INTG (Chapter Six)

108 12 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa naabutan ko.

Naabutan ko si Sir na nakayuko sa table niya at...

Parang...

Natutulog?

Haha, ang OA ko lang pala. Pagod lang yata 'to.

Tumingin ako sa wristwatch ko at napangiwi nalang. Nine forty-three na. Sobrang late ko na nga. Nakakahiya.

Bumalik ang tingin ko kay Sir na himbing na himbing na natutulog. Bakit dito siya natutulog?

Sa opisina niya siya natutulog? Sana hindi nalang siya pumasok at nagpahinga nalang sa bahay niya, 'diba?

But who knows. Baka naman kahit pagod siya, pumasok pa rin siya kasi maraming kailangan gawin.

Kanina pa kaya siya natutulog? Hindi niya kaya napansin na ang tagal kong dumating?

Sana nga kanina pa siya tulog, 'no?

“Sir? Morning, Sir.. Sir?” sabi ko para ma-check kung tulog ba talaga siya. Hindi siya kumibo. Mukhang tulog nga.

Uhm, anong gagawin ko dito? Tatayo nalang?

Eh, baka kapag ginising ko 'to magalit naman?

Pero alangan namang hintayin ko pa siya magising. Malay ko ba kung hindi na. Just kidding!

Pero magmumukha akong tanga rito. Plus, masakit pa sa paa. Kahit paano may takong itong sapatos ko.

Wala namang masama kung gigisingin ko siya, 'diba? Wala naman siguro. Bahala na nga!

Humakbang ako para lumapit sa table niya.

Pero nang konting hakbang nalang makakalapit na'ko, biglang nahuli ng tingin ko ang nakakalula pero nakakamanghang view ng ibaba. Wala sa sariling lumapit ako sa glass wall imbes na sa bago kong boss.

Nakakapayapa rin ang sobrang pagka-aliwalas ng langit. Binalik ko ang tingin sa ibaba at tumitig doon. Mga malalaking gusali, mga sasakya—

“Why are you late?” Nagitla ako sa biglang nagsalita na 'yon.

Dahan-dahan akong humarap kay Domi—este Sir. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa'kin dahil kagagaling lang sa tulog. Prente ang sandal sa swivel chair. Magulo ang buhok at halos natatabunan pa nito ang mga kilay niya.

“I am asking you Ms. Sabrina. Why. Are. You. Late?” aniya sa madiin na paraan, halatang hindi nagustuhan ang pagka-late ko.

Napatuwid ako ng tayo. “S-Sir, I'm so sorry.”

Hindi ko talaga sinasadyang mahuli ng gising.

He tsked sabay napailing-iling. “Tinatanong ko kung bakit ka late. Hindi ka ba nakakaintindi?”

Napataas ako ng kilay.

Anak ng...

Parang gusto ko na siyang sagot-sagutin sa attitude niyang 'yan, ah. Anong pinapahiwatig niya?

Pero bumuntong hininga na lamang ako't tumungo. Pinikit din ng mariin ang mga mata.

“Ang tagal ko po kasing nagising. Pasensya na po, Sir. Promise, hindi na po mauulit,” mabilis kong pagbigkas habang nakapikit.

Wala akong narinig mula sa kanya kaya dahan-dahan ko nalang minulat ulit ang mga mata ko sabay nag-angat ng ulo. Nilayo niya ang tingin sa'kin... sa pairap na paraan. May attitude nga.

“Lumapit ka nga dito,” sabi niya habang inaayos ang buhok gamit ang isang kamay. Tinutulak niya pataas 'yong buhok niya. Finally exposing his eyebrows.

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now