Chapter 6 Haunted Apartment(from vol.1)

32 3 0
                                    

Noong grade 3 palang ako. Lagi kami bumibisita sa apartment ni Auntie Salome. We stayed for almost a week. Pero last visit namin doon ang pinaka unforgettable.

Undas ng makapunta kami don. Sakto ang pinsan ko ay sumama sa pagvisit nila sa mga yumao naming kamag anak sa sementeryo. Magkakasama sila lahat. Bakit hindi ako sumama? Kasi yung isa ko pang pinsan sana kasama ko sa bahay. Ang kaso tinawagan ng boyfriend at sinama pagvisit sa kamag anak rin ni Bf. So ayun naiwan ako.

Sakto ng time na yun sabado. Uso pa noon ang magandang gabi bayan. Wala naman kaso kung manood ako mag isa. Actually hindi ako matatakutin. Pero iba ang vibes ng araw na yun sa apartment nila auntie. Hindi ko maipaliwanag pero yung pakiramdam na ayaw mo tumingin sa isang lugar dahil baka may makita ka na kung ano? Ganun ang pakiramdam. Lagi naman kami bumibisita doon pero sabi ko nga iba yung araw na yun. May something sa hagdan na hindi ko maipaliwanag. Fan rin si auntie ng lampshade. Kaya bawat sulok ng bahay meron noon. Yung pinaka main na ilaw ay sa sala ko lang binuksan. Kaya yung papuntang kusina at yung papuntang hagdan lampshade lang nakaswitch on. Tutal ako lang naman mag isa.

Nagdesisyon ako na matulog muna saglit sa may sofa. Tutal 2pm palang naman. Nagising ako ng 5pm. Shet! Napasarap ang tulog ko. Hindi pa rin ako nakakapagtanghalian. Kaya pumunta ako ng kusina. Nadaanan ko ang hagdan. Ano yun?! Wika ko sa sarili ko. Para kasing may anino na nagmadaling umakyat. Hindi. Wala yun. Gutom lang to..pagkumbinsi ko sa sarili ko. Dumeretso na ako sa kusina. Bago sila umalis nag iwan sila ng makakain. Kumuha lang ako ng makakain at bumalik na sa sala. Binuksan ang tv at nanood. Maya maya pa ay mag uumpisa na ang magandang gabi bayan. Nag ring ang telepono nila auntie.

"Hello?.." nag iisip kung sino ang tumatawag kina auntie.

"Blossooooom! Okay ka lang ba dyan? (Ang pinsan ko lang pala) Sabi kasi ni Josh na dadaan kami saglit sa bahay nila. Dun daw kami magdinner. So baka matagalan pa kami. Pasensya na ah?.." parang naiimagine ko ang mukha nya na nagpapaawa.

" oks lang...pero sana wag ka masyadong magpalate ng uwi. Mag isa lang ako dito..." umaasang sana makauwi sya ng maaga.

"Pramis!pramis!wag mo sasabihin kay mama ah? (Hindi kasi sya nagpaalam kay Auntie).

"Basta umuwi ka ng maaga...."pakiusap ko uli.

Natapos na ang pag uusap namin saka pa lamang ako nakapagconcentrate sa panonood ng Magandang Gabi Bayan. Ang cool talaga ni kabayan magsalita.... tutuk na tutok ang mata ko sa TV ng biglang may kumalabog sa taas.

"Ay pusaaaa!" Nagulat kong sabi.

Ano ba yun? Napasulyap ako sa hagdan. Hindi ko maipaliwanag bakit nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Dumagdag pa ang background music ng pinanonood ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako ganito dati. Bakit ba? Ano bang nasa taas na wala naman tao. Habang kinakausap ko sarili ko biglang isang malakas na kalabog nanaman uli ang narinig ko. Pero this time may kasama na itong mga footsteps... Hindi ako nakagalaw. Hindi sa takot ako sa multo. Pero what if may nakapasok na sa apartment. Magnanakaw?

Lakas loob akong umakyat. Hawak ko ang baseball bat ni Uncle. Paakyat na ako. At binuksan ang mga ilaw. Hindi kasi sapat para sakin ang ilaw na nagmumula sa lampshade. Nasa hallway na ako. Una kong binuksan ang kwarto nila auntie. Pero wala.  Sunod kong binuksan ang kwarto ng pinsan ko. Wala rin. Naghintay pa ako saglit baka sakali kako na nagtatago lang kung saan ang mokong.. matagal. Tunog na tv lamang ang naririnig ko. Nasa may tapat na ako ng hagdan nakatayo. Habang pinakikiramdaman pa rin ang inaakala kong nanloob. Nang bigla na lamang may bumulong sa tenga ko. Na ikinatakbo ko ng mabilis pababa. Nasa sala na ako ngayon. Sinusuri ang nangyari.. Hindi ako pwede magpadala lamang sa takot.

