Chapter 3 : Rocking Chair

86 3 0
                                    

Hindi ko alam pero magpahanggang ngayon ayoko na umupo sa rocking chair. May masamang alala ala kasi ako. Naalala ko kasi nung habang nagbabakasyon ako sa bahay ng kapatid ni lolo meron silang rocking chair.. Nasa labas un ng terrace nila. Ang bahay nila ilang kilometro lamang ang layo mula sa entrance ng sementeryo. Buti nga entrance lang pero di ba nakakatakot pa rin. Kapag may ililibing makikita mo talaga pagpasok ng mga tao.

Tapos every night after 3 days mula ng ilibing yung patay lahat ng mga aso sa lugar nagsisitahulan at umaalulong sa labas ng sementeryo. Di ba nakakatakot?

Kaya noong isang beses na umupo ako sa rocking chair nila sinabihan na ako mismo ng isang kapatid pa ni lolo na huwag uupo ng gabi roon. Lalo na at mag isa lamang raw ako sa labas. Baka may iba raw na yumugyog ng upuan. Syempre bilang makulit na bata at curious itatry ko naman yun. (wala pa yung bonsai noon hehe)

Anyways, nung hinihintay ko yung bunsong kapatid ni lolo na galing shop. Gabi na yun. Napaupo ako sa rocking chair sa labas. Sakto may bagong nailibing sa sementeryo ng hapon roon.

Dahan dahan kong inuyog ang rockong chair. Mahina lamang iyon.. Habang inip na inip sa kapatid ni lolo. Nangako kasi yun na bibilhan ako ng bagong tsinelas kapag nakadaan siya sa bayan.

Napahinto ako sa pag uyog ng maramdaman ko na kusang gumagalaw ang upuan.

NOOOOooo! Sigaw ng isip ko. Hindi to nangyayari. Gumagalaw mag isa ang upuan!.. Kinalma ko ang sarili ko at pilit hinihinto ang pag uyog ng biglang maramdaman ko na lumakas ang pag uyog dahilan para mapaupo ako ng maigi sa rocking chair. Habang napakapit ako sa armchair nito. Sobrang higpit ng kapit ko sapagkat sobrang lakas ng paggalaw ng upuan.. Inuulit ko. Kusa na itong gumagalaw. Nakapikit na ako na nagdadasal na huminto na ang paggalaw. Tumagal ito ng halos 5 minuto.. At naiiyak na ako. Gusto ko na sana lumukso peeo hindi ko magawa. Sa bilis ng uyog para kang hihilahin na umupo sa rocking chair..

"bakit mag isa ka lang dyan?" tanong ng katulong namin..

Napamulat ako at biglang unti unting huminto ang paggalaw ng upuan. Napalukso ako bigla at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Naiiyak akong nagkwento sa katulong nila lolo.

Sinabi niya sakin na huwag ng uulitin sapagkat mapapagalitan siya ni lolo. Wala akong nagawa kundi ang mangako na hindi na uulitin ang kakulitan ko. Kaya everytime na nagbabakasyon ako kina lolo hindi na ako umuupo ron lalo na kapag gabi..








Sorrrrrrry! Maiksi lang sya ngayon. Wala ako sa mood magsulat hehehe. Ginawa ko lang to for update. Nga pala ingat kayo lahat ahhh.. Sana matapos na tong pinagdaraanan ng bansa natin. Ang laki ng perwisyo naidulot ni covid-19...

........
Bawi nalang ako sa susunod ko kwento.. Pero sana vote nyo pa rin ako.. Para naman dagdag inspiration..😉 😘

Kwento Ni Nanay Vol. IIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt