FIVE//

1.7K 47 5
                                    

CAN'T YOU LOVE ME AGAIN?

Short Story by PollyNomial

 

 

 

CHAPTER FIVE

February 14, 2011

Valentine’s Day

Senior Prom

 

© HAZELLE AGONCILLO ©          

 

“Hazelle, anak, handa ka na ba?” narinig ko ang nanay ko mula sa pintuan. Kumatok siya at binuksan ko iyon. “Anak, hinihintay ka na niya sa baba.”

 

“Opo, Ma. Patapos na po ako.” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Maayos ang itsura ko. Ibang iba sa Hazelle na madalas makita ng ibang tao. Naka-make up ako. Maayos rin ang pagkakagawa sa buhok ko. Nakasuot ako ng baby pink na dress at may mga alahas rin na nakasuot sa akin.

                                                        

“Ang ganda naman talaga ng anak ko.” nakangiting sabi ni Mama. “Halika na at baka mainip pa ang kadate mo.”

“Sige po.” Ngumiti rin ako sa kanya. Tumayo na ako at kinuha ang maliit na purse sa nakapatong sa kama ko.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko ang lalaking makakasama ko sa gabing ito.

Napakagwapo niya. Siya pa rin talaga ang lalaking tinitibok ng puso ko. Kahit ilang taon na ang nakakaraan, siya pa rin talaga.

“You look gorgeous tonight Hazelle.” Inilahad niya ang isang kamay sa akin.

“Thank you, Ross…”

Ngumiti ako sa kanya. Hindi na ako kinakabahan ngayon. Wala na rin ang takot sa dibdib ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay masaya akong makita na siya ang lalaking nasa harap ko ngayon.

---

© PAOLO CRISTOBAL ©

Papunta ako sa bahay nila Hazelle ngayon.

Maghapong hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Excited ako ngayong araw na ‘to. Kanina nakapagdesisyon na ako.

Tonight, I’m going to confess my feelings for her.

Narealize ko na na hindi ako dapat maduwag. Dahil sa pag-ibig, talo ka kung duwag ka.  Ipaglalaban ko na ang pagmamahal ko kay Hazelle. Naniniwala ako sa sarili ko na mas higit ang nararamdaman kong ito kesa nung kay Ross.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Where stories live. Discover now