Una sa lahat. Walang tao. Wala akong nakitang tumabi sakin para bumulong sa tenga ko. Sino ba naman hindi kukuripas ng takbo sa gulat? Nakatayo ako at habang nakikiramdam isang mahina na "hoooooy!" pero halatang malapit sa tenga ko kasi merong malamig na hininga ang naramdaman ng tenga ko.

Habang kinakalma ang sarili ko. Biglang nawalan ng ilaw. Anak ng teteng naman.. bakit ngayon pa? Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Habang pakapa na naglalakad para kumuha ng flashlight naramdaman ko na parang may pababa sa hagdan. Napaatras ako. Dahan dahan.Ingat na ingat sa pag atras. Narating ko ang likod ng pintuan. Halos wala ako makita.

Naririnig ko na mabibigat na paa ang humahakbang pababa sa hagdanan. Lord...ano pong gagawin ko? Kinakalma ko ang sarili ko para naman makaisip ako ng diretso. "Wheeeeew!,kalma...kalmaaaa"...sabi ko sa sarili ko.

Bigla ko narinig ang paggalaw ng windchime. Hindi ako nakakilos. May nakasabit kasi na windchime sa pagbaba mismo ng hagdan. Meaning, nakababa na kung anuman yong naglalakad pababa.
Hinahanap ko ang lock ng pinto para buksan. Sa wakas na unlock ko na nga yung parang kadenang nakakabit sa pinto.

Plaaaaak! Plaaaaaaak!plaaaaaaak!... rinig na rinig ko ang paglakad nito sa tiles ng sahig. Mahina na biglang pabilis ng pabilis ito na parang patakbo na ito palapit sakin. Isang malamig na hangin ang humampas sa katawan ko. Dali dali kong binuksan ang pintuan at nagtatakbo papuntang gate. Wala akong pakialam sa nilalakaran ko. Kahit hindi ko nakikita awtomatikong gumagalaw ang aking mga paa. Hindi ko alam kung ano yung nasa apartment. Isa lang alam ko,kailangan ko makalabas.

Nakalabas ako ng gate. At muling sinara ito. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng apartment. Wala akong pakialam kung mahabang oras ako maghintay basta hindi ako babalik don hanggat wala pa sina auntie. Halos parang ayoko na bumalik pa.

Isang oras akong naghintay sakanila. Nauna dumating sina mama,auntie at isa kong pinsan.Maya maya pa dumating na rin ang isa ko pang pinsan na kasama ang Bf. Tinanong kung bakit ako nasa labas. Nasa loob na kami ng garahe ng ikwento ko lahat ng nangyari. Parang nakakalokong saka rin bumalik ang kuryente.

Hindi makapagsalita ang auntie ko. Tinawagan niya ang Uncle ko. Pinacheck ang buong bahay pero walang tao. Maliban sa bukas na TV. Alam kong naniwala sila sakin kasi alam nila na hindi ako ganon magreact sa mga bagay dahil sa totoo lang hindi ako matatakutin.

Kinabukasan, pumunta kami sa may ari ng bahay. Nagkakwentuhan samantalang kami ay nakikinig lamang. Humihingi ng pasensya ang may ari kung hindi niya nabanggit ang kwento ng apartment. Merong mag asawa na namatay don. Sabi pinatay ng lalaki ang babae. Matapos yon nagpakamatay rin yung lalaki. Meron rin na nagrent doon na weird. Kasi kapag madaling araw naririnig nila na parang nagseseremonyas at bago makalipat sina auntie doon meron silang nakitang pentagram sa sahig pero pinalagyan na lamang ng tiles ang sahig para matakpan.

Umamin rin si auntie at ang aking pinsan na nakaranas na rin sila ng hindi maipaliwanag. Ngunit, ang karanasan ko ang pinakamalala sabi nila.
Biglang bukas ng ilaw at bukas ng tubig sa cr lang naranasan nila. Meron rin na mga bagay na nawawala at bigla na lamang babalik sa pinaglagyan. Hindi nila nakwento sakin ng gabing iyon sapagkat ayaw nila na mas lalong madagdagan ang nararamdaman kong pangamba.

Pinablessed nila auntie ang apartment nila. Pero after 1 month nabalitaan nalang namin na lilipat na sila ng bahay. At hindi sinabi ang dahilan....

A/N: hi guys! So sorry kung hindi ako nakaupdate agad.

For the meantime pwede niyo icheck yung iba kong work... Every other day ko po yun na uupdate.

* Kwento ni Nanay vol.1
* Inspirational Stories

Kwento Ni Nanay Vol. IIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora