INTG (Chapter Twenty-Four)

66 12 2
                                    

“So, kumusta naman kayo diyan?” tanong ko kay Krystal na kasalukuyan kong ka-video call.

“Heto, okay naman. Pero nami-miss ko 'yung Pinas at kayo ni Nic. Kayong dalawa pala, kumusta?”

Natahimik ako dahil sa tanong ni Krystal. Hindi kami okay ng pinsan niya. Kanina sinabihan ko na itong tanggalin na ako sa trabaho.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Maaga sana akong matutulog pero hindi na natuloy dahil nag-request si Krystal kanina sa chat na mag-video call daw kami. And heto na nga kami.

Tulad ko nasa kwarto na rin siya nila ni Dave. Nakaupo sa isang single seat couch. Pinakita niya ang asawa niya kanina na naglalaro ng video game. As usual, nakangiting nag-hello ito sa'kin. Ngayon ay hindi na ito nahahagip ng camera.

“Sab? Natahimik ka?” untag ni Krystal.

Ngumiti ako nang pilit.

Should I tell her kung ano ang nangyayari ngayon sa'min ng pinsan niya?

“Uhm, kumusta si Matthew?” pag-iiba ko ng topic.

Kumunot ang noo niya saglit bago tumawa ng mahina.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Kumusta kayo ng pinsan ko? Naa-alagaan ka ba niya ng maayos?” aniya pagkatapos tumawa.

Hanggang ngayon talaga iniisip niya pa ring boyfriend ko si Nic. Which is, ngayon, imposible nang mangyari.

“Krystal, bakit niya naman ako aalagaan? Hindi naman ako baby para i-baby-sit niya eh, haha.” I joked.

She just gave me a confused look.

“I can sense na may problema kayo. Meron ba?”

Parang gusto ko nang itabi ang laptop ko not because ayoko nang kausap si Krystal kundi dahil hindi ako komportable sa tanong niya.

And it's my fault rin pala. Nagpahalata ako.

“It doesn't matter naman kung may problema nga kami.” tabang kong saad.

“So, you're saying na may ginawa nga ang magaling kong pinsan?”

Nakangiting malungkot na tumango ako.

Naging furious ang mukha niya.

“I can't—”

“Normal lang iyon dahil secretary niya ako at may mga pagkakataon talaga na hindi siya nagiging soft sa'kin. And like I said, it doesn't matter. Wala namang kami to start with.”

Nakita kong ibubuka sana ni Krystal ang bibig niya pero sinara niya rin ito ulit. She must be really confused.

“Wala kaming relasyon ng pinsan mo. 'Yun ang totoo. Sana maniwala ka na this time. I'm just his secretary, okay?”

“You're really serious, aren't you?”

“I swear, I am, Krystal.”

Lumungkot ang mukha niya.

“Should I say sorry now kasi pinipilit kong kayo ni Nic?”

I pressed my lips together bago umiling.

“No. You don't have to. Wala kang kasalanan kung iyon ang inakala mo dahil kami rin naman itong nag-panggap. Isa pa, ginawa namin iyon for my sake. So, I suppose, ako talaga ang may kasalanan. Hindi ikaw o si Nic. I should be the one thanking you for helping us out. And I'm thankful to Nic as well.”

“Don't say that.. And of course, you're welcome but can you at least tell me now kung bakit kailangan niyong magpanggap noong nasa resort tayo?”

“I can't..”

I'm NOT That Girl Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt