

“Ehdi tara. Kumuha na tayo ng pagkain,” sabay tayo niya.

Tumayo na rin ako.

“Kyla.”

Napalingon kami sa taong nagsalita.

“Frank,” ani Kyla.

Nakatayo si Frank hindi kalayuan sa'min. Humakbang rin naman siya palapit.

“Happy birthday, ah,” ngiting asong saad ng pinsan ko nang tuluyan nang nakalapit sa'min ang boyfriend niya.

“Thanks,” ngiti rin nito sa kanya.

Hindi naman halatang sobrang inlove sila sa isa't-isa 'no? Parang may nakikita na akong mga hearts na pumapalibot sa kanila, eh.

Tsaka konti na lang, maiisip ko nang nakalimutan na nila 'ko dahil may naririnig na silang love song sa mga tenga nila.

Buti at binalingan naman ako ni Frank kalaunan. That's the sign for Kyla na ipakilala ako.

“Si Ate Sab nga pala, Frank. Pinsan ko pero para ko naring totoong kapatid.”

“Hi,” I said smiling sabay kaway ng kamay kay Frank.

Parang magaan na ngayon ang loob ko sa kanya. Mukhang mabait naman kasi siya sa malapitan, eh. Ers?  Sa malapitan lang?  Ngayon ding nasa malapitan siya ay napagtanto kong sakto lamang ang tangkad niya. Hindi gaanoong matangkad ngunit 'di rin gaano kaliit. Kanina kasi sa stage, parang ang tangkad-tangkad niyang tignan. I also wonder if natural bang makintab ang buhok niya gayung parang naka-gel din naman siya.

“H-Hi po, Ate Sab. Frank po, b-boyfriend ni Kyla. Nice to meet you po,” sabay lahad niya ng kamay habang unti-unti ring kumurba ang naiilang na ngiti sa makapal niyang mga labi. Pati rin ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata ay parang hirap tumingin sa mata ko.

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now