Chapter 5

10.9K 231 8
                                    

Chapter 5




Maaga akong nagising kinabukasan. Agad kong binuksan ang cellphone ko habang nagkukusot ng mga mata.



Alas singko na pala kailangan kunang tumayo. dali-dali akong tumayo tsaka nag unat. liniligpit ko na ngayon ang aking higaan, habang naghihikab padin.



"Kuya, Kuya. . . Sorry Patawarin moko kuya." Nakuha bigla ang atensyon ko, dahil narinig kong nagsalita si Teejay. Nag i-sleep talk sya.


"Kuya..Sorry." Puro kuya ang bukambibig nya, Teka? May kuya sya? Pero bakit wala akong nakikitang ibang lalake dito..









"Shhh." Tinapik-tapik ko sya, para tumigil na sya sa pag i-sleep talk, mahirap na baka mabangungot sya ng tuluyan, sayang naman mababawasan ang mga gwapo sa mundo.




Pinagmasdan ko sya, Mukhang malungkot sya eh. Napa kabait ng mukha pag tulog.


He's so cute when he is sleeping, sana lagi nalang syang tulog. Para kasi syang tigre kapag gising eh. Baka matunaw na sya sa wagas na pagtitig ko. Sigurado ako na babalik na yan sa pagiging monster pagkagising nya.



Lumabas nako ng kwarto, para magtrabaho na, yung palang bilin ni Manang, kailangan kong mamalengke ngayon.




Yun kasi ang sabi nya kagabe, nasa kin nadin naman yung pera tsaka yung mga kailangan bilhin.



Nag tootbrush muna ko tsaka nagtimpla ng milo tsaka kumain ng konting tinapay, tsaka ako nagpalit ng suot..




At pagkatapos nun lumabas nako ng bahay para mamalengke na..



"Ang sabi ni Manang isang sakay lang daw ng jeep mula dito papunta ng palengke." nagpaturo talaga ako, dahil nga sa di ko pa naman kabisado dito. Wala naman daw akong kaligaw dahil malapit lang daw yun.





***


Teejay's POV




"Oi Teejay gising na! Gising!" sabi ni Manang, habang inaalog alog ako.



"Manang naman eh, gusto ko pang matulog! Ang aga-aga pa." inis na sabi ko, ayaw ko pang tumayo dahil masakit pa ulo ko..




"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka, napaka batugan mo!"




Naramdaman kong binagsak nya yung pintuan umalis na siguro sya.. Buti naman.




Naramdaman ko nalang bigla na bakit parang ang tigas at ang liit ng kama ko. At bakit iba ang aura, parang hindi ko naman to kwarto ah.

Minulat ko ang mga mata ko. Then narealize ko na hindi ko nga pala ito kwarto.




Napatayo ako at biglang nawala ang pagkaantok ko sa aking nakita. Teka kwarto to ni shrimp bakit ako andito?




Umupo muna ko saglit at hinawakan ang aking ulo para alalahanin yung mga nangyari kagabi kung bakit nga ako napadpad sa kwarto ni shrimp.




- Flashback -



"Alam mo ayos kana sana eh, hot and sexy ka sana kaso yang mukha mo ang problema," sabi ko habang pilit na lumalapit sakanya.




"Umalis ka nga sabi eh!". sigaw nya tapos. tapos. Wala nakong maaalala sa susunod pang nangyari!




Hindi kaya may nangyari saming dalawa ni Shrimp? No way!




Si Mr. Delinquent At Ang Probinsyanang Hipon (Not So Perfect Match)Where stories live. Discover now