Chapter 2

16.5K 298 8
                                    

Chapter 2



Teejay's POV





"Dame ko talaga tawa sa nabiktima ko ngayon." sabi ko habang wagas kung makatawa.




Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang tumatawa parin, nag f-flashback kasi sa isipan ko yung pagmumukha ng nabiktima ko kanina. Parang sinumpa yong mukha nya.





Akala ko pa naman maganda, kasi ang sexy nya pero saktong pagharap nya! Damn!




Hinabol nya ako, ngunit wala. Hindi nya ko naabutan, kawawa sya ngayon, mukha pa namang cheap na probinsyana.




"Magkano kaya ang laman ng wallet ng panget na yun." Binuksan ko na 'yong wallet nya.



Limang daan lang ang laman. Walang kwenta ang nabiktima ko ngayon, tsk, sabagay mukhang mahirap eh.. Wala akong mabibili dito kungdi sigarilyo lang. Pwede ng pagchagaan..





May pumukaw pa ng atensyon ko na laman ng wallet nya, isa itong I.D at kapirasong papel, tinignan ko yung I.D at binasa ko ito.




"Krizaleih Aurelio Dimaguiba." what a name! So Krizaleih Dimaguiba pala ang full name nya?




Pangalan palang katawa-tawa na, Okay na sana ang katawan eh, kaso yung face? Ang panget. Shrimp sya!




Sinunod ko namang tignan ay yung kapirasong papel na nakaipit.





Sobrang nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung ano yung nakasulat.




What the? Address ng bahay namin to ah?



Bakit nakasulat ito dito? Bakit alam nya ang address namin? Sobrang nakakapagtaka lang talaga. Pano nangyari yun?





Tinapon ko nalang yong kanyang pitaka, tapos dumiretso nalang ako ulit sa paglalakad habang nakapamulsa..





Ako nga pala si Teejay Lopez, 19 years old, isa ako sa mga kinatatakutang lalake dito sa min. Walang nakakalaban sakin, subukan mung lumaban bugbog ang aabutin mo.






Hindi ako gangster, I'm not one of those, I can say isa lang akong delinkwentong binata, mahilig sa anything astig, mahilig sa rambulan at suntukan, anything basta gulo, at wala din akong kinatatakutan, sila pa nga ang natatakot sakin dahil nga sa siga ako..





Simula palang ganto na talaga ako, pati pamilya ko hinayaan nalang ako, wala din naman silang magawa, kahit anung suway pang sabihin nila hindi ko naman sila pinakikinggan, mas lalong lumala ang pagkaganito ko simula nung mamatay si kuya, para kasing ako ang sinisisi ng pamilya ko kaya sya namatay eh.





Nakikipag bugbugan kasi ako that time, ako lang mag isa, laban sa tatlo, nung time na yun, talo ako dahil hindi ako handa, wala akong dalang kutsilyo pero sila meron, kaya ayun nakita ako ni kuya sa mga bumubugbog sakin, sasaksakin na sana ako nung isa pero, bigla syang humarang kaya sya ang nasaksak, sa kinasamaang palad namatay sya.




At simula din nun parang ako na ang sinisisi ng pamilya ko, wala na silang pakyalam sakin, dahil nga daw sa wala akong kwenta, isang patapon, kaya iniwan nila ako dito sa Pilipinas, habang sila nasa America, at simula din nun parang wala ng saysay ang buhay ko.




Pero mayaman kami, kaya lang ako nagnanakaw dahil wala lang, gusto ko lang mantrip, ang mga nakukuha kong pera ay pinagbibili ko ng yosi at kung minsan alak..at kung ano ano pa. Minsan pinagbabar at pinagbabae ko din.





Si Mr. Delinquent At Ang Probinsyanang Hipon (Not So Perfect Match)Where stories live. Discover now