ONE//

2.8K 72 4
                                    

CAN'T YOU LOVE MAGAIN?

Short Story by PollyNomial

 

 

CHAPTER ONE

 

< ROSS ANGELES >

 

“Putek, pare! May assignment ka ba? Takte naman oh! Nakalimutan ko nanaman gumawa.” Naaasar na sabi ko kay Paolo nang makapasok ako ng classroom namin. Nagtinginan pa yung iba kong classmates. Mukhang nagulat sila sa inasta ko.

Hinagis ko yung bag ko sa upuan ko.

“’Lol, pare! Sinong niloko mo? Nakalimutan ka diyan. Ang sabihin mo, tinamad ka lang gawin yun.” sabi ni Paolo sa akin habang nakangisi.

“G*go! Oo na, tinamad nga ako. So ano na? Meron ka ba?”

 

“WALA! Ako pa tinanong mo eh kita mong magkadugtong lang ang mga bituka natin. Kung wala ka, mas lalo naman ako.”

“Lintik na! Panu na? Masi-zero na nanaman ako nito. Bwisit! Hayaan na nga.” Umupo na ako sa upuan ko at sinalampak ang ulo ko sa table. Yung paa ko naman nakataas sa upuan sa harap ko.

“Kelan ka pa naging concern na masi-zero ka?” nang-aasar na tanong niya sa akin.

Hindi ko nalang siya sinagot. Wala naman talaga akong pakialam kung ma-zero ako eh. Lagi namang ganun. Tamad kasi talaga ako at inaamin ko yun sa sarili ko.

“Pare, eh kung manghiram ka kaya ulit sa kanya?” mayamaya lang ay tanong sa akin ni Paolo.

“Kanino?”

 

“Kay Hazelle, kanino pa ba?” napataas ako ng ulo nang sabihin niya yun.

Oo nga naman. Bakit ko ba hindi naisip yun? Eh kay Hazelle naman talaga ako madalas kumopya ng assignments, seatworks at kung anu-ano pa.

Inayos ko ang sarili ko at tumayo para lapitan si Hazelle.

“Oh, san ka pupunta?” tanong sa akin ni Paolo.

“Kakasabi mo lang ‘di ba? Na kay Hazelle ako manghiram.”

 

“Ah. Sige, pare pagbutihan mo. Pahiram din ako ha.” Sabi niya sa akin habang nakangiti ng malawak.

“Maghanap ka ng mahihiraman mo!” umalis na ako at pumunta sa pwesto ni Hazelle.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon