SIX//

1.9K 51 7
                                    

CAN'T YOU LOVE ME AGAIN?

Short Story by PollyNomial

 CHAPTER SIX

 

Senior Prom

 

< HAZELLE AGONCILLO >

Kararating lang namin ni Ross sa Senior Prom namin.

Halos lahat ng mga estuyante ay nakaupo na sa kanikanilang mga table. Ang iba naman ay mga nag-uusap, nagtatawanan at kung anu ano pa.

Magaganda at gwapo ang lahat ng nandito ngayon. Talagang pinaghandaan ang okasyong ito. Eto na kasi ang pangalawa huling pagsasama-sama ng mga seniors sa taon na ito, ang huli ay ang graduation namin.

Kitang kita rin kung paano pinaghandaan ng school ang selebrasyong ito. Talagang sinigurado nito na magiging memorable sa bawat estudyante ito.

Malaki ang venue. Sa hotel kasi ito. Worth it naman ang binayad ng mga estudyante. Maganda ang lugar at malaki rin ang dance floor. Siguradong hindi magsisiksikan kung sakaling lahat kami ay sumayaw.

“Hazelle, here’s your drink.” Umupo si Ross sa tabi ko at nilagay sa harap ko ang iced tea.

“Salamat.” Kinuha ko yun at ininom.

Tonight was the happiest day of my life. Ang saya saya ko dahil sa wakas ay naging kami rin ni Ross. Kanina habang nasa bahay pa kami ay inamin na niya ang feelings niya para sa akin. Nagulat ako at pati na rin si Mama at Papa. Umamin ba naman sa akin sa harap nila eh. Tinanggap ko naman agad siya. Ayoko na kasing magpaliguyligoy pa dahil matagal ko na rin namang hinihintay ang pagkakataon na ito. Baka mawala pa.

Sa harap nila Mama at Papa, inamin ko kay Ross kung gaano ko siya kamahal. At sinabi ko rin na sobrang tagal ko nang naghihintay kaya sobrang saya ko nun. Natawa pa nga ako kayla mama dahil pinagsabihan nila si Ross na bakit naman daw niya ako pinaghintay pa ng matagal.

Kanina sa bahay, pagkatapos umamin sa akin ni Ross ay kinausap siya nila Papa. Pinagsabihan siya ng parents ko na wag na wag niya akong paiiyakin. Ganun naman talaga ang parents diba. Over protective sa mga anak nila. Hindi ko na rin sila pinigilan na kausapin si Ross dahil pinagbigyan naman nila ako sa hiling ko. At yun ay pagpayag nila na sagutin ko na si Ross. Sinabi ko sa kanila na hindi na kailangan manligaw pa ni Ross sa akin dahil kahit gawin pa niya yun, sa huli ay iisa pa rin naman ang magiging sagot ko. At yun ay oo. Mahal ko si Ross kaya bakit kailangan patagalin pa?

Sinabi rin ni Ross sa kanila na wag mag-alala ang mga ito dahil kahit hindi naman niya ako niligawa, sisiguraduhin niyang araw-araw niya nalang gagawin yun.

Pagkatapos nun ay pinalabas ako ni papa. May mahalaga pa daw kasi silang sasabihin kay Ross kaya sinunod ko nalang sila.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Where stories live. Discover now