BOARDING HOUSE PART 2 (Cabinet)

26 1 0
                                    


Unedited.
No proofreading.

Ayun. Remember nung nagpatawas kami ng pamangkin ng landlady namin? So ito yung nangyari..

Meron kasing isang medium size na cabinet katapat mismo ng hagdanan. Tapos nakalock siya. Di ko alam anong laman eh. Ang sabi nila parang mga old stuff.

Then sa part kung nasaan ang cabinet walang ilaw. Hindi ko alam why. Well siguro dahil nga hindi na ginagamit ang laman kaya ganon. So yung unang kwarto ko madadaanan mo talaga yun. Malapit kasi ito sa pintuan.

One day, saturday ata yun pero hindi ako nakauwi. Tapos ang mga bata naglalaro. Nagulat ako kung ano yung kumalabog. Yun pala hinampas ng malakas yung cabinet ng anak ni ate nimps. So napalabas ako nakita ko may sinisilip sa loob ng siwang ng cabinet. May tinuturo. Dedma naman ako tinawag ko lang si ate nimps.. 2yrs old yung anak nya.

Kinagabihan, inaapoy na ng lagnat ang anak ni ate nimps. Habang may tinuturo sa labas ng pintuan. Ang kwento sakin ni ate nimps na takot na takot daw si carim. Umiiyak at nagtatago sa kung ano man ang nasa pinto.

Pero hindi ko ipagkakaila na sa bawat pagdaan ko sa cabinet na yun iba talaga pakiramdam ko. Tila may nagmamatyag sayo? May nakatingin? So that night na may tinuturo si carim na malapit sa pinto iba pakimramdam ko ng gabi na yun. Ayaw ko tumingin sa likod ko. [alam mo yung feeling na may makikita ka? Ganun ]

So hanggang sa nagkayayaan na kami magpatawas. Pumunta kami ng albularyo.. Yung matandang babae sabi agad samin na may nakatira sa cabinet. [so, hello wala samin nagsasabi na may issue kami sa cabinet. Kaya super gulat talaga kami]
Ayun nga tinawas na si carim. Ang ginawa nila na pagtawas hindi kandila kundi puting plato at pina apuyan ng kandila hanggang sa iitim yung plato. 

Ayoko sana aminin pero matapos nya gawin yung ritwal makikita mo yung itsura nung nakatira daw sa cabinet. "impakto"  yun ang mahinang paglahad ng matandang babae.
Nakalimutan ko kung nagtanong ba kami sa matandang babae kung papano mapapalayas ung "impakto" sa loob ng cabinet basta the next thing na ginawa sa cabinet pinausukan ng insenso eh.. Tapos yun na ung nangyari samin na pag open ng cabinet parang yung ramdam mo na may lumabas? Malamig na hangin na parang tumakbo papalayo?

Yun na nga usap usapan after non kung saang kwarto sya pumasok or tuluyan na nga ba talaga umalis yung impakto...

ABANGAN..











Sorry! Matagal akong nag update tapos maikli pa. Sobrang busy lang po talaga ako sa trabaho. Isiningit ko lng sa schedule ko. OT nalang ako parati 😭 hope naintindihan nyo.. BABAWI ako pramis! 😘 thank You sa pagttyaga sakin!

Kwento Ni Nanay Vol. IIWhere stories live. Discover now