Prologue

5.8K 83 5
                                    

(A/N: Bunga ng pagkabagot. Haha. Ang story na 'to ay para sa may birthday ngayon, November 3. Tungkol sa kanya ang story na ito. Short story lang 'to. Mga 5 chapters lang. Enjoy reading guyz!!! ^___^)

DATE POSTED: November 3, 2012

 ***

Prologue

Akala ko, parati siyang nandiyan. Akala ko, hindi niya ako iiwan. Akala ako, ako lang ang mamahalin niya. Akala ko, ako lang ang lalaki ng buhay niya.

Pero lahat ng iyan, akala ko lang.

Sabi nga nila, nakakamatay daw ang maling akala.

Isa pang sikat na linya, hangga't hawak mo, ingatan mo. Dahil malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito sa'yo.

Pero gago kasi ako. Tanga ako. Masyado akong bilib sa sarili ko.

Nakalimutan ko, tao lang pala ako. At tao lang din ang babaeng nagmamahal sa akin.

Isang taong may karapatang mapagod, magpahinga, makalimot, makapag bagong buhay, magmahal ng iba.

Isang taong hindi dapat pinaglalaruan at pinagsasamantalahan.

Isang taong dapat ay inaalagaan.

Pero tanga nga kasi ako, hindi ko ginawa ang mga bagay na dapat ay ginawa ko.

At dahil sa katangahan kong iyon, nawala siya. Sumuko siya. Nagmahal siya ng iba.

Paano na ako magiging masaya? Kung ang nag-iisang babaeng mahal ko ay nasa piling na ng iba?

Isang tanong na ilang taon nang bumabalot sa sarili, isip, at kaluluwa ko.

Alam ko paulit-ulit na. Wala na akong karapatang humiling pa. Pero, magtatanong ulit ako. 

Maibabalik pa kaya niya? Sa kabila ng lahat ng nagawa ko, mamahalin pa rin ba niya ako? Muli, sa isa pang pagkakataon? 

Can't You Love Me Again? [Short Story]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora