EPILOGUE [1]

2K 55 8
                                    

Note: Guys! Halloo! Eto na po ang ending ng story ko. Pero part one palang po ito ng ending. Yung part 2 po ay ipopost ko kapag nagkaroon na ako ng time ulit. :) Maraming salamat po! Enjoy reading! XD

***

Can't You Love Me Again?

ShortStory by PollyNomial 

***

EPILOGUE (part 1)

 

 © HAZELLE AGONCILLO ©

Matapos ang prom night ay official nang naging kami ni Ross. He introduced me to his friends as his girlfriend. I was so happy nung sabihin niya na ako na daw ang huling babaeng ipapakilala niya sa mga ito. Sino ba namang hindi sasaya hindi ba? Sabihin ba naman iyon ng lalaking mahal mo sa mga kaibigan niya at sa harap mo pa. At dahil sa ginawang yan ni Ross, mas lalo ko siyang minamahal.

Ipinakilala rin ako si Ross sa parents niya. They were happy daw na malamang ako ang girlfriend ng anak nila. They said that they like me for their son. Matagal na rin kasing magkakilala ang mga magulang namin ni Ross kaya natanggap nila ako kaagad. They also said na sana hanggang sa huli daw ay kami parin dalawa.

Nalaman ko pa sa mga magulang ni Ross na ako daw ang dahilan kung bakit ito nagbago. A few weeks bago maging kami, sobrang laki daw ng pinagbago ng anak nila. Ross was studying hard. He’s making everything para lang makabawi sa mga mababa niyang grades at para maka-graduate. Unti-unti na rin daw silang nagkakaron ng closure. Nagba-bonding na ang pamilya nila na dati ay hindi naman. Nag-oopen up na rin daw si Ross ng mga problema nito. And I can’t help but laugh nang malaman kong ang problema nito ay kung paano siya aamin sa akin na mahal niya ako.

At sa wakas! Napakita ko na rin kay Ross ang ilang notebook ko na madalas kong sulatan noon ng nararamdaman ko para sa kanya.

“Ano ‘to?” tanong niya sa akin  nung iabot ko sa kanya ang pitong notebook na hawak ko. “Wait… I already saw this one.” Pinakita niya sa akin ang pinaka-recent na notebook na sinulatan ko.

“Ano bang nakasulat dito? Ba’t mo binigay sa akin ‘to.”

“See it for yourself.” Yun nalang ang sinabi ko sa kanya. Gusto ko kasi siyang ma-surprise sa makikita niya.

Tiningnan niya isa isa ang notebook. At kitang kita ko sa muka niya ang saya habang binabasa niya ang nakalagay doon.

“I love you so much, Ross… I love you so much, Ross… I love you so much, Ross…” tumingin siya sa akin. “Puro ‘I love so much, Ross’ ang nakalagay dito? Eto ang pinakakaabalahan mo every time na makikita kitang nagsusulat noon?”

“Yes.” Ngumiti ako sa kanya at saka yumuko. Nahiya nalang kasi ako bigla.

“H-hazelle. God! I love you so much. Mahal na mahal din kita alam mo ba yun? All these years, ikaw lang ang minahal ko.” madiin niyang hinalikan ang labi ko at saka ako yinakap ng mahigpit.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Where stories live. Discover now