Chapter 2 : Ang Bonsai

114 4 0
                                    

Nung bata pa ako. Natira ako sa bahay ng lolo ko. Bakasyon na kasi ng time na yun.Malawak ang lupain doon. Lalo na ang bahay sa dami nila magkakapatid. Maraming kwarto. Malaki ang bahay. Ang bunsong kapatid ni lolo na si lola reng ay mahilig mag alaga ng halaman. Marami syang samut saring mga bulaklak. Most specially mga herbs. Pero may isang tanim sya na hinding hindi namin talaga gusto at hindi namin mawari kung bakit. Nakalagay ito mismo sa loob ng bahay nila lolo.

Isang hapon nakita ko si lola reng na pinasok ang isang bonsai. Kinuha niya sa labas sapagkat tapos na raw iyon paarawan sa buong maghapon.

"hi lola reng.." sabay ngiti ko.

"oh hija! Kumusta.. Nag meryenda ka na ba?"

"opo. Salamat po.kayo po?...ay lola,ano ho yang hawak niyo na bonsai? Ano pong tawag sa halaman na yan?..curious kong tanong.

" ah..eto? Balete to.." habang nakangiti saakin.

"po? Hindi ho ba ano..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko sapagkat pinutol niya.

"nakuuuuw,hindi naman nakakatakot to. Maliit pa to sayo.." Sabay talikod sakin at nilapag ang bonsai sa sala.

Napatingin nalang ako sa bonsai. Hmmm..kaya naman pala iba pakiramdam ko. Hindi ko gusto.. Biglang nagring ang telepono nila lolo. Sinagot ko na lamang iyon.

"hello po?"..

"hello, Anne.. Anak..

"ma,musta po. Napatawag po kayo?...

"ayy..gusto ko lang ipaalam sana na darating kami dyan bukas ng umaga. Wala na namang pasok sa center kaya naisipan ko na sumunod sainyo dyan.."

Tuwang tuwa ako marinig na makakasunod si mama. 1 taon palang nakakalipas ng mamatay ang papa ko dahil sa atake sa puso..

........

Kinagabihan. Tulog na ang lahat. Habang ako hindi pa dalawin ng antok. (Namamahay ata ako,yung naninibago dahil hindi ako sa sariling bahay natutulog?) Naisipan ko na pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Sobrang dilim sa pasilyo ng bahay. Ang hawak ko naman na flashlight ay kulay dilaw ang bombilya kaya hindi pa masyadong maliwanag.(mga sinaunang klase ng flashlight,di tulad ngayon na led lights na at puti na ang kulay)

Papaliko na ako sa kusina ng may maaninag ako sa sala na anino. Animoy parang may nakaupo. Tinutok ko ang flashlight ko. Wala naman. Ang nakita ko lamang sa tabi ng upuan ay yung bonsai. Naisip ko, ang weird naman. Di pa naman ako inaantok. Dumiretso na agad ako sa kusina at uminom ng tubig.

Pabalik na ako sa kwarto ng mapadaan uli ako sa sala. This time..nakita ko yung anino na parang tumakbo papuntang likod ng telebisyon. Tinutok ko ang flashlight. Pero wala na naman. Dahan dahan akong tumalikod at mabilis na naglakad papuntang kwarto. Ngunit habang naglalakad ako, pakiramdam ko may sumusunod sakin. Rinig ko mga yabag ng paa na papalapit sakin. Mabilis akong tumakbo papuntang kwarto sabay sara ng pintuan.

Umaga na ako ng makatulog dahil sa pangyayari. Alas otso na ng umaga ng magising ako at nakita ko mama ko na nag aayos ng damit nya.

"ohhh,late ka nanaman siguro natulog kagabi no?" nakangiting sabi ni mama.

Napayakap ako bigla sakanya. Naalala ko nanaman kasi yung nangyari kagabi ngunit minabuti kong wag nalang ikwento baka sabihin pa niya na imagination ko lang yun. Pero alam ko sa sarili ko kung ano talaga mga nakita ko.

Dumaan ang buong araw na nasa kwarto lamang ako habang nagbabasa ng libro galing sa collection ng lolo ko na mga libro. (may mini library kasi sila)
Narinig ko sila mama at lola reng na nag uusap.

" auntie reng hindi raw ho talaga maganda na ipapasok ang bonsai na yan sa bahay.." rinig kong sabi ni mama.

"nakuuuuw nagpapaniwala kayo sa mga sabi sabi eh wala naman nangyayaring kakaiba kapag pinapasok ko yan." diin na wika ni lola reng kay mama.

Kwento Ni Nanay Vol. IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon