INTG (Chapter Twenty-Three)

62 11 0
                                    

Matamlay akong lumabas ng elevator matapos itong bumukas. Ang sakit ng ulo ko, epekto ng matinding pag-iyak ko kahapon.

Ayaw sana nila Mama na pumasok ako ngayon sa trabaho dahil sa katamlayan ko pero wala rin naman silang nagawa. Nag-insist talaga akong pumasok at sinabing ayos na ang pakiramdam ko. Kapag nag-decide na kasi ako, wala na talagang makakapigil sa'kin.

Agad akong umupo sa swivel chair pagkarating sa workplace ko. Binuksan ko ang bag ko at hinanap sa loob ang phone pero napatigil nalang ako nang maalalang iniwan ko nga pala ito sa bahay. Ni hindi ko rin chinarge. Looks like no phone for today. Nagsisi ako sa ginawa ko. I badly need it para magpasundo kay Papa mamaya. Ugh.

Tumunog bigla ang telepono na nasa gilid ko kaya dumako ang tingin ko rito. Pagkasagot ko, si Nic.

“Sabrina?”

Bumalik ang lungkot na pakiramdam nang marinig ko ang boses niya.

Parang ang lambing din ng boses niya sa kadahilanang hindi ko alam.

“Y-Yes, Sir?”

“Pasok ka rito, please.” may halong pakikiusap niyang saad.

Binaba ko na ang telepono at pinilit umarteng normal. Malakas ang pakiramdam kong nakatingin siya sa'kin ngayon dito sa labas ng office niya. Bakit pa kasi one way mirror ang nagpapagitan sa'min, tsk.

Mabilis na rin akong tumayo at pumasok na sa kanyang office.

Tumambad sa'kin ang medyo disturbed niyang mukha. As usual, prente lang siyang nakasandal sa swivel chair niya.

Habang lumalapit ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa'kin na parang binabasa ang nasa isip ko. Samantalang ako ay wala lang reaksyon.

“May kailangan po ba—”

“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?” seryoso niyang tanong.

Nabigla ako sa biglang pagsabat niya pero nagawa ko namang panatilihin ang ekspresyon ko. Bahagya ko nalang na iniwas ang tingin sa kanya.

“Hindi ko alam. Wala sa'kin ang phone ko.” pagsisinungaling ko sa malamig na boses.

Nanatili akong nakaiwas ng tingin pero nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig lang siya sa'kin. Binalot kami ng katahimikan. Kung ano man ang iniisip niya ay hindi ko alam at wala na rin akong pakialam.

“Are we good, Sabrina?” mahina niyang tanong pagkatapos ng ilang segundo.

Binalik ko ang tingin sa kanya.

“Pasensya ka na, Sir. Masama kasi ang pakiramdam ko kaya puwede po bang sabihin niyo na sa'kin 'yung kailangan niyo? Hindi kasi ako makatagal na nakatayo.”

Ganun pa rin ang boses ko, malamig pero hinaluan ko naman ng paggalang.

Mas sumeryoso ang mukha niya dahil sa paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya, plus hindi ko pa sinagot 'yung tanong niya.

“Kung masama ang pakiramdam mo, bakit hindi ka nagsabi? Bakit pumasok ka pa rin?”

Parang may nahimigan akong inis sa boses niya.

“Kaya ko naman.”

Nagtagis ang bagang niya nang panandalian.

“Ano 'to? Cold treatment?” sarkastiko niyang turan. Gumaya na rin ang boses niya sa kalamigan ng sa akin.

Binaba ko ang tingin sa sahig at umiling.

“Sorry ho, Sir.”

Syempre ayoko siyang magalit. Hindi ko lang mapigilan na maging ganito dahil wala akong ganang makita siya matapos ng pag-uusap namin kahapon ni Sir John.

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now