Ang Sumilip sa Bintana

96 4 0
                                    

Mahilig ka ba magising ng alanganin na oras? Or yung tinatawag nila na wee hour? Devils hour? Kadalasan nagigising ako ng mga 2:53 am or exact 3:00 am.

May isang insidente na hinding hindi ko talaga makakalimutan. Mag pa hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong klaseng nilalang yung sumilip sa bintana nang kwarto ko ng gabing iyon.

Nakaugalian ko na ang magising ng madaling araw para magbanyo. Kahit pa sabihing " umihi ka muna bago matulog " nakaprogram na sa system ko ang magising ng alas tres.

One time, kasama ko sa kwarto mama ko at pinsan ko. Nakalimutan ko kung anong okasyon yun basta alam ko puno mga kwarto namin dahil may mga bisita kami.

Nagising ako ng alas tres singko. That time nagkaroon ako ng pakiramdam na ayoko tumingin sa bintana. Yung feeling na baka may makita ka kapag tumingin ka..(note na hindi ako matatakutin na tao, ugali ko rin icheck mga locks or even sumilip sa bintana para mainspect lahat) pero iba ng time na yun. Ayoko talaga tumingin.

Dumeretso ako sa c.r... After ko umihi nadaanan ko pa insan ko na nakatalukbong. Sa isip ko ang init init nga eh kaya naisipan namin na buksan ang bintana tutal may grills naman yon.

"pssst! Hindi ka iniinitan?".. Kinalabit ko sya at diretsong pumunta sa higaan ko.

"may nakasilip ate sa bintana..kita mo? Tanong pa niya.

"ayoko tumingin. Baka ano makita ko. Matulog nalang uli tayo.." sagot ko sakaniya.

Nakahiga na ako. Pero hindi ako mapakali kung ano ba itsura ng nakasilip. Imposibleng tao dahil nasa 3rd floor kami. Walang matutungtungan para masilip kami. Nagdesisyon ako na lingunin ang nasa bintana. Pero nagkamali ata ako dahil pagtingin ko.. Nakatitig rin ito sakin..

Mahaba ang mga kamay. Mabalahibo lahat ng katawan. Mukhang unggoy pero mahahaba rin ang mga paa nito. Maitim ang mukha. Ang mata naman ay malalaki. Nakangiti pa ito. Ang mga ipin ay kasing tulis ng mga palaso.

Napabalikwas ako ng bangon sabay sindi ng ilaw. Ngunit naglaho ito na parang bula. Napamulat ang mata ng mama ko at waring nagtatanong kung napano ako. Napatingin ako sa pinsan ko na nakatingin rin sa may bintana at nagtalukbong uli ng kumot.

Naisipan ko nalang na isara ang bintana. After ko noon pinatay ko nalang uli ang ilaw para bumalik sa pagkakatulog.
As if makakabalik ako sa tulog. Kaya minabuti ko nalang na magdasal. Maaga ako nagising kinabukasan. Nang mga sumunod na gabi wala na ring ganung insidente na nangyari kahit pa nakabukas ang bintana.







Ano kaya sa tingin nyo nakita ko? Comment down below your idea.. And please don't forget to hit the star..

Kwento Ni Nanay Vol. IIWhere stories live. Discover now