Chapter 4- Meet the enemy?

799 206 105
                                    

Raven's POV

Kakatapos ko lang magsimba

Nandito ako ngayon sa bahay kasi Sunday ngayon at walang pasok.

"Raven, tulungan mo nga ako dito."

"Ano po yun Nay?"

Pansin ko, kanina pa balisa si Nanay Elie. Ano ba ang hinahanap nito? Parang nahihilo na ako sa kakatingin ko sa kanya eh. Lakad ng lakad tapos nagkakamot ng ulo.

"Nay, halika nga rito at titingnan ko yung ulo mo."

"Bakit naman Raven?" Tanong nya habang binubuksan ang refrigerator at patingin-tingin sa loob

"Baka po may kuto eh. Kanina pa kasi kayo kamot ng kamot dyan."

Biglang napatigil si Nanay at tumingin sa akin. "Yung ano kasi..."

"Ano po ba yun?"

"Nakita mo ba yung salamin ko sa mata? Kanina pa nawawala eh. 'Di ko mahanap."

Salamin sa mata? Eh bakit sa refrigerator sya naghahanap?

"Hay salamat, andito ka lang pala!" pagpapasalamat nya nung makita nya ang salaming kanina pa nyang hinahanap

Pero teka! Parang may mali

"Bakit nasa freezer ang salamin nyo Nay?" takang-taka kong tanong

"Ano ka ba Raven, ang init kaya ngayon. Para naman lamigin ng konti."

Huh? Lamigin?

"Nay, ano po ba ang nakain nyo?" tanong ko habang nag o-on ng TV.

Manonood nalang ako ng palabas at baka kung saan pa pupunta ang usapan namin.

"Nakain? Wala naman." Sagot nya habang nakahawak sa baba at animoy nag-iisip.

"Ah, kaya naman pala."

"Ha? Ano yun Raven? Hindi ko kasi marinig. Hinaan mo naman yung TV."

"Ha? Aaa ehh, wala po."

Buti naman hindi nya narinig



-The Next day-


"Raven, hindi ka ba talaga sasali?"

"Hindi na Sapphire." buong desisyon kong sagot

May singing contest kasi next week dito sa school kahit kasisimula pa lang ng school year. Ang contest kase ay pwede sa lahat ng department.

"Twin Sapphire, wag mo ng pilitin." sambit ni Viona habang tumitingin sa cellphone nya

"Sayang, hindi maririnig ng mga students sa school kung gaano kaganda ang boses mo girl"

"Hala, hindi kaya Sapphire. Nakakahiya naman."

Sa cr lang kaya ako kumakanta.

Nakakahiya pag marami ng tao ang nakatingin sayo








Sapphire's POV

Nakaramdam ako ng uhaw kaya uminom muna ako ng juice. Habang umiinom, may narinig akong nag-uusapan.

"Alam ko namang maganda ako kaya sasali ako sa singing contest next week."

Di ko maiwasang mapaubo ng malakas dahil sa narinig ko

"Okay ka lang Twin Sapphire?" Nag aalalang tanong ni twin Viona habang hinihimas ang likuran ko

"Oo, okay lang ako."

Medyo nauubo pa rin ako kaya uminom ulit ako ng juice

"Hey Bitch!" bati ni twin Viona nung dumaan sa harapan namin si Vitchel.

Napahinto naman ito agad kasama ng dalawa pa nyang mga alipores at humarap sa amin na naka cross arms at nakataas ang isang kilay.

"What did you say?"

Tumayo muna si twin Viona at nakapamewang na sinagot si Vitchel. "Do you really want me to repeat it? Oh sure."

Totoo namang mukhang aso tong babaeng to eh. (Bitch- female dog) Kung maka asta kala mo kung sinong maganda. Noon pa yan eh, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago. In fact, mukha syang zombie na kagagaling lang sa lupa. I'm just stating the fact.

"I said Hey BI--" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Twin Viona. Alam kong ayaw ni Raven ng gulo.

"BITCHel, totoo bang sasali ka sa singing contest?"

Hindi kasi ako makapaniwala. Ang kapal din ng fes nya huh.

Like O-M-G!

"Yes Sapphire, you're right. Sa ganda kong to?" sabay flip sa buhok nya.

Akala mo naman walang split ends.

Pwe!

Tumaas naman ang kilay ni twin Viona "Ang yabang nito ah."

"Ano yun Viona?" tanong ni BITCHel

"Ah, ang sabi ni twin Viona, pwede na." ako na lang ang sumagot. Mahirap na.

"What????" ang arte talaga nitong si BITCHel.

What what ka dyan!

"Alam ko namang panalo na ako. Hindi nyo ba natatandaan nung singing contest last year, 3rd kaya ako."

Pinagmamalaki na nya ang 3rd place?

"Natural, tatlo lang silang mga contestants eh." bulong sakin ni twin Viona

"Sa ganda kong to? Wala ba kayong bilib sa akin?"

Hindi ata alam nito ang definition ng kagandahan. At paulit-ulit pa talaga ang pagsasabi nya ng maganda?

Grabe, ang kapal talaga ng FES!

"Kaya good luck na lang sa mga makakalaban ko!" dugtong pa nya at saka parang model na umalis.

Well, hindi na man talaga parang model. Nagmomodel-modelan lang. Hello? ang pangit kaya nyang lumakad, parang may Rayuma. Hindi ako nanlalait ah, totoo yun noh.

Umupo na rin kami ni twin Viona "Twin Sapphire, sasali sya? Joke ba yun?" wika ni Viona habang tinitingnan si Vitchel na nakaupo sa isa sa mga tables at masayang nakikipag-usap sa kanyang mga alipores na hindi mo malaman kung ano ba ang itsura.

"Ano ba kayo. Hayaan nyo na lang sya." uminom nalang ng yakult si Raven

"Raven, concern lang naman sila Viona at Sapphire sa mga taong makikinig sa boses nya. Baka umiyak eh." natatawang wika ni Azure

"Hahaha" hindi na talaga namin napigilan ni Twin Viona na tumawa.

Good luck na lang sa manonood ng singing contest.



Their IdentitiesWhere stories live. Discover now