Chapter 4

11.5K 242 8
                                    

Chapter 4




"Oi shrimp! Labhan mu tong mga to ha! Gusto ko paputiin mo to ng husto, pati nadin to! Ito din! Lahat ng yan!." sabi ng Teejay na to habang pinaghahagis sakin yung mga damit nya na gabundok sa dami.






Pagkakita ko sa mga damit nya, parang gusto ko ng mag collapse dahil sa sobrang dami ng mga ito. Talagang pinapahirapan siguro talaga ako ng lalakeng to, tulad nga ng sabi nya, gagawa daw sya ng paraan para umalis ako dito, pero sorry nalang sya never kong gagawin yun.




"Sigurado ka lahat ng yan?" tanong ko habang nakaturo dun sa mga marurumi nyang damit.





Hinila nya yung isang upuan tapos umupo sya doon ng pabaligtad, nakabukaka sya tapos nakaharap sya dun sa sandalan ng upuan.




"Malamang!" sarcastic na sabi nya tapos inismid nya ko.




Napaka antipatiko talaga.




"Oo na po, bigay mo muna yung 500 pesos ko." sabi ko tsaka ko pumalad sakanya..



"Nagastos ko na. 'Wag kang mag alala mababayad din yun! Bilisan mu nga jan, wag kang babagal bagal! Hindi porke close kayo ni Manang, eh tatamad tamad kana, paka tandaan mo ako parin ang boss mo dito!"





Ayaw nya pading ibigay yung limang daan ko.. Ang bastos nyang magsalita. Kulang ito ng love and attention kaya sya siguro ganito. Napaka ugaling kalye nya eh. Wala syang good manners and right conduct.




"Oo na!" sabi ko tsaka ko pinagpupulot yung mga maruruming damit na pinaghahagis nya, sobrang dami talaga. Di bale, sigurado akong magagalit si Manang Cecilia pag nalaman nya to.



"Nasan pala si Manang?" tanong ko habang nagpupulot parin ng mga damit.



"Nasa ilong ko, nagkakape." pabalang nya ulit na sabi.



Napaka walang kwentang kausap.



"Nagtatanong po ako ng maayos, pwede bang sumagot ka din ng maayos?"




"Wala sya, Nagsimba! at tsaka yung paraan ng pagsasalita mo dapat hindi ganyan, wala kang galang sa boss mo, magsimula ngayon tatawagin mo ko lagi ng master ok? Ayoko ng sir lang, nagkakaintindihan ba tayo??"



Karapat dapat ba syang galangin eh napaka antipatiko nya?




"Opo master." sabi ko nalang para wala ng usapan.. Now I know tama nga yung sinasabi ni Manang, kaya siguro walang nagtatagal na katulong dito, dahil sa bwisit na to..


"Good." sabi nya, tumayo nako, lalabas na sana ako para maglaba, pero bigla nya ulit akong tinawag.




"Oy! sandali lang shrimpy!"



Kanina shrimp, tapos ngayon shrimpy naman. Kakainis talaga. Buti talaga mahaba ang pasensya ko, at hahabaan ko talaga dahil alam ko na may worst pa syang gagawin sa akin..




Humarap ako sakanya. "Yes, bakit master?" sabi ko ng nakangiti, talagang pinipilit kong ngumiti, para mainis sya. Akala nya matitinag ako sakanya ah.



"Pagtimpla mo muna ko ng kape." sabi nya na parang hari kung makapag utos, nagkakape din pala ang mga ganitong klasing tao.




Binaba ko yung mga labahan.




"Sige, anong gusto nyo master may creamer o wala?"

"Wala," Aniya, kaya dali dali ko naman syang pinagtimpla.




Si Mr. Delinquent At Ang Probinsyanang Hipon (Not So Perfect Match)Where stories live. Discover now