INTG (Chapter Five)

118 12 0
                                    

Napatitig ako nang matagal kay Dominic. Sa pagkakaalam ko, isang lalaking nag-ngangalang John Sebastian ang mag-i-interview sa akin ngayon.

Paanong si Dominic ang kaharap ko?

At tama ba iyong nabasa ko?

CEO siya?

Naalala ko ang sinabi ni Frank sa akin noong gabing nasa birthday party niya kami ni Kyla.

“Well, anak siya ng bussiness partner ni Dad. Si Kuya Dominic Ignacio.”

Hindi ko naman inakalang CEO na pala siya agad. Akala ko mas mababa pa ang posisyon niya. Dapat pala ang pag-kakasabi no'n ni Frank ay 'bussiness partner siya ni Dad'.

Kasi CEO na siya, e. Siya na ang nag-papatakbo nitong kompanya.

Pero wait, ibig-sabihin gano'n pala talaga kayaman ang isang ito?

Binangga ko pa naman siya ng ilang beses...

Tapos, siya ngayon ang mag-i-interview sa'kin. Ang kikilatis para sa posisyong pinag-a-applyan ko.

At sinong magiging boss ko?

N-no! Hindi puwede!

Sana mali ang naiisip ko. Sana. Sana. Sana!

“Si John lang ang tumawag sa'yo, pero ako talaga ang mag-i-interview. Sa akin ka rin naman mag-ta-trabaho kaya dapat talaga na ako ang kumilatis diyan sa pagkatao mo,” bigla niyang pag-imporma sa'kin na gumising sa pagkaka-tulala ko.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Ito na nga bang sinasabi ko.. Argh!

Tumungo siya at binasa ang application form ko. Bigla niya itong itinabi na tila ba hindi siya interesado sa lahat ng mga nakasulat doon. Mga papeles naman ang binasa niya na napapa-ilaliman ng form ko kanina.

“Tama ba 'yong narinig ko, S-Sir? Sa inyo po ako mag-ta-trabaho?”

Plastik. May nalalaman pa akong pagtawag sa kanya ng 'sir' ah?

I believe, kinakailangan, e. Boss siya rito.

Putragis. Hindi ako sanay. Nasusuka ako sa sarili ko dahil ayoko naman siyang galangin. Bwisit.

Bored na inalayan niya muli ako ng tingin. Mukha rin siyang inaantok na ano.

“Oo, tanggap ka na. Secretary na kita simula bukas kaya puwede ka nang umalis,” aniya sa walang ganang tono matapos ibalik ang tingin sa mga papeles at binasa muli iyon.

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Tanggap na ako? Agad-agad?

“P-Po? Ang bilis naman. Hindi ba i-interview-hin niyo pa po ako?”

Tsaka hindi niya nga tinapos basahin ang application ko, e.

“Huwag na. Busy pala ako. Ang dami kong kailangang gawin,” balewalang saad niya na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

“Dahil lang busy kayo, tanggap na ako agad? Ni hindi niyo pa nga natatanong kung may experience na ba ako, which is wala pa naman talaga kasi—”

Naputol ang sinasabi ko dahil in-interupt niya ako habang magkasalubong na ang mga kilay.

“Ang dami ko pang kailangan gawin Ms. Sabrina dela Cruz, kaya please, makakaalis ka na.”

A-Ano? Teka nga, parang dinidiktahan na niya ako. Masyadong mabilis itong pangyayari. Tanggap na agad ako? Hindi kapani-paniwala at ka-tanggap-tanggap.

Ows? Talaga ba 'te?

“Hindi naman po puwede na ganito. Kailangan niyo pa akong kilatisin, 'diba Sir?”

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now